Sidenote: Personal Discretion is advised. Chots. Walang BS dito. Maselang tema lang.
**
"Since... when..?" Halos pabulong ko na lamang tanong, parang ayaw nang lumabas ng aking boses.
I've been living in this apartment for two years and no, hindi mga Encarnacion ang may-ari nito! And I'm one hundred percent sure!
"Uhh.. Recently." Maikli niyang sagot, sabay kibit-balikat. Again, my jaw dropped.
Nagsimulang umakyat akong mangamba. Oh my god. I don't think he is normal. May maluwag na turnilyo yata sa ulo nito. He's a creep! He's a creep! I got myself a creep! Gusto kong tumayo at tumakbo papalayo.
Nakatitig lang ako sa kanya, habang pinaglagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko. Nilagyan ko ulit ng tubig ang aking baso at nilagok.
"You're not serious?" Hindi ko maiwasang ibulalas. Nagtataka siyang nag-angat sa'kin ng tingin. "You can't be serious." Napatayo ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"What's wrong?" Nagsubo siya ng pagkain.
"You. You are what's wrong. Hindi ako nakikipaglaro sa'yo Dimitri! I'm serious. Which part of ayoko ang hindi mo maintindihan? I'm completely, flat out rejecting you!" Oo, ako nang nagmamaganda, wala akong pakialam! But he's completely going overboard! Bakit niya bibilhin ang apartment building kung saan ako nakatira?! Is that even normal?!
Marahang bumuntong-hininga si chef Dimitri.
"Can we talk about this after breakfast? Ayokong nag-a-away tayo sa harap ng pagkain." Mahinahon niyang sagot. Sumimangot ako saglit.
May punto naman siya. Pinakalma ko ang sarili at muling umupo sa hapagkainan. Wala akong choice kung hindi sabayan siyang kumain.
Ako ang naghugas ng pinagkainan namin. Hindi ako nagtitiwala do'n sa dishwasher na idinagdag ni chef D, at hindi ko rin alam gamitin iyon. Basta hindi ko lang feel. At wala rin akong balak gamitin kahit kailan.
Naligo naman si chef Dimitri habang tinatapos ko ang paghuhugas. Weird parang pakiramdam ko lumipat na si chef D sa aking apartment. Masyadong maliit itong lugar para sa aming dalawa.
Sumunod akong maligo habang nagbibihis siya. Dinala ko na sa loob ng banyo ang mga bihisan ko.
Matapos maligo ay umupo kaming magkaharap sa maliit na sala. Nakaputing boxers shorts siya at sando, habang naka-round collar carnation pink blouse at shorts ako.
"Ano bang ayaw mo sa'kin?" Diretsa niyang tanong. His left ankle on his right knee, back leaning on the backrest. "I'm good looking, rich, with good connections, good family background, good education, professional. We have good chemistry and attraction together. Not to mention, I have one hell of a nice body and unbelievable stamina. So, what's missing?" He said crossing his arms over his chest.
Totoo iyon, pero wala akong balak aminin sa kanya iyon. He's hot, yes. He's rich, super. He's smart..? Sa ginagawa niya ngayon, I don't think so. At kung makapag-alsa naman siya ng bangko hindi basta kahoy, iyong sementado talaga.
"Oh please." Sabay irap ko. "We have what? Attraction? Ikaw lang ang may sabi niyan. And that's your problem, not mine. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Hindi nga kita gusto. Ang dami namang nagkakandarapa sa'yo ba't mo ipinagsisiksikan ang sarili mo sa'kin." Napa-ingos ako, I sounded conceited pero paki niya ba? Totoo naman siya itong nagpupumilit sa'kin. Sino bang nakikisiksik rito sa maliit na apartment ko ngayon?
BINABASA MO ANG
The Chef [COMPLETED]
General FictionShout out to @ohhhcess for the cover of the Chef Rated SPG. Patnubay at Gabay ay Kailangan. Ingredients. Food. Kitchen. Chefs. and One Sizzling Romance with Dimitri Al-Gala - Encarnacion Written by: MWI (MonsterWithIn) Edited by: shezallTHAT