CEO and Her Dirty Lil' Secrets 1/2

968 8 0
                                    

Saturday. First day ko sa bago kong trabaho. Naglalakad na ako papunta sa corridor at sunud-sunod ang pagbati sa akin ng lahat. Ultimo mga nang-aapi sa akin noon, halos halikan na ang mga paa ko. Tadhana nga naman.

"Good Morning, Ma'am Cecelia." Pagbati sa akin ni Krysta, janitor namin.

"Good Morning." Bati ko sa kanya pabalik nang hindi siya tinititigan.

Pumasok na ako sa bago kong opisina. Nilibot ko ang paningin ko. Sa pinto pa lang, nakasulat na ang pangalan ko...

[CEO OF SigmaDelta Pharma, Ms. Cecelia Valeriana Sotelo.]

Sa mesa, nakasulat rin ang pangalan ko. Umupo na ako at nagpahinga saglit. First day pa lang, pero medyo pagod na ako.

Pumasok sa opisina ko si Gil. Ini-lock niya ang pinto at lumapit sa akin.

"So, kamusta ang first day of work?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman. Satisfied naman ako-"

"Dapat talaga na ma-satisfy ka. Nasa pinakataas ka na, ano pa ba ang hihilingin mo?"

"Sabagay. What brings you here?"

"Ano ulit ang usapan natin?" Tanong niya sa akin.

"May usapan nga ba tayo?"

"Nangako ka sa akin na ibibigay mo ang katawan mo kapalit ng pwestong ito. Ako ang nagpilit para manalo ka at ma-appoint na bagong CEO."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan naman niya ang bewang ko. Hinila ko ang necktie niya.

"Ay, oo nga... May agreement tayo."

Unti-unti ko nang hinuhubad ang necktie niya. Kaagad niyang sinuggaban ng halik ang leeg ko at pinagpatuloy ang pagroromansa sa akin. Unti-unti akong umatras papunta sa pinto habang busy siya sa paghalik sa leeg ko.

Kaagad kong inabot ang doorknob at binuksan ang pintuan. Itinulak ko siya palayo sa akin saka dali-daling lumabas.

"Security! Palabasin niyo yung tao na 'to! He attempted to rape me." Sigaw ko.

Dali-daling lumapit ang dalawang guard kay Gil at hinawakan ang magkabilang braso niya. Nagpupumiglas siya.

"Napakatuso mo, Cecelia! Hahanapan kita ng tiyempo, at makakaganti ako sa'yo!" Galit na galit na sigaw nito.

Nagkunwari akong takot sa harap ng mga staffs ko. Pumasok na ulit ako sa office at sumandal sa pinto. Doon ako nakahinga nang maluwag.

"Utu-uto talaga." Natatawang bulong ko sa sarili ko.

Lumipas ang mga araw. Maganda naman ang performance ko kaya magaganda rin ang feedbacks sa kompanya ko. Nagmistulang face of the company ako, kaya dumarami ang investors na gustong makipag-negotiate sa amin.

Naging laman ako ng magazine. Naging most successful woman of the year, most powerful woman of the century, at kung anu-ano pa. Sino ba naman ang hindi maaakit sa mala-Latina Bombshell na ganda ko, hindi ba? Isama mo pa ang Beauty Queen na datingan ko. Bonus points pa ang talino ko.

Naghahanap ako ng executive assistant, at nagpublish kami sa diyaryo ng tungkol doon. Kinabukasan, marami na agad ang nakapila sa labas ng building. Dumaan muna sila sa screenings, at kung anu-ano pang tests. Hindi naman ako kukuha ng basta-basta, mamaya spy pala yun sa kabilang kompanya.

"Ma'am, eto po yung dalawang natira." Sabi nito paglapag ng dalawang Biodata sa harap ko.

"Ito. Si Nelia Caraig, siya muna ang papasukin mo. Bukas na itong si Carol Magda."

Iniabot ko na sa kanya ang isang Biodata at ako na ang humawak sa Biodata ni Nelia. Pagkatapos ng limang minuto, pumasok na ito sa office ko at umupo sa harap ko. Halatang professional talaga. Mula sa kilos, pananamit, pananalita...

MISS ÆYU's SMUT COMPILATION [2020-2021] (GXG) (RATED 18+)Where stories live. Discover now