Chapter 3

233 7 1
                                    

Chapter 3

Nagising ako kinagabihan na. Akala ko tuloy ay bukas na ako magigising, akala ko lang pala. Tumulala muna ako ng ilang minuto, ewan ko kung bakit. Ganoon naman ako palagi, parang hinihintay ko pa mag sink in utak ko.

Matapos tumulala ay naligo na ako dahil ang baho ko pala, shet! Bad breath na ako baks. Bumaba na ako para kumain, alam kong ganitong oras ay tulog na sila Mommy.

"Congratulations, Sophie!"

Pagkabukas ko ng ilaw sa dining room ay nagulat ako kila Mommy… Surprise nga eh, nagulat talaga ako. Akala ko kasi tulog na sila, pagod kasi sila sa trabaho. Kinabukasan ko pa sana sasabihin sa kanila na nanalo ako sa contest.

"Thank you po, My.." utas ko. Bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko, tears of joy. Sobrang saya ko ngayon ng buhay ko, sana palagi na lang ganito.

'Yung magaan lang, hindi sobrang bigat.

"Stop crying na, darling. Proud na proud kami sa 'yo ng Daddy mo! And you know what?"

"Ano po?" tanong ko kay Mommy.

"Ipina-billboard ng Daddy mo pagkapanalo mo!" Natatawa na sabi ni Mommy. Grabe naman, bakit kailangan naka billboard pa? Si Daddy talaga eh.

"Daddy naman.. gumastos pa po ikaw, okay lang naman sa akin kahit bati lang. Nakakahiya sa mga kaklase ko kapag pumasok ako bukas, Dad." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Bakit kasi ipina-billboard pa? Nako po, pulutan na ako nito sa school. Hindi sa mayabang ako, ayoko lang na mag-iba ang trato sa akin ng ibang tao dahil sa ganito ang estado ng pamilya ko.

Hindi naman sa ano.. basta 'yon, ayaw ko ng exposure ng madla. Gusto ko sakto lang balance ng buhay ko. Ewan ko lang ngayong 2023 ano na naman kayang delubyo na darating sa buhay ko?

Baka ako na naman malista sa strongest soldier niya..

Ayoko na po, Lord. I surrender na for being your stronger soldier. Pagkatapos ng surprise nila Mommy ay kumain na kami, at agad na rin kami umakyat sa kwarto namin. Nag goodnight kaming tatlo sa isa't isa, at nag thank you ulit ako.

Kailan kaya ulit mag aanak si Mommy?

Ang hirap kasi kapag only child lang eh, walang kasama sa bahay kapag wala sila Mommy dahil nasa work. Ayoko naman mag request sa kanila, saka alam kong mahirap mag anak. Pero gusto ko pa rin talaga magkaroon ng kapatid, nalulungkot kasi ako. Naiinggit ako sa mga taong may kasama sa bahay, though nandito naman sila Mommy… Pero iba pa rin talaga kapag may kapatid.

Palaging naiinggit sa akin ang iba kong kakilala na swerte ako kasi only child lang daw ako pero hindi nila alam ang hirap na maging only child lang. Ang sabi pa ng iba, "Bakit ka naman malungkot? Mayaman naman kayo," Tama naman siya, mayaman kami. Pero hindi ako masaya.

Money can buy happiness, ika nga nila eh. Totoo naman. I tried so many things, nagpabili ako ng kung anu-anong laruan para may malaro ako kapag wala sila Mommy pero after an hour doon ko na nararamdaman na mag-isa ako.

"Mimi? Dada? Where are you? I can't fix my toy… Mommy.. Daddy.. I can't be alone.."

"Hello, Sophie! Yaya is here na, we can play naman. Hindi ka mag-isa, nandito si Yaya."

"Pero after a few minutes iiwanan mo na ako because you have things to do, Yaya…"

"I'm sorry, Sophie. Kailangan ko asikasuhin 'yung trabaho ko eh,"

"It's okay, Yaya. I think I can be alone na,"

Simula noong bata ako, natuto na ako na mag-isa. Ayaw kong sabihin kila Mommy na ganoon ang nararamdaman ko dahil feeling ko ay nakakaistorbo ako. Since then, I no longer hope that anyone will join me in solitude.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now