02

33 19 0
                                    

Avery's POV

Habang naglalakad ako sa corridor dahil pabalik
na ako sa classroom namin, when someone caught my attention. It was caleb, naglalakad siya palapit saakin, kasama ang mga ka teammates niya sa basketball.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
He was smiling at me while waving his right
hands. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sakanya. Caleb is my crush for one year, he was a famous varsity player in our University.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Hi, Avery," he said, smiling at me.

ㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"H-hi, caleb," nahihiyang tugon ko sakaniya.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Avery, nakita mo ba si Rina?" He asked while
still smiling at me.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ahh wala eh, bakit mo siya hinahanap?"
Nakangiti ngunit nagtatakang tanong ko
naman sakaniya.

ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bakit naman si rina ang hinahanap mo caleb?
Andito kaya ako hmp!


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ahh kasi... May gusto lang akong sabihin sa
kanya hehehe" nahihiya at napapakamot batok
niya pang tugon sa akin.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ha? E bakit hindi mo nalang sabihin sa akin?
Para ako nalang magpaabot sakaniya ng sasabihin mo."


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ah... eh hindi na. Avery, ako na lang, salamat hahaha sige Avery, mauna na kami ng mga ka-teammates ko." Sabi niya sa akin at saka
umalis kasama ang mga ka-teammate niya
at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad
ko hanggang sa makarating na ako sa classroom namin.

ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Agad naman akong pumasok na sa loob ng classroom at tumabi sa mga gaga kong kaibigan.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Hoy! Avs kala ba namin dun ka lang sa library
ba't antagal mo gaga ka!" Tinaasan ako ng kilay
ni Serenity.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ha? Oo nga galing ako sa library syempre napasarap tambay ko dun mga baliw"
Natatawang tugon ko.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"King-ina neto antagal! kanina pa kami dito nag chi-chismisan! Late kana sa balita inday gaga ka!"
Si Syline.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ha?"


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Ha-hatdog ulol mo king 'ina ka!" Si serenity

ㅤㅤ
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Gaga, anong balita?" Takang tanong ko naman sakanila.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Yung nasagap ko kanina liligawan daw ni
Caleb si Rina! Kaya pala sabi-sabi ng mga
nakakita sakanila dun sa likod ng campus
dun daw laging nagme-meet up o nag-uusap
sila Caleb at Rina" Sambit naman ni Eira.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Tru! Yan din narinig ko kanina. Nag-uusap
yung mga marites kanina sa gilid ng corridor"
Si Solene.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
"Pano ka na niyan teh? E diba gusto mo si caleb? Mag iisang taon na din" Sabat naman ni Sienna
na ngayon ay ginagamitan ng eyelash curler ang mga pilik mata.


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Bahagyang bumagsak ang aking balikat sa
aking mga narinig.

ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
L-liligawan na ni Caleb si Rina? P-pero paano ako?
I don't even have a chance to confess these hidden feelings of mine for Caleb.

Our favorite PlaceWhere stories live. Discover now