Chapter 43

569 18 8
                                    

JHOANA

Sinundo namin si Bella sa bahay kasi napag planuhan namin ni Bea kagabi na lalabas kaming pamilya para naman icelebrate ang small achievement ni Nolan, which is yung golf niya

"Dada? Can you buy me cookies later? Please please pleaseeee" Nolan

Bea's driving and hindi siya nasagot, kanina pa 'to tahimik simula kanina sa Quantum

"Did you hear me, dada? Yoohoo?" Nolan

"Love, kinakausap ka ng bata..........Ba't tahimik ka? May problema ba?" sabi ko sabay hawak sa arm niya pero mahina niyang winaglit ang kamay ko

"Galit ka ba?"

"That will be the last time na ipaglalapit mo ang anak ko sa Nico na yun" Bea

"Bakit na naman nadamay si Nico?"

"Can't you see them being very close to each other? Kulang nalang tawagin niyang tatay yung taong yun" Bea

"Hindi naman sa ganon, love. Hindi ka ba masaya na close si Nolan sa ibang tao? In that way na ppractice niya ang pakikipag socialize sa ibang tao"

"Whatever it is, ayokong pinaglalapit mo sila. Maybe I won't be surprised if one day ipagpalit na ako ng sarili kong anak" Bea

I sighed







BEATRIZ

Lunch time

Since iniwan namin si yaya at manang kaya walang nagbabantay sa mga bata lalo na kay Bella

"Love, kumain ka na muna. I'll take care of Bella"

Kay Jho nakaupo si Bella, at pinapakain niya ang bata. Pero si Jho once ko palang nakitang sumubo. Ayaw kasi umupo ni Bella sa high chair

"No no, kumain ka lang. I'm fine" Jho

Seems like she's not in the mood

Ako yung wala sa mood kanina tapos ngayon siya naman?

"Sige na, love. Gusto mo subuan nalang kita? Hehe"

Akmang susubuan ko siya nang itulak niya ang kamay ko

"Beatriz, hindi ako nagbibiro. Kumain ka na nga lang"

"Ikinakahiya mo ba ako?"

"Of course not" Jho

"Eh bakit ayaw mong subuan kita? We used to this naman pag nag ddate tayo ah"

"Momma, can you fill up my cup with juice, please?" Nolan

"Ammm ammm mammama" Bella

"Hindi mo ba nakikita? Ang gulo-gulo na nga natin oh" iritableng sabi ni Jho

Oo magulo kami dahil nagsasabay ang mga bata pero hindi naman niya kailangang mainis

"Love, kaya nga akin na muna si Bella diba? Isa pa, hindi naman mahirap yung request ni Nolan" sabi ko at ako ang naglagay ng juice sa cup ni Nolan

"Thank you, dada" Nolan

Nakakawalang gana kumain.

She easily gets irritated at me.

Yes, I get jealous with Nico. Nasasaktan din ako pag nakikita ko silang close ni Nolan, what more pa kay Jho.







Two days later

Soulful Eyes (book 2, Missing Piece adaptation)Where stories live. Discover now