28

30 1 0
                                    

Nakatitig ako sa pizza sa harap ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nalaman ko. Kung malulungkot ba ako o matutuwa.

‘yung humahagulgul kasi kanina... Si Jiyeon, isa lang ang ibig sabihin non, hindi siya pipi.

Teka... Hindi naman talaga siya pipi diba? Nakita ko siya dati sa garden, kausap niya si Joo hyun. Pero hindi ko na matandaan ang boses niya.

Nang maalala ko ‘yon napuno ng napaka daming tanong sa isipan ko kung anong relasyon ang meron si Joo hyun at Jiyeon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, bakit parang nakakaramdam ako ng selos? Nakakainis... Ang oa masiyado ng feelings ko!

Eh kasi naman, baka close sila. Ibig sabihin mas naunang nakilala ni Joo hyun si Jiyeon? Tsaka ang laki din kaya ng pag kakaiba namin ni Jiyeon.

"Ang lalim masiyado ng iniisip mo, kainin mo na ‘yan at baka matunaw pa ‘yan." Nang linungin ko si Kelvin sa gilid ko napataray nalang ako.

"Kung alam mo lang..." Bulong ko.

"Na ano?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya tsaka kinuha ang pizza.

Hindi pa nga pala niya alam ang relasyon namin ni Joo hyun, ayokong mag open up sa kanya baka masira lang ang friendship namin.

Tsaka anong io-open up ko? ‘yung selos na nadadama ni Joo hyun tsaka ‘yung selos na nadadama ko kay Joo hyun at Jiyeon?

Pero hindi ko siya binabawian ah? Sadyang may saltik lang siya para mag selos sa taong naka interact ko lamang ng isang beses. Eh ako, pwede naman siguro akong mag selos diba?

Isang beses ko palang naman nakikitang nag usap ‘yung dalawa, pero what if mag kaibigan talaga sila?

Hindi naman... Hindi naman siguro selos ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa hindi ba? Siguro, ano lang ‘to... Curiosity ganon.

Sge, gaslight pa sa sarili Cassandra.

"Nakikinig kaba?" Nabaling ang atensyon ko kay Kelvin nang mag salita siya.

"Ano nga uli ‘yon?" Tanong ko, hindi ko manlang napansin na nag sasalita siya.

"May problema ba? Parang wala ka sa sarili, mag kuwento ka. Makikinig naman ako," aniya tsaka uminom sa hawak niyang shake.

"May naisip lang akong kuwento, ‘yun lang. Ikuwento mo na ‘yung sasabihin mo," I lied.

"May sumali sa volleyball team namin, he is also a chess player. Sa hotel three ang kuwarto niya."

Nag simula na akong kumain ng pizza habang sinesenyasan siya na ipag patuloy ang pag kukuwento sakin.

"Parang may galit nga siya sakin e, narinig ko Ivan daw ang pangalan." Kuwento niya uli.

"Bakit naman? Diba dapat masaya ka kasi nadagdagan ang team niyo? Kung sakaling may mamatay man na isa sa team niyo hindi kayo mauubusan," walang preno kong sabi kaya natawa siya.

"Kahit naman mamatay silang lahat, kaya kong ipanalo ‘yung team," I let out my fake laughed.

"Nasobrahan kana sa pagiging mayabang mo Kelvin," I joked.

"Natanggal ako sa team for almost one month..." Nabalot kami ng katahimikan ng ilang minuto bago siya uli mag salita. "Pero okay lang, pwede ko naman silang panoodin," nalungkot tuloy ako nang makita ang peke niyang ngiti.

"Bakit? May kinalaman ba ‘yung bago mong ka team?" Tanong ko.

"Maybe, na injured lang ‘yung tuhod ko—"

scenes of old times Where stories live. Discover now