Chapter 1

285 8 0
                                    

Chapter 1

Another day for school again. Ngayon na lang ulit ako tinamad pumasok sa school, hindi ko alam kung bakit. Pero heto naman ako ngayon, nag aayos na para pumasok. Bigla rin nag call sila Jane, kaya't sinagot ko agad ang tawag ng babae.

"Kumusta naman first day of school mo, girl?" panimula ni Jane. Kasama niya sa frame ang lima pang babae, pero may ginagawa naman ang iba habang nasa tawag.

"Ayos lang, beh. I made new friends, their names are: Emily, Lily, and Aiden."

"Buti naman! Marami bang pogi riyan, Sophie?" tanong ni Val. Basta pogi talaga, mabilis ang babae na 'to.

"Oo.. Marami,"

Lalo na 'yung varsity player.

"Oh, siya, andito na teacher namin bakla. Bye na muna ha! Ingat ka sa pag pasok, mwa! We love you!" utas ni Ayumi sa kabilang linya. Nakipag call sila habang nasa classroom at vacant time nila, ngayong may pumasok na teacher kailangan na nila patayin ang tawag dahil baka mapagalitan pa sila.

"Okay! Goodluck sa class, mahal ko rin kayo. I love you, my girls. Patayin niyo na," I said. Pinatay naman ni Ayumi ang tawag. Kuya Caesar is our new driver, mabait naman si Kuya at approachable. Pala kwento rin ito tungkol sa anak niyang babae, nakikita niya raw ako sa anak niyang nagngangalang Maria Therese.

Ang kwento ni Kuya ay galing daw ang pangalan ng babae sa pangalan ng asawa niya na ang pangalan ng asawa niya ay nanggaling din sa mama ng asawa niya. Basta iyon, sunod sunod! Parang 'yung Pagpasa ng pangalan sa librong I love you since 1892. Ang galing nga eh, namangha ako akala ko sa libro lang may gano'n.

Sa sobrang dami ng kwento ni Kuya ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng school. Nag thank you naman ako rito at lumabas na ng sasakyan para pumasok.

Nakita ko naman si Aiden sa gilid ng main gate na parang may inaasahan na tao na darating.

"Aiden, sino hinihintay mo?" tanong ko sa lalaki. Alam kong hindi kami nito close pero sana hindi siya masungit, 'yung iba kasi masungit kapag inapproach mo.

"Ah.. kaibigan ko sa stem na strand. Na received ko na rin chat niya na ma-lalate raw siya kaya mauuna na ako," pagpapaliwanag nito.

"Sabay na tayo pumasok," utas ko. Tumango naman ang lalaki sa sinabi ko, napansin ko naman ang pagtitinginan ang mga ibang student sa amin. May mali ba sa mukha ko? o baka may mali sa suot ko?

"Ang pogi talaga ni Ethan, grabe!"

"Teh, sinabi mo pa! Ang swerte ng magiging girlfriend niyan! Ang swerte ko,"

"Hoy mga ate, mga assumera!"

"Pero sino 'yung babae na nasa harap ni Ethan?"

"Nako! Tinamaan na si Ethan sa transferee!"

"Bagong student 'yan sa Class A, ang chika ay beauty with brains ang ate mo! Bongga siya!"

"Ay, nako teh, kung pipila 'yan kay Ethan… Tapos na ang pila!"

"Feeling ko hindi siya pipila.. Wala naman siyang interest kay Ethan at isa pa tahimik lang siya."

Rinig kong pag chismisan ng ibang babae. Ay, teka. Nasa likod ko 'yung Ethan? I mean, nasa likod namin ni Aiden? Hinila ko agad si Aiden para bilisan ang lakad namin. Nakakahiya naman sa campus heartthrob na pag hintayin sa likod namin eh. Baka mamaya magalit pa sa amin ang fans niyan, sabunutan pa ako. Nako, mahirap na!

Hindi naman na ako lumingon, ayoko at hindi ako interesado sa kaniya. He's too relevant, ayoko sa mga ganiyang sikat. Masyadong expose sa tao, i want peace of mind. Ay, bakla, bakit ko iniisip na papatulan ako ng lalaki na 'yan?! Jusko, tumigil ka Sophie!

Love in the HallsWhere stories live. Discover now