Sentiment III

16 0 0
                                    

APRIL __ 2022

Me right now:

Hoy! Tsk, g*go ka. Ano bang ginawa ko sa'yo? Why do you have to make me feel this way?! Sagot! Argh! Nanggigigil ako sa'yo!

* * *

“Hoy! Ba't mo 'ko tinulak?! Naknang...wala na tuloy laman inventory ko!” Nandoon na naman siya sa kumpol ng mga classmates namin at nakikipaglaro sa kanila. 'Di ako sigurado kung anong nilalaro nila sa cellphone pero Minecraft ata 'yon.

Araw ng Biyernes at nandito kami sa school, half day nga lang kasi blended learning kami. Kung titingnan ang paligid, makikitang malaki ang agwat ng bawat upuan at kaunti lang kaming mga estudyante rito. Naka-mask din ang lahat at panay spray ng alcohol. 'Yung pandemic kasi e.

Nananahimik lang ako dito sa upuan ko, wala pa naman kasi akong ka-close dito, hindi tulad niya. Siguro naman hindi niya kakilala 'yung ilan sa mga classmates namin nung una pero madali siyang nakipagkaibigan sa kanila. Medyo madaldal rin siya sa klase, pati nga teacher binibiro-biro niya.

Magkatabi ang upuan namin, pero may space pa rin naman kasi nga kailangan ng social distancing. Nasa front row rin ako kasi medyo malabo ang mata ko, pero nakikita ko pa rin naman siya at palihim kong pinagmamasdan ang mga kilos niya. Gusto ko rin kasing mas makilala siya.

Creepy.

Pero sa kabila n'on ay nandito pa rin ang inis ko dahil do'n sa chat niya sa'king hindi ko naman alam kung dapat niyang ipadala sa'kin. Hay! Nakakainis ka na Flint!

“Ah, btw Ryle, crush ako ni Akira,” yes, I'm still sulking about this matter. Ewan ko talaga, naghahalo-halo na ang mga emosyon ko. Inis, lungkot, guilt, tuwa, at kilig. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Pasado alas-tres na ng hapon at nakauwi na ako mula sa school. Nakahiga ako no'n pero napaupo na rin ako at naisipang mag-online. Bago ko pa buksan ang Messenger ko, biglang lumitaw ang isang chat head. Laking gulat ko noong makilala ko ang profile picture nung nag-chat sa'kin.

Flint Jax!

Bigla na naman akong kinabahan. Pinindot ko ang chat head at tumambad sa'kin ang mga salitang tila tumunaw sa inis at nagpagaan sa nararamdaman ko.

“Sana maging close tayo.”

Ayokong mag-away kayo ni Akira dahil sa'kin.”

Tsaka, wag kang mag-alala, wala akong pipiliin sa inyong dalawa.”

“Sorry.”

Kaninang madaling araw pa pala 'yung mga chat niya sa'kin.

Sa totoo lang, 'yon naman talaga ang gusto ko e. Ang maging close kami, kahit 'yon lang. Wala rin akong pake kung hindi niya 'ko piliin, dahil sa pagkakaalala ko, ang hangad ko lang ay hangaan at mas makilala pa siya. He doesn't need to like me for me to like him and I don't like him just for him to like me.

“Apology accepted.”

Tanggal angas ko sa'yo, Flint.

#Korni

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kakornihan ng isang Junior High StudentWhere stories live. Discover now