Chapter 2

9 4 0
                                    

Chapter 2





But it's the sweetest pain
Burning hot through my veins
Love is torture makes me more sure
Only love can hurt like this

Only love can hurt like this
Only love can hurt like thi...





Pinatay ko ang speaker. kanina pa ako rinding rindi sa kantang yun na sinasabayan pa nila Clea at Roxy habang umiiyak sila.





Broken kasi silang dalawa at sa araw pa talaga mismo ng Valentines. Si Clea ni reject ng crush kaya nasayang yung pinagawa nya saking letter. Si Roxy naman nakipagbreak kanina sa boyfriend nya kasi nahuli nyang may binigyan itong ibang babae ng chocolate and flowers samantalang sakanya wala. lukong yun sakin pa nag order kaya hindi ko muna sinabi kay Roxy dahil akala ko e susurprise nya ang kaibigan ko.





Kaya pareho silang umiiyak ngayon sa classroom namin.





Tiningnan nila ako ng masama dahil sa biglaang pag patay ko ng music.




"Manhid kaba! Makiramdam ka naman!" sigaw ni Roxy sakin.




"Bitter lang yan kasi walang nagbigay sakanya e." saad naman ni Clea at inikutan ako ng mata.






"Atleast hindi na reject." tinapunan ako ng notebook ni Clea pero nasalo ko ito.




"hay... bat nyo ba iniiyakan ang mga lalaki" iling kong sabi at umupo habang naka halukipkip.



Nasa classroom kami ngayon, at walang pumasok na mga Teachers. they spend together with their love ones rin siguro.





Kami tatlo ni Clea and Roxy ang laging magkasama since magkaklase kami ni Clea simula elementary and since Grade Seven naman kami ni Roxy. parehong strand din ang kinuha namin tatlo, Technical Drafting ang major namin at nasa 11th Grade.





Napaka ingay ng classroom namin ngayon, may nag giguitar, nanunuod ng TV ang iba nag p-phone, samantalang ang iba kinikilig habang ipinag k-kwento ang mga crush nila, may iba ring naka tanggap ng mga regalo.





"Shut up! hindi mo lang alam gaano kasaket dahil wala ka namang experience. Takot kasi sa commitment!" ani ni Roxy na tinawanan ko lang.




"I'm not scared. I just don't want to"



"Wala kasing nagkakagusto dyan Rox kaya walang nanliligaw." napakunot pa ang noo ko sa sinabi ni Clea.





"Excuse me? kaya ba ni reject ka ng crush mo Clea because he likes me?" ngumisi ako kay Clea kaya mas lalo syang nairita at muling umikot ang mata sabay sabing "che!"




"Tama ka Clea tingnan mo walang na tanggap diba" pag sang ayun ni Roxy, napatawa nalang ako talagang pinagtutulungan ako ng dalawa.




"e bakit nga ba may binigyan ng chocolate and flowers si Karl tapos ikaw wala?" sinamaan ako ng tingin ni Roxy at ihinagis ang flower na ibibigay nya sana kay Karl saakin.




"sama talaga ng ugali mo babae ka, dyan ka nga!" tumayo ito at mukhang na badtrip sumunod naman si Clea, tinawanan ko nalang sila




Maya maya pay bigla itong sumigaw ng maka abot sa pintuan ng classroom namin, nagtaka naman akong napalingon dito.




At ang kaninang sadgirl ay tumitili na dahil sa kilig, napa iling nalang ako at muling tumingin sa phone ko. Siguro sinusuyo nanaman sya ni Karl na boyfriend nya.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Cloud (Series 1)Where stories live. Discover now