Chapter 3

6 1 0
                                    

Chapter 3: Disappear

Reading books is one of my best therapies for me. When I feel sad, I read a book. When I’m happy, I read a book. When I feel broke, I read a book. Everything I felt, books are my only thing that gives me therapy. 

Sa isang bagay lang talaga umiikot ang buhay ko; sa libro. 

But then, I found myself tearing up over the book. It’s because of the male lead. The male lead died because of the car accident, which is way too cruel for the girl who waited for his boyfriend to come for their first date. 

Oh, poor young lady. I feel sorry for you. 

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko nang matapos ko nang basahin ang isang chapter ng libro. 

Saglit akong natulala. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa male lead. Damn. It feels like I lost part of myself because of that tragedy. 

I let out a heavy sigh. I just remember that I still have a lot of schoolworks I need to do. 

Yet here I am, reading books and relaxing like the deadline of our performance tasks didn’t exist. 

Nilapag ko ang libro sa tabi ng unan ko. Tumayo ako para kunin ang tuwalya na nakasabit sa tabi ng cabinet. 

Naligo ako para maibsan ang panlalagkit sa katawan ko. Lumipas ang ilang minuto, lumabas ako sa banyo ng nakabihis na ng panibagong damit. 

Dumiretso kaagad ako sa sala. Bumungad sa akin ang kapatid ko na nanonood ng Korean Drama. Hindi ako pamilyar sa karakter at sa palabas ng pinapanood niya kaya nilagpasan ko na lang siya. 

“Umalis na pala si kuya Lucas.” Biglang sabi ng kapatid ko nang kumuha ako ng pitsel na may lamang juice sa refrigerator. “Sayang, hindi ko man lang siya naabutan.” 

“Hindi mo naman talaga dapat makita siya,” kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice. “Nagmamadali din siya na umuwi dahil sa dami ng mga gawain niya.” 

Natanaw ko ang matamis niyang ngiti habang nakatutok sa pinapanood niya. Bahagya akong natigilan dahil doon. 

“Ang pogi niya,” hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. “Crush na crush ko na siya simula pa dati, ate.” 

Huh? 

Hinayaan ko lang siya magsalita habang nanonood. Kung ano-ano na din ang mga pinagsasabi niya at wala akong alam kung sino ba talaga ang tinutukoy niya. 

Tahimik lang ako na nakikinood sa TV, habang ang kabila kong tainga ay nakikinig sa mga sinasabi pa ng kapatid ko. 

It was all fine and good not until I heard those unexpected words that made me stunned again; “I had a crush on Kuya Lucas.” 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya, but I keep my composure in front of her.

Ayoko din naman na mapaghalataan ako na nakaramdam ako ng kakaiba sa mga sinabi niya. 

“Ate?” Nabalik ang huwisyo ko sa reyalidad at tumingin sakaniya. Bahid ng pag-aalala at pagtataka ang mukha niya habang nakatitig sa ‘kin. “Ayos ka lang? Bakit biglang lumalim yata ang iniisip mo?” 

Saglit akong nanahimik at kaagad na tumawa sa tanong niya. “Ano ka ba, ayos lang ako!” 

Shit. Akira, nakakahiya ka talaga kahit kailan! 

“Narinig mo ba kung ano ang sinabi ko?” Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya ang reaksyon ko. “Mygosh! Ang sabi ko, may crush ako kay Kuya Lucas.” 

“Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Dahlia, 14 years old ka pa lang,” sagot ko. 

“So what?” I was caught off guard when she rolled her eyes on me. “No matter what, I still had a crush on him.” 

Ethereal Realms: Tales of Enchanted Magic. जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें