17

62 27 2
                                    



"Game ba kayo?" Xian asked evily, "wala pa namang twelve o'clock," she added.

Lahat sila nag game, kaya ganon din ako.

"Hanggang twelve lang ba tayo?" The other guy asked.

"11:00 pre, masiyadong delikado kapag nag patak ng madaling araw," Jayson answered his question.

Hindi na ako masiyadong nag tanong dahil gusto ko din mag ingat sa kanila, hindi ko nga alam bakit ako sumali sa kanila e! Balak ko pa namang puntahan si Lhea.

"I'll explain the game, tignan niyo ‘tong bote..." Kinuha niya ang bote ng alak. "Kunwari tumama ang nguso ng bote kay Xian ibig sabihin siya ang mag uutos ng do, kapag naman tumapat kay Cassandra ang dulo ng bote ibig sabihin si Cassandra ang pipili kung do or not," paliwanag niya.

Umayos kami ng pag kakabilog pero malayo kami sa isa't isa, ang katabi ko ‘yung isang lalake tapos sa kanan ko naman si Art katabi naman ni Art si Jericho tapos ang katabi ni Jericho si Xian, si Xian naman ang katabi ay si Jayson tapos katabi ni Jayson yung weird na lalake.

"Additional, ang do or not parang truth or dare lang kapag do may iuutos sainyo na kailangan niyong gawin... Pero kapag hindi niyo ginawa, automatic na not ang sagot niyo kayo ay papatayin ng taong nag tanong sainyo," napalunok ako sa paliwanag ni Xian.

"Let's start?" The other guy whispered. "Sinong mag ii-spin?" He added.

"Ako na," ani Jericho tsaka binigay noong lalake yung bote.

Nag simulang paikutin ni Jericho ang bote, normal naman ang mga itsura nila na parang nag kakasiyahan pa habang umiinom ng alcohol at kumakain ng snack.

Bakit parang... Bakit parang ako lang ‘yung kinakabahan dito?

Napapikit ako ng tumigil ang bote sa pag ikot, minulat ko lang ang mata ko nang mag tawanan sila.

Halos mag diwang ako sa kaloob looban ko nang makita ko na tumapat yung nguso ng bote sa weird na lalakeng ‘yon tapos yung dulo naman ng bote tumapat kay Art.

"Do or not, I’ll just give you a question. Bakit umalis ka sa club?" Art asked causing me to frowned.

Kasali siya sa club?

Seryoso?

Anong instruments niya?

"Because of that mask guy, he manipulated me.... Pinag bantaan niya ako tsaka.... Pinatay niya ‘yung partner ko, paano pa ako makakagamit ng instruments kung nawala si Jacob?" He laughed sarcastic.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero kahit isa wala akong nailabas na tanong. Natahimik si Art sa sinagot ng weird na lalakeng ‘yon.

"Pwede ka namang mag piano nang mag isa." Kaagad naagaw ni Jericho ang atensyon ko sa sinabi niya, ano daw? Piano?

S-Siya?

Nag piapiano siya?!

"Kaya mo bang mag perform ng wala si Art?" Tanong niya pabalik ng may ngisi sa labi, natahimik si Jericho.

Nag simula ng paikutin ni ‘weird guy’ ‘yung bote.

Tumapat ‘yung nguso ng bote sa lalakeng katabi ko, tapos kay Jayson.

"Do or not.... Tumalon ka sa dagat—"

"What?! Alam mo namang mapanganib kung tatalon ako sa dagat!" Putol ng lalakeng katabi ko bago tumayo.

scenes of old times Where stories live. Discover now