The Socialite and The Scholar

742 5 0
                                    

Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko. Napangiti naman ako habang tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngumiti ako dito, at nakita ko kaagad ang mapuputi at magaganda kong ngipin.

Inayos ko na rin ang buhok ko, at sinubukan ko na i-flip ito.

"Hi babe..." Nakangising sabi ko habang nakatingin sa salamin.

Okay na kaya? Hindi naman mahirap mang-akit. 'Di ko na kailangang ibuhos ang effort ko, dahil madali naman makuha ang atensyon ng iba. Tumayo ako sa salamin, at tinitigan ko ang kabuuhan ko. Hinubad ko ang damit ko, pati na ang skirt ko. Tumambad sa mga mata ko ang bagay na hindi matatanggihan ng mga lalaki; Malalaking suso, matambok na puwitan, at ang hourglass figure ko. Tinitigan ko ang mukha ko mula kilay hanggang sa labi ko. Manang-mana nga ako sa Mommy ko, na isang model noon. Half-french ang Mommy ko, at kalahating Japanese. Kakaiba ang ganda nito, at sadyang nakakabighani. Sanay na rin ako sa sinasabi ng mga kumare niya sa akin.

"Carbon copy talaga kayo ng Mommy mo."

"Naku, ang ganda mong bata. Bagay kayo ng anak ko."

'Yun lang ang ayaw ko, ang ipinagduduldulan ako sa iba. May sarili naman akong desisyon, at hindi ako manika na de-susi para diktahan sa dapat, at hindi ko dapat gawin.

Humawak ako sa dulo ng kama ko, at iniangat ko nang bahagya ang puwitan ko. Inilipat ko ang buhok ko, para ilantad ang maputi kong batok. Pati ako, na-i-inlove na yata sa sarili ko. Napangisi nalang ako sa mga ginagawa ko, at hindi ko mapigilan na hangaan ang sarili ko.

Lunes pala ngayon, at may online classes ako. Hindi ako pumapasok sa school, dahil mas kampante ako sa online lang. Nakakapanood kasi ako ng mga kinikidnap sa balita, kaya natatakot rin ako. Lahat ng sulok ng bahay namin, may cctv naman at may guard kami sa labas ng bahay, kaya kampante ako. Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Nakatuwad ako sa kama noon, at nanlaki ang mga mata ng katulong namin nang makita ako.

"M-ma'am..."

"Get out!"

"A-andyan na po ang Mommy ninyo, pero aalis po kaagad. Kailangan daw po kayong makausap..."

Dali-dali akong pumunta sa closet ko, para maghanap ng robe. Madali kasing mainip ang Mommy ko, at minsan nasasampal ako kapag sobrang tagal ng pag-aantay niya. Pagbaba ko sa hagdan, sinalubong ako nito.

"Heidi, can you do me a favor?"

"What is it, Mom?"

Inabutan ako nito ng isang maliit na envelope, na kaagad kong sinilip. May laman ito na pera, na hindi ko alam kung saan ko gagamitin.

"What am I going to do with this money?"

"Wow, gumagaling ka na sa english."

"Hindi naman ako boba, duh."

"Sabi ng tutor mo, hindi ka daw nakikinig sa kanya minsan. Mali-mali ka daw sa paggamit ng tenses sa sentences-"

"Para saan ito?"

"I-abot mo sa bagong scholar ko, si Gray."

"Anong full name? Mamaya, kung sinu-sino pumasok dito tapos magpanggap na si Gray-"

"Gray Lumiere Manzanero. Maganda, mas matangkad sa'yo. Tapos medyo manly yung galaw. Mahahalata mo na agad 'yon..."

"At, scholar nanaman? Ano namang mabe-benefit mo kapag tutulong ka sa mga dukha?"

"Anak, hindi naman 'yon tungkol sa benefit. Marami naman tayong sobrang pera, kaya itulong nalang natin sa iba."

"Nope. Mali ang mindset mo, Mommy. Kapag nakita nila na mabait ka, aabusuhin ka niyan. Tapos mapipilitan ka nalang na magbigay nang magbigay. Kapag wala na silang mahuhuthot sa'yo, iiwanan ka nila. Ang dali lang magpanggap na walang naitulong ang tao sa'yo..."

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Where stories live. Discover now