Kabanata 4

1 0 0
                                    

Kabanata 4
Inlove

"HER? How do you know that it's a girl?"

"Guts," he simply answered then he laughed. "I want more girls in the family,"

When he smiled and looked at me, i knew it. Nakita ko ang dahilan kung bakit maraming nahuhumaling sa lalaking ito. He has this hard features that's why he look like a badboy but I'm seeing the real Ridge right now.

Hinawakan niya ako sa bewang at nagkatitigan kami. Nagbilang ako sa utak ko kung gaano katagal ang titigan na ‘yon. Habang nakatitig ako sakanya, inaral ko ng mabuti ang bawat parte ng mukha niya. Gusto kong maging ganito ang mukha ng anak namin.

He pulled me for a hug and I was stunned at first but responded to his hug after a few minutes that i didn't move.

Natutuliro ako sa sobrang lapit ni Ridge sa akin ngayon. Tumagal ang yakapan na ‘yon na halos hindi ako gumalaw. Nang bumitaw siya sa yakap ay saka ko lang napansin na pigil hininga na pala ako. 

Anong ginagawa mo sa akin, Ridge?

I thought, i am still inlove with Mikael and has no interest with Ridge.

Pero mali ako.

Bawat pagpapakita niya ng pakialam ay nahuhulog ako ng paunti-unti. Palalim ng palalim.

"THIS is manang Susan," pakilala ni Ridge sa manang na nasa gilid niya. Ngumiti ako bilang paggalang at pagbati. "She's Chaisy, manang, but you can call her Chai para po mas maiksi. Misis ko po."

Misis ko.

Seriously, Ridge?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya nagkunwari akong inaayos ko ang buhok ko.

"Masaya akong makilala kayong dalawa.  Nako, titiyakin kong maaalagaan ko ng mabuti itong asawa mo pati na rin ang magiging anak niyo, Ridge."

Halatang natuwa si Ridge sa sinabi ni manang Susan dahil ngumiti ito ng malawak. "Maraming salamat po, manang. Buti na lang po ay may nakuha agad si mommy. Ayaw ko po kasing naiiwang mag-isa itong si Chaisy dito kapag nasa school ako."

"Mahal na mahal mo talaga itong si Chaisy, ano?"

Pagkasabi noon ni manang ay umiwas ako ng tingin sakanila. I gulped.

As if, manang.

Tumikhim si Ridge para maiwala ang usapan. "Tara po, manang. May isang guest room sa taas, doon po kayo."

Nakahinga ako ng maluwag nang maiwala ni Ridge ang usapan. Binitbit ni Ridge ang mga gamit ni manang saka sumunod si manang sakanya.

After a few minutes, he came back.

"Hindi ba nabanggit ni mama na nagpakasal—"

"Hindi yata but it's fine. I think it's a practice how we'll act when our baby came out. We need to be okay infront of the baby, Chai. It doesn't need to be awkward gaya ng kanina. We don't need to be sweet, we just need to be casual, Chai."

"Yeah, yeah," ani ko saka napatango-tango nang mapagtanto na tama siya. "So, the act is on without awkwardness?"

"Yes. Probably."

"But we're still gonna have this friendly parenting... right?"

He grinned. "Of course."

"Okay. Noted."

"I'M home!" he shouted from downstairs.

Bumaba ako para salubungin siya. Si manang ay nasa kusina at nagluluto na ng early dinner para sa amin. Niyakap ko siya at yumakap din siya pabalik.

Lumuhod siya sa harapan ko para halikan ang kaunting baby bump sa tiyan ko. "Hi, baby. How's your check up, anak?"

Two months na rin mahigit mula ng magsama kami at sa loob ng mga buwan na ‘yon, nakita ko ang totoong Ridge. Ang soft at caring na Ridge pagdating sa akin at sa anak namin. Sinisigurado niyang secure at safe kami pareho ng anak niya dahilan para mas mapalapit ako sakanya.

May kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ko ang katagang "anak" mula sakanya.

Okay na ako mula kay Kael. We are in good terms. Masasabi kong i can consider him as my friend pero hangga't maaari, wala akong magiging connection sakanya in any of my socmed accounts at alam kong naiintindihan niya naman iyon.

I've moved on from Mikael.

"Okay naman. Sabi ni doc, healthy daw ang baby natin," i answered.

Ridge stood up and kissed the side of my head. My heart started beating fast, in not a normal way. "Alright. That's good to know. Taas muna ako. You should eat after manang cooked our dinner, okay? And sleep early, Chai, please," paaalala niya na may halong pag-aalala sa boses.

For the past two days, I've been rushing my actuvities for the deadline and I've been staying up late. Last night, he helped me that's why napaaga ang tulog ko pero may kailangan pa rin akong tapusin.

I stared at him. Kailan ba mapapansin ng lalaking ito na ang pagiging caring at soft guy niya ang dahilan bakit sa tuwing hinahalikan niya ako sa kahit anong parte ng mukha ko maliban sa pisngi ay nagwawala ang puso ko? Na tuwing inaalagaan niya ako at sinasabihan ng mga salitang gusto kong marinig ay nahuhulog ako lalo?

"Chai," his voice is like a warning from him.

I forcedly nodded. "Yes, fine. I'll sleep early."

He smiled at me and walked upstairs.

Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Gaga, Chai. He was doing that for the sake of the baby!

"Don't be dump, Chai. Sinasampal ka na ng katotohanan, e. Hindi ikaw ang gusto niya, okay?" i reminded myself as my tears started streaming down.

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko dahil hindi pwedeng magpakatanga ako at hayaan ang sariling mahulog lalo.

Hindi ko alam kung kailan nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at gustuhin kong sa tabi ko na lang siya buong araw. I just noticed it whenever he's near and he's kissing and hugging me. Affectionate kami sa isa't isa dahil para talaga kaming magkaibigan pero hindi ko alam na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon dahil doon.

I shouldn't have let him.

Kasi masakit ang katotohanan.

Alam kong mahal na mahal niya ang ex niya.

"Okay ka lang, Chaisy?"

Narinig ko ang boses ni manang mula sa likuran ko. Pinunasan ko ang mga luha ko saka hinarap si manang. Peke akong ngumiti.

Ayan, pekehan mo pa, Chai. Aralin mo ‘yan lalo na at kailangan mo ‘yan sa harap ni Ridge.

"Yes, manang. Luto na po ba ang dinner?"

"Oo. Kakain ka na ba?"

I nod. "Binilin po ni Ridge, e. Sabay na po tayo dahil mamaya pa iyon kakain. Pagod po, e."

"Sige, paghahanda na kita."

Tumango lang ako at hinintay na mawala muli si manang sa paningin ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng shorts ko saka hinanap sa contact si Akira para humingi ng advice.

To: Akiii
Aki, I'm confirmed inlove with Ridge. Hindi naman ako tanga para hindi marealize yun pero anong gagawin ko??? He's effing inlove with someone else!!!

His Wife's Misery (His Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang