Chapter 4

241 4 0
                                    

Chapter 4

Panibagong araw na naman ulit. Pero mabuti at biyernes na, wala naman nangungulit sa akin ngayong araw katulad ni Alex. Speaking of Alex, hindi ko alam na narito pala siya. Ang alam ko lang ay umalis na siya after that canon event. Naka move on na rin naman na ako sa kaniya 'no, naging tanga ako dati pero ngayon hindi na.

"Sophie, good morning! Lumabas na results ah? 2nd place ka sa poster making at champion naman sa essay writing! Ang galing mo talaga, naiinggit na ako sa skills mo." utas ni Emily. Binigyan ko naman ng ngiti ang babae.

"Hindi ah, sakto lang. Saka si Aiden nagturo sa akin mag guhit, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi naglaan siya ng oras para turuan ako. Labas tayo mamaya, treat ko." sambit ko. Tumango naman ang babae, wala pa si Aiden at Lily eh. Palagi kaming nauuna ni Emily dito sa room.

Later on, nag announce president namin na vacant daw ang oras ng first subject namin. Inaya naman ako nila Lily na mag libot libot sa ground, may nakikita rin akong mga naglalaro ground. Um-oo na lamang ako dahil wala naman akong gagawin sa room, tinanong naman namin si Aiden kung sasama ba siya. Ang sabi naman niya ay hindi raw may pinagkaka abalahan ang lalaki na hindi ko mawari kung ano, kaya kami na lang ang lumabas.

Pagbaba namin ay maraming naglalaro na basketbolero, try out ata nila. Mga matipuno at makisig ang mga lalaki, matatangkad din. Pang varsity player talaga nga mga ito.

"Sophie!" sigaw ni Lily. Paglingon ko ay natamaan na ako ng bola at nawalan na ako ng malay.

I slowly opened my eyes but it was still blurry. Ang sakit ng pagtama ng bola sa akin. Nang luminaw ang paningin ko ay nakita ko na si Ethan, Aiden, Lily, Emily, Alex, at narito ang isang hindi kilalang lalaki. Nasa clinic ako ngayon at pinalibutan nila ako.

They all looked worried as hell. Sinubukan kong magsalita pero garalgal at paos ang boses ko. Medyo natamaan yata ang ulo ko nang tumama ako sa hardwood na sahig ng court kanina. Narinig ko silang nag-uusap tungkol sa akin pero hindi ko lubos maintindihan kung ano ang sinasabi nila.

Nakita kong hawak ni Alex ang kamay ko habang nakaupo siya sa kanang bahagi ng kama kung saan ako nakahiga. Gago ba ang lalaking ito? Bakit niya hahawakan ang kamay ko? wala na kami at isa pa, I already cut ties with him.

"Sophie.. are you okay?" tanong ni Ethan na napukaw ng atensyon ng lahat. Tinanggal ko naman ang pag hawak ni Alex sa kamay ko. Hindi ako comfortable sa kaniya, ayaw ko siya makita pa ulit. At isa pa, bakit ayaw niya ba tumigil? In game na naman siya sa larong kunwari mahal ako.

"Ayos lang ako.." sagot ko kay Ethan.

"Uh.. Miss, sorry kung natamaan kita ng bola. Hindi ko sinasadya," utas ng lalaki na hindi ko kilala.

"Eh, gago ka kasi maglaro pare." si Alex. Hindi ko malaman kung nagkukunwari ba 'to siya o may iba na namang pinagseselos kaya ganito siya.

"Alex, stop. Hindi sinasadya ni Kevin 'yon,"

"Can you give us privacy for a moment?"  sagot ko. Hindi naman sila nagdalawang isip na iwanan kami ni Alex sa loob ng clinic.

"Alex… pwede ba tigilan mo na ako?" panimula ko sa lalaki.

"Mahal pa rin kita, Sophie.. And I already learned my lessons. I know.. I hurt you so bad. But this time, gusto ko na maitrato ka muli ng tama."

"Hindi mo na ako makukuha sa mga salita mo, Alex. Nasaktan mo na ako. At isa pa, hindi na kita mahal. Naka move on na ako." sabi ko. Nakikita kong sincere naman siya sa sinabi niya, pero.. wala na talaga. Ayoko na ulit, traumatize na ako sa lahat ng ginawa niya sa akin.

"Alex.. gabi-gabi kong kinwestyon sarili ko. Tangina naman eh. Tinrato naman kita ng tama, minahal kita sa paraan na gusto mo. Alex, you've ruined me. Oo.. Naka move on na ako, pero 'yung sakit.. andito pa rin lex. Natanggap ko na eh. Pinatawad na rin kita, pero nanatili pa rin 'yung sakit sa puso ko na kahit anong gawin ko ay hindi maalis alis. Nag bulag-bulagan ako sa mga ginawa mo dati kasi ano? Kasi mahal kita noon." humahagulgol na sa sabi ko sa kaniya. Nasabi ko rin ang mga hindi ko nasabi sa kaniya noon. Para bang nawalan ako ng malaking tinik sa lalamunan.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now