Chapter 2

259 4 0
                                    

Chapter 2

"Ma'am Aurora, pwede po bang pa picture? Idol na idol ko po kasi talaga kayo." utas ni Lily na hindi mapigilan ang saya. Pumayag naman si My, they took a selfie picture at picture naman na si Emi nag kuha. Tuwang tuwa ang babae, sayang nga lang dahil si Dy ay wala pa. Mamaya pa kasi ang uwi niya, workaholic si Dy eh. Namana kay Lolo.

Hinatid ni Kuya Caesar sila Aiden, nakisuyo ako kay Kuya na baka pwedeng ihatid silang tatlo dahil inabot na nga rin kami ng gabi sa dami ng trial and errors na nagawa namin ni Aiden sa pag drawing.

"My, daddy.. sumali po ako sa contests sa school. May consent form na prinovide, kailangan daw po ng parent's consent." sabi ko at nilabas naman ang consent form, pinirmahan naman ito ni My. Siya na lang ang pinapirma ko dahil isa lang naman kailangan.

"Goodluck, Darling. Galingan mo, anak." utas ni Daddy na ikinatuwa ng puso ko.

"Thank you, Dy. Gagalingan ko po,"

"You can do it, Darling. Manalo o matalo, we're still proud of you. Okay?" I nodded.

Sobrang saya ng puso ko na malaman na may dalawang tao na naniniwala sa kakayahan ko at palagi nariyan para sa akin. I am very thankful na naging parents ko sila, and if ever na may next life i will still choose them to be my parents.

"Sophie Valdez?"

"Bakla.. Tawag ka ni Ma'am." utas ni Lily. 1st week of HUMSS Week, sobrang pagod ako dahil sa kaka practice ko matuto mag drawing. Hindi ko tuloy namamalayan na tinatawag na ako ng Teacher namin.

"Yes po, Ma'am?" tugon ko sa guro.

"You're an excuse. Magsisimula na ang Spelling Bee contest, you should go na." I nodded. Nagpasalamat ako sa guro, dinala ko na rin materials ko. Ang nagaganap ngayon ay Spelling Bee at Quiz Bee. Kaya ko 'to.

Inayos ko ang sarili ko sa banyo. Hanggang ngayon 'di ko pa rin na-c-contact si Sarah, sobrang busy ko kasi ngayong HUMSS Week. Nag tipa ako ng sasabihin kay Sarah sa Messenger.

Messenger

Sarah Cruz
active now

hello sarah! sorry hindi ko pa rin napapalitan 'yung damit mo, i've been very busy for past few days because of humss week. i hope you understand! thank you. ❤️
seen

Sarah Cruz: girl, it's okay! i understand. goodluck!

Nakahinga naman ako nang malalim sa reply ng babae. Pumunta na ako sa ground dahil nga roon gaganapin ang contesta at pinapalabas na rin ang ibang students para magsilbing audience ng mga manlalaro.

Nakapwesto na ang contestants, Ethan is here. Ang kalaban ko ay ibang humss students, stem, at ict. Marami rin kaming mga sumali.

"Hello, ladies gentlemen! Welcome to our Spelling Bee, sasabihin ko na ngayon ang rules and regulations. 3 incorrect answers ay matatanggal na agad, isang winner lang ang dapat na magwagi. Kung sino ang highest score, siya ang mananalo. We have 3 stages which are easy, medium, and difficult. We prepared a certificate and medal for the winner and certificates only for the 1st, 2nd, and 3rd runner up. Remember, honesty is the best policy! Goodluck, participants!"

"Let's go for an easy round! Let's give them first an applause!"

"Yahoo! Goodluck, Sophie! HUMSS Class A are so proud of you! Kaya mo 'yan!" nagulat ako sa pag cheer ng mga kaklase ko, kahit ang iba ay hindi ko close chinecheer pa rin ako. Kahit ang ibang HUMSS Students ay chinecheer ako, may naniniwala sa akin. Kaya't lalo ko pang gagalingan.

"H-U-M-SS, Hu-ma-nista! Matatapang, Hindi magpapatalo! Go, Humanista!"

Nagsimula na mag yell ang ibang strand pati ang strand ko, nakakatuwa na panoorin na may mga taong naniniwala sa kakayahan mo.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now