Sentiment II

15 0 0
                                    

APRIL 18, 2022

Arat shot 💉

I didn't know it would hurt this much to like you :)

* * *

Biglang kumirot ang puso ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Nakatanggap na naman ako ng notification galing sa kaniya, pero hindi tulad ng dati ang naramdaman ko matapos kong basahin ang laman ng message niya.

“Ah, btw Ryle, crush ako ni Akira,” bumungad sa'kin nang pindutin ko ang profile picture niya sa itaas ng homescreen ko.

Si Akira. Naku naman, ano 'tong pinasok ko?

April 2, 2022—everything started here. Everything would've probably turned out differently if it weren't for what happened that day. It was my choice though, pinili kong umamin. Ayoko rin naman kasing magsinungaling.

Noong araw na 'yon, nabigla na naman ako sa hindi inaasahang notification galing sa kaniya. Tinatanong niya 'ko kung totoo ba ang narinig niyang balita...na crush ko raw siya. Isang tao lang ang naisip kong magsasabi sa kaniya ng gano'n. Sino pa nga ba? Edi ang kaibigan kong si Carissa! Ni-lag-lag pa talaga 'ko.

Bago ang araw na 'yon, tinulungan ako ni Carissa na mag-sorry sa kaniya, pero wala pa rin e, nando'n pa rin ang kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya. Hanggang sa napagtanto kong...baka tama si Carissa, baka may gusto nga ako sa kaniya.

Ayokong itanong kung may pag-asa pa ba ako dahil sa simula pa lang hindi naman ako umaasang magugustuhan niya rin ako, pero hindi ko maiwasang...ewan ko. Hindi kami masyadong close ni Akira pero nakikita ko namang mabuti siyang tao. Kumpara sa'kin, mas sociable siya at madaling kaibiganin, hindi malayong maging close sila ni Flint in just a short period of time.

Teka, bakit niya sinabi sa'kin na crush rin siya ni Akira? Required ba 'yon? Bakit kailangang saktan niya 'ko nang ganito?

“Okay, sige, crush ka nga niya. Kailangan pa bang ipamukha sa'kin?”

Nagpakita ulit siya sa buhay ko at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ngunit hindi ko akalaing kaakibat pala n'on ang pagkirot nito sa oras na masaktan ako dahil sa paghanga ko sa kaniya. 

#Korni

Kakornihan ng isang Junior High StudentWhere stories live. Discover now