Kabanata 3

5 0 0
                                    

Kabanata 3
Spaghetti

"ANONG nangyari, Chai? Are you okay? Is the baby okay?" Ridge worriedly asked.

I cleared my throat and avoided his glance. "A-Ayos lang ako."

"Pregnancy hormones ba 'yan?"

"I think so," pagsisinungaling ko.

In-offer niya ang kamay niya sa harap ko. "Tayo ka na r'yan. Bibili na lang tayo ng cravings mo o kung ano mang makakatulong para hindi ka na umiyak ng gano'n."

Inabot ko ang kamay niya saka inalalayan niya ako para makaupo sa kama. Ngumiti siya ng malawak sa akin na kahit papaano ay nakapagpagaan ng loob ko.

"Thank you for being my friend," ani ko.

"Friendly relationship for the sake of the baby," in-offer niya ang kamay niya para sa shake hands na agad kong tinanggap. "Deal."

"Deal," pagpayag ko rin.

"Hmm, so ano nga ang iniiyakan mo? Do you have any pregnancy cravings that you want?"

"I want spaghetti pero si tita ang magluluto. Yung mommy mo," sagot ko.

Ilang araw ko ng gusto 'yon pero hindi ko masabi dahil naninibago pa ako sa presensya ni Ridge at kahit nakagawa na kami ng baby together, iba pa rin sa feeling.

Mas nasanay ako sa presensya ni Mikael dahil matagal ko na 'yung nakasama.

I miss him.

"Maybe she's busy, Chai. Don't you want me to cook that for you?"

"Please?" nilambingan ko pa ang boses para mapagbigyan niya ako sa gusto ko.

I really want her mom's spaghetti.

"Okay, fine. Wait," he finally agreed to call his mom.

Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at ni-dial ang number ng mommy niya. Pagakatapos ng tatlong ring ay sumagot ang mommy niya.

"Hello, mom?" panimula ni Ridge.

"Anak, may kailangan ka ba?" sagot ni tita sa kabilang linya. Rinig ko 'yon dahil naka-speaker mode ang call.

"Mom, kasi... si Chai, gusto na lutuan mo siya ng spaghetti rito sa bahay."

"Huh?"

"Mom, busy ka ba? Sorry sa—"

"No, no," nanahimik muli sa kabilang linya pero nabuhayan ako ng loob nang magsalita muli si tita. "I'll go. Mahirap na hindi mapagbigyan ang gusto ng asawa mo. Don't worry, anak, kaya kong itabi itong ginagawa ko for my apo."

"Thank you, mom."

The call ended there.

Ridge looked at me and he smiled. "My mom loves you and the baby so much but..." nawala ang ngiti sa labi niya. "but i know that this pregnancy craving is not really the reason why you are crying. I'll investigate, Chai. I'll do everything to know who's behind those tears earlier."

‘Yon ang unang beses na na-realize kong may pake si Ridge sa'kin at hindi lang para sa baby.

"MASARAP?" tanong ni tita sa akin pagkatapos kong sumubo ng spaghetti na niluto niya.

I nod. "Yes, tita. Masarap!"

"What? Tita?" umiling si tita Eriz. "Call me mama, mom, or mommy. I don't accept tita, Chaisy. Asawa ka na ng anak ko kaya mommy mo na rin ako."

"Pero po alam naman po nating peke—"

"Chaisy," saway ni tita sa akin. "Anong peke? Parehas niyong mahal ang bata at ang pagmamahal na 'yon ang nagpapatotoo ng kasal at samahan ninyo ng anak ko."

Tumango ako saka ngumiti. Tama si mama.

"Ridge!" sigaw ko nang nakadalawang subo na ako ng spagheti.

Nagmamadali siyang bumaba at halos matawa ako pero pinigilan ko. He's too attentive.

"Yes?" sagot niya na hinahabol pa ang paghinga mula sa pagtakbo.

"Eat this," utos ko.

"H-Huh? But that is for you, Chai. Not for me."

"Please?" nilambingan ko pa ang boses ko para sumunod siya sa akin at laking pasalamat ko ng tumango siya at sinimulang kainin ang spaghetti na nasa plato ko. "Ubusin mo yan, ha," paalala ko pa saka nagpaalam na tataas ng kwarto ko para uminom ng vitamins ko.

Pagkababa ko ay nakita kong ubos na ang spaghetti at kahit ang nasa container pang spaghetti ay ubos na rin. Humagulgol ako sa hindi malamang dahilan kaya lumapit agad si Ridge sa akin. Siya lang ang lumapit kaya malamang ay umalis na si mama para sa trabaho o para umuwi.

"What happened?!" he panicked.

"Bakit mo inubos?! Did i ask you to eat all of my spaghetti?!" sigaw ko. "I hate you!"

"Oh God," aniya. Napabuntong-hininga siya saka tumitig sakin. "Do you want me to ask mommy to cook again tomorrow?"

"No! Don't talk to me!" i frustratedly shouted.

Tumaas na ako sa kwarto ko saka siniguradong naka-lock ang pintuan. Nasa iisang bahay kami pero nakiusap kami sa parents namin na magkahiwalay sana kami ng kwarto na pinayagan naman nila.

Buti na lang.

"Chai?" tawag ni Ridge mula sa labas habang kumakatok. "Sorry na. Papaluto na lang uli ako bukas."

"Gusto mo ba makabawi?"

"Yes!" bakas sa boses niya ang excitement na makabawi sa akin. "Anong gusto niyo ng anak natin?"

Anak natin. Damn.

Napapikit ako dahil ramdam ko na naman ang bugso ng damdamin ko. Ang saya marinig na ina-acknowledge niyang nanay ako ng magiging anak namin. Masayang makilala ka ng tatay ng dinadala mo kahit hindi ikaw ang mahal niya.

"Bukas na lang yung pagbawi mo pero gusto ko ng chicken sa jolibee pero dito magluluto ng chicken, ha? Wag ibang tao ang tatawagin mo, ha? Jolibee staff dapat at naka-uniform para sigurado. Mamaya utuhin mo ako, e."

"Shit," malutong niyang mura. Narinig ko ang tawa niya kahit pigil. "Okay, fine. Yes, Chai. Jolibee staff na naka-uniform at magluluto ng chicken ng jolibee rito sa bahay. Noted!"

PAGKADILAT pa lang ng mga mata ko ay parang bumabaliktad na ang sikmura ko kaya agad akong tumayo at dumiretso sa cr. I was in the middle of vomiting when Ridge entered my room.

Dinaluhan niya ako saka inalalayan habang nagsusuka. Nang maayos ko na ang sarili ko ay nilingon ko siya.

"I'm fine," i assured him.

He nodded. "I hope so. Support lang ambag ko dahil hindi naman pwedeng ako ang magsuka para sayo kaya kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin."

"Ridge,"

"Hmm?"

"You don't need to do all of this. Stop it. Kaya ko naman ang sarili ko."

Umiling siya. "Para sa baby naman natin ang lahat ng 'to, di ba? Gusto kong alagaan ka dahil responsibilidad ko kayo... hindi dahil trip ko lang."

Hindi ko namalayang sunod sunod na palang tumutulo luha ko.

"Hey," pinunasan niya ang mga luha ko. "Don't cry. I want to be worthy for you and for the baby. Even we don't love each other and it might turn out as a loveless marriage, I'll still promise to take care of you and her."

His Wife's Misery (His Series #3)Where stories live. Discover now