Chapter 3

3 0 0
                                    

Tumigil ang van sa isang lumang factory agad akong lumabas daladala ang baril.

Dumaan ako sa likod ng factory at dahan dahan akong nakakarinig ng mga lalaki na nag uusap usap. patuloy lang ako sa paglalakad hanggan sa makita ko si Audrey na nakatali sa isang bangko may dugo sa gilid ng kanyang labi.

I will break every bones in his body who did that to her!

"BOBO! matagal na kaming hindi nagkikita ni tita kaya wala kang mapapala saakin!" sigaw ni Audrey sa isang lalaki na puno ng tattoo ang kanyang buong katawan.

"SHUT UP!" Sigaw ng lalaki at sinampal si audrey ng napakalakas ng bahagyang may tumawag sakanya.

"Yes sir, nakuha namin siya."Ani ng lalaki sa kabilang linya." okay." At malakas na namn na sampal ang binigay niya sa aking pamangkin. Fuck! Hindi ko na kayang makita ito.

Bahagya akong na alarma ng may narinig ako ng nagkasa ng baril sa bandang likod ko. Dahan dahan kung tiningan kung sino ito at hindi ako nagkamali na naka tutok saakin ang kanyang baril. Hindi na ako nag dalawang isip na agawin yun at naki pagsuntokan sakanya hanggan sa naka higa na siya pero pina putok na niya ang baril para ma alarma ang kanyang maga kasama. Talino ah!

Mabilis kung pinulot ang baril ko at binabaril ko ang mga nakikita. Hanggang sa naubos na ang bala ng baril ko kaya suntukan ang nangyari.

Napatumba ko na ang anim at meron pang natitira na pito pero hindi ko na kaya pagod na ang katawan ko dumidilim na rin ang paningin ko. Napa hinto ako ng biglang may sumakal saakin galing sa likod at tinutukan ako ng baril.

"Lakas ng loob mo ah" Ani niya. Shit! Hindi ko na kaya lumaban pa.

Lumapit saamin ang isang lalaki at agad ako sinikmurahan. Tangina ang sakit!

"Tataposin ko na ang buhay mo. Ms. Sinclair" ani niya nang biglang may nagsalit din galing sa likod.

"Dal-dal" Ani ng isang pamilyar na boses.

"Ooh, the knight and shining armor Mr. Ethan maverick" Ani ng nakasakal saakin

"Let her go!" Seryosong sambit ni ethan

Agad sumugod ang mga lalaking puno ng tattoo kay ethan. Shit! Bakit Dumami sila, may mga hawak pa sila na tubo at baseball bat. Gaga tris kailangan munang kumilos.
Kinagat ko ang kanyang braso na nakapalibot sa aking leeg.

" AAAHHH! PUTANGINA!" Sigaw ng lalaki.
Agad kung kimuha ang pagkakataon na yun para maka takas at hindi namam ako nabigo. Inipon ko ang natitirang lakas ko at sinipa siya sa mukha.

Black out!

Agad akong tumakbo kay audrey nang makita kung may naka tutok na baril sakanya.

"TITAA!!" Sigaw ni audrey.

"Hey, don't cry. Ayos lang." Pag tahan ko sakanya at pinakawalan ko na siya. Natapos na din ni ethan ang kanyang mga naka sagupaan.

"Tris, ayos ka lang? Namumutla ka." salubong saamin ni ethan tangin tango lang ang naibigay kung sagot ng maramdaman ko na may tumutulo sa aking tagiliran.
Ang sakit ng katawan ko, nahihilo pa ako.

"Kuya ethan may sugat si tita." ani ni audrey ng maka lapit na saamin si ethan.

"I'm fine." ani ko at tuloy parin sa paglalakad pero mas lumala ang aking pagkahilo.

"Titaaa!" tanging narinig ko bago ako mawalan ng malay.

Shit!

Nagising ako ng nasa hospital ang sakit parin ng buong katawan ko idagdag pa ang sakit sa mga kamao ko.

"Tris, mahiga ka nalang muna." ani ni eugene ng maramdaman niya ang pag upo ko.

"Si Audrey?" tanong ko at binaliwala ang kanyang sinabi.

"Nasa kabilang room. Malala din kasi ang nakuha niyang mga pasa kaya pina admit ko na." sagot ni eugene at tinulongan akong umupo sa hospital.

"Ah!" napasigaw ako ng maramdaman ang kirot sa aking tagiliran.

Biglang nagbukas ang pinto at lumabas don si ethan na may dalng mga pagkain.

"papunta na raw dito mga kaibigan niyo." ani ni ethan bago niya binaba ang kanyang mga dala at pinuntahan kami ni eugene para ipahiga ako ulit. Gago ba toh? Sakit na ng likod ko kakahiga.

"Bea, hindi ka pa magaling." ani ni ethan nang mapahiga niya ako at tinabunan ng kumot.

"Gusto mo ikaw ipahiga ko dito?" inis kung sambit sakanya.

Unti unti siyang lumapit saakin para mabulongan.

"Tabi tayo?" at mapang asar siyang tumawa.

"baduy mo, alis." ani ko at bahagya ko siya tinulak.

Ngumisi pa siya ng nakaka asar bago puntahan ulit ang kanyang mga dala.

"Tris, ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni alex.

"Parang hindi ka sanay ah." sagot naman sakanya ni ele na ikinatawa namin.

Bahagyang tumikhim si ethan. Nilingon namin siya.

"Ele, are saying that Bea is used to do this things?" kunot noo'ng tanong ni ethan.

"Y-yeah? Hindi mo alam?" sagot ni ele.

Ilang oras na din dito mga kaibigan ko bago nila napag isipang umuwi na.

"Ethan!" tawag ko sakanya ng para mag pa tulong papunta sa banyo.

"Ethan naman eeeh, hirap mong gisingin." habang tinatapik ko ang kanyang braso. Pero hindi padin ito kumikibo. Na iinis na ako.

"ETHAN!" Sigaw ko sa sobrang inis na.

Na gulat nalang ako ng bahagya siyang humalakhak.

"Bilis mo mapikon."Aniya at akmang pipisilin niya ang aking ilong ng kurotin ko ang kanyang braso.

" Aray!"

" Bilisan mo na wewewe na ako rito." inis kung sambit.

Agad naman niya akong tinulongan tumayo habang daladala niya ang dextrose.

"Tris, saan ka nagmana sa tatay o sa mama mo?" Aniya habang tinutulongan akong mahiga ulit. Nang maka higa ako ay tiningnan ko siya.

"Mother?" sagot ko at nag iwas tingin ng nilabanan niya ang pagtitig ko.

Na curious tuloy ako kung ano ang mukha ng tunay kung nanay, well, my father said that my stepmother really looks like my mother pero hindi sapat yun. Gusto kung makita ang kahit picture lang niya pero wala. Tinapon na daw ni dad, para daw maka move on. Sabi din dad na pati daw ugali ng nanay ko nakuha ko.

Lumipas na ang ilang oras naka tulog na din si ethan habang ako naka tingin lang sa kisame. Gising pa kaya mga butiki?  Gago bakit ko naisip yun? Ngayon ko lang nakita si ethan ng matagalan. No wonder kung lahat ng babae ay mahuhulog sakanya.
His black hair, thick eyebrow, thin pinkish lips, pointed nose, his jaw, plus his masculine body shape is giving in!

I've seen a lot of handsome people in U.S but, his, is different.

The veil of Betrayal : Love's Treacherous Path Où les histoires vivent. Découvrez maintenant