CHAPTER 8

4 0 0
                                    


After that day di na siya bumisita ulit, we pretended like nothing happened nung umuwi na sila lola, hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ang lakas lakas ng tibok ng puso ko pag nakikita ko siya 

hindi ko din alam bakit parang hindi ako masaya ngayon na walang letcheng lalaki na nang pe peste sakin, tatlong araw na din ang nakalipas simula nung araw na yon at tatlong araw ko na din siyang hindi nakikita 

"akala ko ba sa susunod na buwan pa ang sampa ni baste? bat nasa manila yon ngayon"

narinig kong usapan nila lolo, lola at tiya martha

"hindi pa ata siya sasampa nong, nag aasikaso lang siguro ng mga requirements"

ani tiya martha, so he's in manila right now? so what kung sasampa na siya, ano naman ngayon arghh! 

ang boring wala akong magawa buong araw, halos isang buwan na din ako dito, buti nalang at may dalawang buwan pa ako para libutin ang cebu, sa mga nagdaang araw ay sumama ako kela lolo sa alegria para bisitahin ang tubuhan sabi pa nga ng dalawa sa akin daw nila ipapamana to dahil si kuya ay ayaw naman itong tanggapin at tiyak na may mga pamana naman daw itong matatanggap kela grandma at grandpa, parents ni daddy 

ewan ko bakit malayo ang loob ko sa kanila, they're so controlling at lahat ng galaw ko ay pinag mamasdan nila, madalas pa nga itong pag sabihan si daddy dahil sakin, well bahala sila I love my Lola Amy and Lolo Felipe they're so mabait 

"apo, ano ang balak mo gawin ngayon ilang linggo kanang nandyan sa kwarto mo, di mamalayan uuwi kana sa inyo mag enjoy ka naman" 

I smiled at lola amy, wala akong maisip na gawin, siguro kung nandito si seb may makakapag suggest pa, NOT THAT HINAHANAP KO SIYA HA 

talagang siya lang kasi ang kasa kasama ko pag gusto ko gumala wala naman akong ibang kilala dito kundi ang hinayupak na mokong na yon lang 

"uhm la, kelan ba uuwi si Sebastian?"

nagulat ito sa tanong ko, umupo si lola amy na sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok 

"Baka sa susunod na buwan pa apo, ikaw ha hindi ka nag kukuya sa kaniya bente sais na yon at ikaw desenwebe pa lang"

aniya at tumawa ng maliit, agad uminit ang mukha ko bat ba kasi hindi ako nag kukuya sa kaniya? wow ha! hahaha nakakahiya naman mag kuya sa lalaking muntikan ng yanigin ang buong pag ka-tao ko 

"ahh! lola kasi nung nag kita kami noon sa manila sabi niya parang ang tanda niya pakinggan kung mag kuya ako"

tumango tango naman ito na parang naiintindihan ang sitwasyon

"oh siya apo kung may gusto ka gawin sabihan mo lang kami ha, maiwan na muna kita"

i just smiled at lola at nagpatuloy na sa pag brows sa Ipad ko, wala talaga akong maisip na gawin aside sa matulog, yeah right I need to sleep kasi pag balik ng pasukan duty na sa hospital so i need to beauty rest 

hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising nung biglang mag ring ang group chat namin nila Chanelle, wow ha naisipan pa mag contact ng mga to 

"wow girl ganda ganda ng tulog mag chika ka nga!" pasigaw na parang kinikilig na sabi ni Cha sa kabilang linya 

"ikaw ha luma love life ka diyan sa Cebu and wait ha! nag kita na pala kayo ulit ni seb?" lucy.

agad akong naguluhan sa mga pinagsasabi nila, anong luma lovelife at anong.. paano nila nalaman na nag kita na kami ni seb?

"pinag sasabi niyo? anong lovelife eh tulog nga lang ako dito lagi"

"di mo kami maloloko ni Lucy, Amoura. so how are you going to explain this?"

agad kong tinignan ang litratong sinend ni Chanelle, napatakip ako ng bibig ng makita kung ano iyon

a picture of me watching the sea ito yung gabi na unang beses naming gumala ni Sebastian, he took a picture of me? 

may maliit ito na note sa gilid it's his story right now on Instagram 

"Already miss this little brat" iyan lang naman ang nakasulat sa story niya with my candid photo

wala akong nagawa kundi i kwento sa kanila, i also told them about him stealing my first kiss but not the secomd one, that was too intimate kilig na kilig pa ang dalawa habang ako kinakabahan dahil baka makita iyon ni kuya, hindi pa naman malabo i think they're mutual

bakit niya naman ginawa yon, we're not friends on socials at ayoko din mag first move mag follow at add no ang swerte niya naman 

matapos ang tawag ng dalawa kong kaibigan ay tinignan ko ulit ang litrato, I look so cute here with my simple gaze, ang ganda ng pagkaka kuha niya i smiled a bit ang close my phone

bababa na sana ako para kumain nung biglang nag flash sa screen ang tawag ni kuya Aedan, fuck eto na nga ang sinasabi ko 

"you're seeing Seb?"

diretso nitong tanong 

"ah. kuya I didn't know na he took a picture of me"

"Amoura he has a lot of girls i'm telling you"

"kuya naman, there's nothing between us, it's just a coincidence na family friend ni lola amy at lolo felipe ang mga pamilya niya"

"look baby, I'm just protecting you, Seb is my bestfriend and i know him, I just hope he won't treat you like how he treat his flavor of the day girls"

"kuyaaa. no need okay? we're just friends and beside baka pasampa na din ulit yon"

"nah he's here in Stallion"

oh, so nandyan nga siya.. for sure may flavor of the day yon ngayon lalo na at kakabalik niya lang there's a lot of girls in riding club tho 

"still there?"

"ah yah kuya, don't worry I'm fine see you soonest love you take care of mom and dad"

I hung up the call and decided to sleep, nawalan na ako ng ganang kumain for i don't know reason 


Dangerous CasanovaWhere stories live. Discover now