15

29 3 0
                                    

Third Person's POV



12 midnoon, nagtungo sina August at Cairo sa rooftop bitbit ang kanilang lunch box like they used to before.

“Cai, naalala mo pa ba yung sulat—”

“Yan ba ang pag-uusapan natin? Ang misteryong tao na nagbigay sayo nun?” kalmado ngunit seryoso ang boses ni Cairo.

Tumango naman si August.

“NA NAMAN AUGUST!”

That topic was the one Cairo hated the most.

Cairo began to regret  coming to talk with August. He was disappointed na binabalik ni August ang topic na awkward sa kanya, at ang sanhi kung bakit sila hindi magkasundo nitong mga nakaraang araw.

“Yes, because its important,” ani August.

“If finding that girl is important for you, anong kailangan mo sa akin?”

Kumunot ang noo ni August, “Cai, hindi ba ikaw ang nagsulat nito?”

Katulad ni August, naguguluhan na rin si Cairo. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?”

August reached for the letter that's in his pocket and gave it to Cairo.

Puno ng pagtataka si Cairo kaya agad niyang hinablot ang sulat.

Nabilog ang mga mata ni Cairo habang tinitignan kung ano ang nilalaman ng papel.

“This is not my hand writing, but these words are so familiar.”

“That's right!” A female voice suddenly said behind them. Nabigla ang dalawa at napalingon dito.

It was Madison.

Naglakad siya palapit kina August at Cairo, at huminto sa kanilang harapan.

“Ako ang nagsulat niyan,” she confessed.

“Pero tinanong kita dati! Ang sabi mo hindi ito galing sayo,” sambit ni August.

“Totoong hindi nanggaling sa akin yan, dahil kinopya ko lang at binigay sayo ang dapat mong mabasa pagkatapos itapon ng isa dyan sa basurahan,” paliwanag ni Madison at napatingin kay Cairo.

----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

Ten days before Valentines day, the Class 10 A were stuck in their english class.

Their teacher was discussing the classic love story of Cupid and Psyche.

Wala nang ganang makinig si Cairo sa guro nila dahil matagal na niyang alam ang kwento. Sa halip ay kumuha nalang siya ng papel at ballpen sa bag niya.

Sandali siyang napalingon sa katabi niya.

Nakapatong ang ulo ni August sa armrest ng silya niya dahil sa antok. Habang pinagmamasdan niya ang kanyang kaibigan, he's tempted to pat his head. But he stopped himself.

Cairo shifted his eyes back on his paper and grabbed his pen.

Nadala ang kanyang damdamin dahil sa lovestory na kinukwento ng kanilang guro, that's why he suddenly had the urged of expressing his feelings.

In four years, we're always on the same class.

In four years, we always see each other.

However, you don't notice my feelings for you even I'm always by your side.

Is there a chance for you to also love me the way I love you?



Si August lamang ang laman ng isipan ni Cairo habang sinusulat niya ito. 

Muli niya itong binasa, and felt cringed on his own writing.

Thousand 'what ifs'  crossed his mind, but the one that stands the most in his head is...

“What if masisira ang pagkakaibigan namin ni August kapag sinabi ko ang katotohanan.”

Hindi niya gustong makaramdam ng awkwardness si August dahil sa nararamdaman niya, at takot siyang iwasan ng taong gusto niya.

Kaya upang mapanatili ang kung ano sila ngayon ay pinili ni Cairo na i-sikreto ang lahat ng ito.

Naubos na ang isang oras ng klase, at nagising na rin si August dahil kumakalam na ang kanyang sikmura.

“Cai, tara na sa cafeteria!” Pag-aya sa kanya ni August at naunang tumayo mula sa kanyang upuan.

Tumango si Cairo at tumayo na rin.

He walked near the trash and crumpled the paper that contains his secret.

“Cai!” Nabigla si Cairo nang tawagin siya ulit ni August, kaya taranta niyang binitawan ang hawak niya.

Ang akala niya ay nahulog na ito sa loob ng basurahan kaya hindi na siya nag-abalang tingnan ito. Tumakbo siya palabas ng classroom para sundan si August.

Unfortunately for Cairo, Madison noticed something strange while watching Cairo in front of that trash can.

Out of curiosity, lumapit siya dito at napansin ang nakakumong papel sa gilid ng basurahan.

Anonymous Admirer (BL)Where stories live. Discover now