Prologue

761 9 0
                                    


Prologue

I am gonna miss my hometown, I’m gonna miss my friends. Nandito ako ngayon sa park kung saan magkikita kami ng friends ko, last day na kasi namin here sa Cebu. Ngayon na kami aalis papuntang Manila, things got worse here. Magka-away sila Lola at Mommy, Mom decided to move in Manila.

We respect her decision, and also if para sa peace of mind niya naman we'll settle there na sa Manila for good. Saka good news din na lumipat na rin ng department si Dad sa Manila, my father is Engineer and also a businessman. Iniwan ni Lolo kay Dad ang company nila, that’s why.

I'm gonna miss Cebu.

Tapos na rin naman ang school year, mag t-transfer na lang ako sa Manila fo grade 12. Ang hirap umalis lalo na't napamahal ka na sa mga tao rito sa Cebu, Cebu became my safe place. Pero siguro, kailangan ko na rin lumabas sa comfort zone ko. Hindi naman dapat palagi manatili ako sa comfort zone ko.

Nag vibrate ang phone ko, sign na may notification or nag text sa akin.

Messenger

Jane Garcia: otw na kami, sophie

Beatrice Lopez: teh ang tagal kasi kumilos ni jennalyn

Alliah Ortega replied to Beatrice:
i agree, pa disney princess kasi ang babae na 'yan

Ayumi Okamoto: bakla, ang tatagal niyo

Jeia Sapiandante: naiinip na 'yan si sophie mga ate, ano ba asan na kayo?

Amelia Sarmiento: oo nga eh, 'pag na bwisit ang darling natin bahala kayo

Valerie Bagtas: asan na ba kasi kayo, jane?

Sineen ko lang sila, natatawa ako sa mga kaibigan ko. I can't help it, naiiyak na ako. Mamimiss ko 'yung ganitong kulitan namin, 'yung bardagulan nila na ganito. Si Jane na palaging late, tapos 'yung lima maiirita sa kaniya kasi palagi siya 'yung huli mabagal kasi kumilos si Jane.

"Sophie!" sabay-sabay nilang tawag sa akin, nakarating na rin pala agad sila. Hindi na kasi ako nag seen sa gc namin, kaya hindi ko nalaman kung malapit na ba sila o hindi. Nagtawanan naman silang anim dahil sa kagagahan na ginawa nila, I'm gonna miss their laugh.

Pumunta kami ng seaside, 'yung tambayan namin. We watch sunset along the coast, masaya ako na sila ang kasama ko bago kami umalis.

"Sophie, mag promise ka na babalik ka ha?!" utas ni Jane. Mamimiss ko ang maingay na bunganga ni Jane, mabilis siya magsalita kaya tinatawag namin siya rapper tapos malakas pa ang boses.

"Oo nga, Sophie. 'Wag mo kami kalimutan ha? Baka may mahanap ka lang na ibang kaibigan doon, hindi mo na kami kausapin." sabi ni Liah na nagsimula na umiyak. Ang mamimiss ko kay Liah ay 'yung pagiging iyakin niya, mabilis siyang umiyak. Hindi ko na siya madadamayan kapag umiyak na naman siya, kasi wala na ako sa tabi niya.

"Ano ka ba, Liah? Hindi naman ganoon si Sophie teh. 'Di ba, Sophie?" saad ni Bea. Si Beatrice ang nagsisilbing mother of the group, palagi siyang andiyan para sa aming anim. Kahit na busy siya, she'll make time for us. Kahit na nag susuffer din siya, andiyan pa rin siya para icomfort kami whenever we needed a shoulder to lean on. She's selfless.

"Hindi 'no!" sagot ko rito.

"Teh, Sophie, kapag may nang bully sa 'yo roon sabihin mo sa akin ha?! Luluwas talaga ako ng Manila para gumanti sa mang bubully sa 'yo!" Ayumi uttered. Si Ayumi naman ang binansagan na meanest friend of the group, matapang kasi talaga si Ayumi. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nagagantihan mga nang bubully sa amin. Magaling din siya sa debate, kaya hindi na kami nagtataka bakit malakas ang loob niya.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now