Chapter 46

418 14 12
                                    

JHOANA

*Jho and Bea's phone call*

"Is there something wrong kung tanungin kita about your work?! Bakit ba ang hirap sa'yo sagutin ang tanong ko? Ni hindi ko na alam ang nangyayari diyan" Bea

"Sumagot naman ako diba? Ok yung trabaho ko, Bea"

"Even my messages, puro lang like replies mo" Bea

"I don't have time, okay"

"And there you said it. Wala kang time para sa'kin" Bea

"Please, kung marami kang ginagawa sa trabaho mas marami sa'kin"

I ended the call

Site visit at Aman Resorts

Before pa ako makababa ng sasakyan ay may nag text sa'kin na unknown number

09*: Akala mo makakalimutan na kita? Remember, nakabantay ako.

And all of a sudden, my heart was racing due to fear

"Hindi hindi, this is nothing"

Tinatry kong pakalmahin sarili ko para hindi ako kabahan nang sobra. Baham and I already reported what happened last week, yung sa lalake sa convenience store. Gumagawa na rin ng imbestigasyon ang mga police

Pagkarating ko sa construction site ay linapitan ako ni foreman

"Architect, may nangyare po kase" foreman

"What is it?"

"Yung scaffolding bumigay dahil nag collapse yung bagong lagay na concrete. May dalawang sugatan din na trabahador" foreman

"Ano?! Pano nangyari yun?"

"Sinisiguro naman naming maayos na nakakabit ang lahat, Architect, pero hindi ko rin alam kung paano yun nangyari" foreman

"Panong hindi mo alam? Wait, may first aid na ba yung dalawa?"

"Opo" foreman

Halos kakasimula palang netong construction ng Aman Resorts pero andami nang errors. Like last week, nag-ulit kami sa pagbubungkal dahil nagkaroon ng error. Tapos ngayon may dalawang tao na ang nadamay

I might temporarily stop the construction, papaimbestigahan ko muna lahat

Pagkalipas ng ilang oras ay napagpasyahan kong bumalik muna sa office para ireport ang nangyari

And then again, someone texted

09*: Nagsisimula palang ako, Architect de Leon.

09*: Wag mo nang hintayin na idamay ko pa ang lahat, pati pamilya mo. Pero sa'yo ako magsisimula. I'm watching you.

"Sino ka ba?!" sabi ko sa phone ko

Iniwan ko muna yung site at mabilis na pinatakbo ang sasakyan

Naghahalo-halo na ang nasa isip ko. Hindi ko rin naman maalis sa isip ko si Bea dahil sa pag-aaway na naman namin kanina sa phone. Dumadagdag pa kasi siya sa problema ko

Nang biglang.......

BEEEEEP!

I stepped on my brakes hard.







NICO

It's Jho!

Muntik na kaming magkabanggaan ni Jho, wrong lane kasi siya pero hindi ko naman siya sinisisi. Buti nalang walang nasaktan at wala gaanong sasakyan na dumadaan

Soulful Eyes (book 2, Missing Piece adaptation)Where stories live. Discover now