Chapter 5

95 8 2
                                    

ERIS

Maaga akong umalis sa bahay at nagpahatid kay Kuya Robert sa Riverdale. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na niya ako sunduiin mamaya dahil may trabaho pa ako. Maglalakad nalang ako papunta roon.

At ito ako, naglalakad papunta sa classroom ko at hindi pinapansin ang mga estudyanteng mga nakatingin sakin at nagbubulungan.

Sa tingin ko ay hindi sila nagsasawa sa pagbubulungan. Sana naman pasukan ng bubuyog o langaw ang bunganga nila. Nakakairita.

Paakyat na sana ako nang may humarang sakin na apat na babae. Napatigil ako at tiningnan silang apat. I looked at them from head to toe before looking straight into their eyes. I saw how they gulped when I looked at them.

"You bitch.." Dinuro ako ni Rhea.

Napangisi ako. Akalain mo nga naman, parang isang anghel kapag kaharap ang kapatid ko pero kapag ako ang kaharap, nagiging alagad ni Santanas.

Hindi naman pwedeng siya ang pumalit kay Santanas dahil sa aming dalawa, ako ang mas bagay na pumalit sa pwesto ni Santanas. Mas qualified.

"Oh?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at ngumisi. "Sarili mo ba ang tinutukoy mo?"

Mas mukha pa siyang bitch kesa sakin pero bitch naman talaga siya. At saka, ano na naman ba ang problema ng babaeng 'to? Ang aga-aga, pinapakulo ang dugo ko.

"Umalis ka rito sa Riverdale, Eris. Isama mo na 'yang Section mo! Hindi nababagay ang mga basura at walang kwentang kagaya niyo rito!" Lumapit pa siya sakin at tinulak-tulak ang balikat ko.

Tangina 'to. Ang lakas nang loob amputa.

Nakisali ang mga kaibigan niya at tuluyan nila akong tinulak dahilan nang pagbagsak ko sa lapag. May mga narinig ako tumili. Nakaramdam ako ng konting kirot sa pang-upo ko dahil sa pagkakabagsak ko.

Napayuko ako at mariin na pinikit ang mga mata ko. Narinig ko ang nakakainis na boses ni Rhea.

"Mas nababagay ka sa ganiyan, Eris." Narinig ko ang tawa niya na sinabayan ng mga kaibigan niya.

Natigil ang tawa nila nang marinig nila akong tumawa rin. Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang uniform ko habang natatawa pa rin.

Stupid.

Binasa ko ang ibabang labi ko bago mag-angat ng tingin sa kanila. Tumingin ako sa paligid at nakita kong marami ng estudyante ang nakatingin samin at pinapanood kami.

"Rhea.." Lumapit ako sa kaniya. "Sino ka ba sa tingin mo?" Tiningnan ko ang mga kaibigan niya. "Anong karapatan mo na ganunin ako kasama ang mga kaibigan mo?"

Natawa ako. "Rhea, wala kang karapatan at mas lalong hindi kita binigyan ng pahintulot na itulak ako." Tinulak-tulak ko siya sa balikat kagaya nang ginawa niya sakin bago siya tuluyang itulak. "Ayokong magkaroon ng germs na meron ka."

Narinig ko ang pagdaing niya dahil napalakas yata ang pagkakatulak ko sa kaniya pero wala naman akong pakialam. Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya bago niya pa mahawakan ang buhok ko ay agad kong nahuli ang kamay niya.

Humarap ako sa taong 'yon at nakita ang kaibigan niyang galit na nakatingin sakin.

"You fucking bitch! Basura ka lang! Hindi ka tinuturing na kapatid ni Eros kaya ano pang ginagawa mo rito?!" Aktong sasampalin niya ako gamit ang kaliwang kamay niya nang maunahan ko siya.

Waves of Lies (Seule Fille Series #2)Where stories live. Discover now