KABANATA 07

3 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'



KABANATA 07

"Archer... Sige na, tulungan mo na 'ko na kumbinsihin si Attorney na ibenta sa'kin yung lupa niya malapit sa Williams." Naandito ako ngayon sa opisina ni Archer at ginugulo sa pagtatrabaho niya. Nakita ko kasi yung place kanina nung naghahanap ako ng ibang lote na pwedeng pagtayuan ng panibagong branch ng resto. Tamang tama lang yung lugar at literal na kulto ng mga estudyante at bakasyonista.





"Amaya, ayaw nga nung tao. 'Wag na natin pilitin, tsaka sabi mo naman may mga nakita ka pang lote na ipinagbebenta malapit sa Williams 'di ba? Iyon na lang ang i-pursue mo. Mukhang may malalim na dahilan si Maverick kaya ayaw niya ibenta yung lote." Sagot nito habang may kung anong tinitipa sa laptop niya. Inirapan ko naman ito kahit alam ko na hindi niya kita iyon.





"Ano namang dahilan? I don't see anything sentimental about that lot. Dzuhh, lupa lang kaya 'yon." Napapamewang kong sabi rito. Kung hindi lang perfect yung spot for my business hindi ko na ipipilit na bilhin yun eh.





"You know what, Maya? Just stop, okay. Kung 'yan lang din ang idadahilan mo, make sure you're ready about the consequences of your actions." Seryosong sagot nito. Ano ba kasing mayroon don sa lupa?





"Then make me understand, Archer." Napipika kong sabi rito. Tinitigan lang naman ako nito na para bang hindi niya inaasahan ang kilos ko.





Nang wala akong mahita kay Archer ay iniwan ko na rin ito doon sa opisina niya. Naiirita ako. Wala naman kasi akong makitang espesyal sa lupa na 'yon bukod sa magandang spot for business, kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw akong tulungan ni Archer na kumbinsihin si Attorney na ibenta sa akin iyon. Dahil sa sobrang inis ko ay ni hindi ko na napansin si Attorney na kasabay ko pala sa elevator, napansin ko lang ito noong nasa lobby na kami.





Wow! For the first time, hindi ko napansin ang existence ng isang Attorney Reyes. Grabe! Akalain mo, nagawa ko 'yon.





At dahil naiirita ako, kinareer ko na ang hindi pagpansin dito at nagdiretso na lang sa parking lot para makapunta na sa resto. Nang makasakay ako ay muli akong napalingon sa gusali, kung hindi ako matutulungan ni Archer maybe matutulungan ako ng babaeng alam kong malapit kay Attorney.





"Hi! Sorry ngayon lang ako. Um-attend pa ako ng meeting eh." Bati sa akin ni Yam nang makapasok ito sa opisina niya. She's a Salvador kaya hindi mahirap hanapin ang isang ito hindi kagaya ng pinsan niya na firm at bahay lang naman ang pinupuntahan pero ang hirap hagilapin.





"No it's okay. Halos kararating ko lang din naman." Nakangiting sagot ko rito habang pinapanood itong maupo sa swivel chair niya. Nakita ko naman na may pinindot itong buton sa may lamesa niya na mukhang konektado sa secretary nito na nasa opisina rin nito sa labas ng office ni Yam. Bago pa kasi ang opisina ni Yam ay madadaanan mo pa ang table ng secretary nito, it's really helpful and convenient. Ang galing.





"Ahh... Desserie, please bring us coffee here. Thank you." Salita nito sa may speaker. Ang high-tech naman dito.





"What brings you here, Lara? May problema ba sa pinsan mo?" Tanong nito sa'kin, she used to call me Lara dahil iyon naman talaga ang nickname ko. But my other relatives called me Maya or Amaya. Tanging ito lang at ang pinsan niya ang tumatawag sa first name ko pati na rin iyong kaibigan nila which is Kiro.





"Wala naman. I actually came here to personally ask you kung may alam kang lote na ibinebenta near Williams. May alam ka ba?" Tanong ko rito. Napanguso ito bago sumagot, she's cute.





Behind His Success (Chasing Dreams S2)Where stories live. Discover now