𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 𝗜𝗜

1.2K 53 2
                                        

𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗔𝗿𝗮𝘄
ᴀʟᴀʏ ᴋᴀʏ ᴘʀᴏᴘᴇsᴏʀᴀ


Reagan Sweetzel Albano's POV

Natapos nang mabilisan ang aming hapunan. Hindi kami masyadong nag-usap bilang pamilya dahil wala naman akong maikw-kwento. Hindi na ako nag-aaral at parati na lang akong tambay dito sa bahay. Minsan naman ay hinahayaan ako ng magulang kong umalis pero isang buwan nang wala akong ganang iwan ang kwarto ko.

Magbabago iyon ngayon though. Baka lumabas ako bukas para panoorin ang bukang-liwayway sa karagatan. Hindi ko alam pero biglang ninais ng puso kong masilayan muli ito.

"Good night, nak. Matulog ka nang mahimbing." Paghalik sa akin ni mommy. Iyon ang parati niyang sinasabi upang hindi ako bangungutin at magulat ang puso ko. Baka kasi bumilis na naman ito bigla at maatake ako.

Tinanggap ko ito pati na rin ang paghalik ng aking ama sa nuo. Matapos iyon ay hinayaan na nila akong umakyat kaya dumiretso ako sa aking kwarto at ni-lock ang pinto pagkapasok. Dali dali akong lumapit sa aking bintana at kinuha ang phone ko saka ito binuksan. "Katatapos lang naming kumain ng hapunan. Napag-antay ba kita masyado? Haha sorry, napasarap kasi ako ng kain dahil paborito ko 'yung mga ulam." Pagkkwento ko sa harapan ng kamera. Inayos ko ito sa kaniyang pwesto kanina saka ulit umupo sa may bintana. "Gabi na, mayroon na rin ang mga bituin sa langin. Teka, ipapakita ko" hinablot ko ang kakaayos ko lang na phone saka ito itinaas sa ere sa labas ng aking bintana.

Gusto kong makita niya ang kalangitan ngayon na walang ulap kundi pinapalibutan lang ng mga bituin at ang maliwanag na buwan. "Sana nandito ka para sabay na'ting makita." Kumento ko saka hinila ang aking phone at ibinalik ito sa dati niyang pwesto. "Gabi na at dapat na akong matulog pero nais pa kitang kantahan ng isa pa. Bali, pangalawang kanta ko na ito para sa'yo. Sana magustuhan mo" ngumiti ulit ako sa kamera bago binuhat ang gitara ko sa tabi. "Tonight, I'll be playing Araw Araw by Ben&Ben." Maiksi ko lang na panimula saka ipinustura ang gitara ko sa aking hita.

Nagsimula na akong inistrum ang strings. Bawat pagpuno ng mga tono sa aking kwarto ay napupuno rin ang aking isipan ng nakaraan.

"Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso"

Ang bawat liriko ng kanta ay tila kine-kwento ang aming istorya. Kung paano niya ako nahuling nakatingin lang sa kaniya. Iyon din ang unang araw na sinuklian niya ako ng matamis na ngiti.

"Kay tagal ko nang nag-iisa
Andiyan ka lang pala"

Kahit kailan, hindi pa ako nakadama ng ipinadama niya sa una naming pagkikita. I always felt empty and lonely for being different than others. But the way she made me feel like a person... hindi ko namalayan at habang tumatagal, mas lalo akong huahanga sa kaniya.

I stopped singing and strummed my guitar with range of emotions...

"Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa yo'y malinaw"

Kaya kahit anong sabihin nila, pipiliin kita pang araw-araw.

"Higit pa sa ligayang
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin"

Kung hindi ko man maibigkas sa'yo nang diretso. Sana malaman mo habang pinapakinggan mo ito. Ang mga tingin ko sa'yo ay may tinatagong mensahe.

"Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa yo'y malinaw"

Ito ay ang pipiliin kong umibig.

"Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa yo'y malinaw"

Kahit anong bunga nito tatanggapin ko.

"Mahiwaga
'Wag nang mawala araw-araw oh
Mahiwaga
Pipiliin ka araw-araw"

Pipiliin kita pang araw-araw. Kahit sabihin nilang bawal, magmamatigas ako. Wala akong paki-alam sa aking kapalaran. Hangga't masaya ako, sa'yo ako tutungo.

...

After singing, pumikit ako. Nadama ko kasi ang paghina ng aking puso kaya naman parang nanghihina na naman ako. "Pagod lang 'to, ayos lang ako." Aking sabi saka ulit ngumiti sa kamera. Hanggang ngayon pa rin kasi ay iniisip ko pa ring nasa kabilang bahagi siya.

Ibinaba ko ulit ang aking gitara saka hinawakan ang phone ko. "Gusto mo ulit makita 'yung mga bituin? Alam ko kasing mahilig ka sa star gazing, Ma'am Val." Aking pagtatanong kahit wala namang sasagot. Ako na lang nagdesisyon at hinila ang halaman ko palapit sa nakabukas kong bintana. Nang sapat na sa akin ang lapit nito ay isinandal ko ang aking phone saka siniguradong kita ang kalangitan.

Matapos iyon ay pinagmasdan ko rin ang langit. Nakaupo lang ako sa window seat habang nilalasap ang simoy ng hangin at pinagmamasdan ang kagandahan ng mga bituin at buwan. Naalala ko tuloy ang paborito niyang sinasabi tuwing tumitingala ito sa itaas. Iyon ay, "Marikit na naman ang buwan ngayong gabi." Isang bagay na hinding hindi maaalis sa aking isipan kahit anong mangyari. Ito rin ang dahilan kung bakit nanakit ang dibdib ko ngayong gabi.

"Inaantok na ako, Ma'am Val. Iwan na lang muna kita rito at iidlip lang ako saglit. Babalik ako ulit." Saad ko saka iniwan ang phone ko sa nakabukas na bintana. Gabi naman na at nasa ikalawang palapag ako ng bahay na'min. Wala namang magnanakaw dahil mababait ang mga kapit-bahay.

Naubos ang lakas ko matapos iyon kaya ako humiga. Dahan dahan kong ibinalot sa sarili ko ang makapal kong kumot bago ko ipinatong ang aking mabigat na katawan pahiga sa kama ko.

Paminsan-minsan, may kasunod ang paborito niyang linya. Matapos niyang sabihing marikit ang buwan, nililingon niya ako at nginingitian. Sabay sabing, "kasing marikit mo, Albano." kaya kahit anong pilit ay hinding hindi ko makakalimutan ang pangungusap na iyon. Naalala ko tuloy ang isang senaryo noon kung saan ginabi kami sa school. Kasali kasi ako sa bandang tinuturuan niya. Noon ay kami na lang dalawa dahil may mga sundo ang aming kasamahan. Inilibre niya ako noon sa 7-eleven dahil 'yun lang ang bukas na convenience store malapit sa school. Hindi pa kasi kami noon nakakakain kaya habang nasa labas at inuubos ang binili niyang hot dogs at sandwich sa akin ay tumingala ito. Sinabi niya mismo ang katagang iyon saka ako tinignan at nginitian. Minsan nagiging biro lang sa kaniya 'yun, pero para sa akin ay sapat na iyon para tumalsik ang puso ko palabas ng aking dibdib.

Hindi niya alam kung gaano ko sinubukan noong huwag ipakita na kinilig ako. Haystt. Habang iniisip ko ang nakaraan ay mas lalo lang nanlalambot ang puso ko. Isang buwan pa lang kasi kaya sariwa pa. Tumulo ang luha ko kaya ko ito pinunasan saka ko isiniksik ang sarili ko palubog sa kama.

"I missed you." Sambit ko na siyang nagpabigat sa aking dibdib. Pumikit ako saka huminga nang malalim. Goodnight, Ma'am. Bukas ulit kita kakantahan.

𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]Where stories live. Discover now