Chapter 1

41 4 3
                                    

Chapter 1: Friend or Lover?

Libro, aklat, books. 

Tatlong magkakaibang salita ngunit iisa lang ang kahulugan. Libro ang bumubuhay sa akin. Libro ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa akin sa mga araw na malungkot ako. Libro din ang nagiging dahilan ng pag-i-ipon ko ng pera.

Paano ba naman kase, ‘yung presyo ng nakikita ko na mga libro sa bookstore ay mahal. Lalo na ‘yung mga may complete set at ‘yong limited edition. 

May mga ibang libro na kaunti ang pahina, kaya mura lang din ‘yon. Mga nasa 150 pesos ang presyo nila. 

Akira Mae Mendez ang full name ko. 18 years old at Grade 12 student. HUMSS din ang kinuha ko dahil nagbabalak ako na kumuha ng Psychology o hindi naman kaya ay Bs Creative Writing. 

NBSB. No boyfriend since birth. 

7B’S. Books Before Boys Because Boys Bring Baby. 

‘Yan lang ang motto ko sa buhay. Kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng boyfriend. Kahit kailan din ay hindi rin ako nagbabalak na magkaroon nun, dahil na din siguro sa strikto si mama at papa. 

Sa libro lang talaga ako naadik nang husto. E-books man ‘yan o physical books, parehas lang din na mayroon ako. Gumawa pa ako ng account sa Wattpad 4 years ago para magbasa ng mga stories. Halo-halo din ang mga nasa reading lists ko. 

Maraming famous authors sa Wattpad. ‘Yon bang mga Philippine Authors na sikat na sikat. Marami na nga ang naganap na book signing, pero ni-isa doon ay hindi ako nakadalo. Nakakaiyak kase noong mga oras na ‘yon ay wala pa akong pera at wala pang physical books. 

But thanks to them. Dahil sa kanila ay na-inspire ako na sumulat ng sarili kong novel. Ang kauna-unahang novel na sinulat ko ay book series. May koneksyon ‘yon sa mga bampira, dahil na din sa paborito ko ang mga kwento tungkol sa mga vampires. 

Simula sa pagkabata ko ay mahilig na din talaga ako sa pagbabasa ng mga libro. Mula sa mga bedtime stories, fairytale stories at mga pocket books, lahat nun ay mayroon ako. Binilhan ako ni papa para may mabasa at malibang. Pinapaiwas kase nila sa akin ang paggamit ng gadget dati. 

Ang ending, natuon pa rin ako sa gadget lalo na at nagbabasa ako ng mga stories from Wattpad at sa mga iba pang reading apps na pwede pang i-install sa cellphone. 

Nahilig din ako sa pagsusulat ng mga diary. Mayroon akong isang blue notebook na ginawa kong diary. Nakalagay doon lahat ng mga nangyari sa akin sa bawat araw. Mahahaba nga e, halatang ang daming ganap sa isang araw. 

Noong 18th birthday ko, may nagregalo sa akin ng kindle. Tuwang tuwa ako nun dahil sa regalo niya. But do you know who’s the one who gave me that gift? 

That was none other than, but my boy bestfriend. Yes. Si Lucas Augustine. He is my friend from elementary school. Siya lang ang kaibigan ko na tumagal ng ilang taon kahit na ang ugali ko ay magulo. 

Tulad nga ng sinabi ko, matagal na kaming magkaibigan ni Lucas. Simula pa lang noong elementary pa kami ay magkakilala na kami. Naalala ko pa na kaklase ko siya noong Grade 4, at siya pa talaga ang pumukaw sa atensyon ko. Bata pa lang kami pero may itsura na talaga siya— pogi sa madaling salita. 

Seryosong uri ng lalaki si Lucas. Hindi mo talaga siya makikita na ngumingiti. Para bang pasan niya ang mundo dahil sa pagiging seryoso niya. Nakaka-intimate din ang presensya niya kapag hindi kayo nag-uusap. Maliban pa doon ay hindi siya masyadong nagsasalita. Ako pa ang madaldal dahil kinukwento ko ang mga nangyari mula sa mga binabasa kong libro. 

Minsan tuloy ay napapaisip ako kung naririndi na ba siya sa kaingayan ko. Pero mukha namang okay lang sakaniya. Alam ko sa isang tao kung nakikinig ba sila sa mga kwento ko o hindi. Magaling din ako sa observation skills. ‘Yon ang namana ko kay mama. 

Ethereal Realms: Tales of Enchanted Magic. Where stories live. Discover now