Hindi na ako nagkalakas loob na lumingon sa pintuan ni Dimitri. Nagvibrate ang phone sa kanang bulsa ng suot kong jeans. Binasa ko ang text at galing iyon kay Dimitri. Hindi talaga siya sumusuko. Kung makapagtext parang hindi kami nagMMK kani-kanina lang.
Dimitri
Lunch at my place.Tumipa ako ng sagot. "No." Bago ko pa man ma-isend mabilis iyong nagvibrate ulit.
Dimitri
I won't take NO for an answer.I can't help but puff air after reading his text. Hindi ko na alam kung ano pang irereply ko sa kanya. Nagvibrate ulit itong phone pagkapasok namin ni Wynn.
Dimitri
You're coming or I'm going to get you in five minutes?Fvck you. Mariin kong naikuyom ang phone sa kanan kong palad. Temporaryo nga niya akong pinakawalan. Walang five minutes. Pinag-iisipan ko ang mabuting dahilan upang makaalis ng hindi nakakaduda. Kaso wala talagang pumapasok sa isip ko na creative na palusot.
"Wynn, may kailangan lang akong bilhin. I'll be back." At kahit na hindi benta ang rason ko, pwedeng-pwede na ako sa Sinungaling of the Year Award. Grand slam.
"Ha? Bakit 'di mo sinabi kanina? Ihahatid na kita? O marunong kang magmotor?"
"Ayoko nang mabilad sa araw, tanghalian oh. Tirik na tirik ang araw." Sabay turo sa bintana. "Baka malusaw ang kaputian ko. Magtaxi na lang ako. I'm OK. I'll see you in a bit." Mabilis kong paalam at lumabas. Naka-isang hakbang pa lamang ako ng mapahinto.
Napahinto ng makita ang babaeng nakatayo sa harap ng unit ni Dimitri. Nakayuko ito habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin ng cellphone nito. Si Ms. Alexandrea Lopez, Dimitri's fiancèe. Mabilis akong tumalikod upang hindi nito makita at muling pumasok sa apartment ni Wynn.
Pakiramdam ko'y bumalik ang paggapang ng lamig sa buong katawan ko. Parang lahat ng enerhiya mula sa kinain ko'y naglahong lahat.
I couldn't shake the feeling of disappointment.
"Ang bilis mo yata?" Agad akong lumingon sa nagsalita. Huminto si Wynn sa papasok sa kwarto niya. Pinilit kong ayusin ang sarili ko. Mabilis akong nag-apuhap ng muling idadahilan sa kanya.
"N-naiwan ko iyong.. w-wallet ko sa kwar..to." Nakangiti kong sagot sa kanya. But deep inside I wanted to cry. I felt betrayed. Hindi ko alam kung kita ba ni Wynn ang samo't saring emosyon sa mukha ko. Kumunot ang noo ni Wynn pero hindi na nagkomento pa, tumuloy na ito sa loob ng kwarto.
Tumuloy rin ako sa sarili kong silid. Nanlulumo akong napaupo sa kama. Looking at my phone every other minute. Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kabila. Kung umalis ba sila, kung kumakain ba sila ngayon? Anong pinag-uusapan nila? Hindi ko maiwasang isipin ang mga ganitong bagay habang paulit-ulit na nakikita ko sa isipan si Ms. Alexandrea.
Pinaglalaruan ba ako ni Dimitri? Iniisip niya bang madali niya akong nakukuha kaya't ginagawa niya sa'kin 'to? Do I look desperate to him? Desperadong makuha ang restawran at kayang gawin ang lahat para dito?
Pakiramdam ko'y napakababa kong tao. Mabilis kong pinatay ang aking cellphone bago pa man magbago ang isip ko. Pasalampak akong bumagsak sa kama.
Pakiramdam ko'y parang may kulang. May dapat akong gawin na hindi ko alam kung ano. May parte sa dibdib ko ang nasasaktan at parang hindi buo. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Mariin akong napapikit pilit iwinawaglit ang lahat sa isipan ko.
*
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising ako dahil sa kung anong komosyon sa labas. Pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto upang tuluyang magising ng makarinig ng pagkabasag ng kung anong mga bagay.
BINABASA MO ANG
The Chef [COMPLETED]
General FictionShout out to @ohhhcess for the cover of the Chef Rated SPG. Patnubay at Gabay ay Kailangan. Ingredients. Food. Kitchen. Chefs. and One Sizzling Romance with Dimitri Al-Gala - Encarnacion Written by: MWI (MonsterWithIn) Edited by: shezallTHAT