𝗘𝘀𝘁𝗿𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗿𝗼
ᴀʟᴀʏ ᴋᴀʏ ᴘʀᴏᴘᴇsᴏʀᴀ
Reagan Sweetzel Albano's POV
Pagsapit ng alas sais ay niligpit ko na ang aking gitara. Bumaba ako sa aking kinauupuan saka ko ibinalik sa case ang gitara ko at nagpaalam na sa karagatan. Wala akong balak umuwi kaya maglilibot muna ako. Ngayon lang din naman ako nakalabas ng bahay kaya susulitin ko na.
Namatay na rin ang baterya ng aking phone kaya ngayon ay nasa bulsa ko muna ito at nagc-charge. Tumawid ako sa klasada para mapunta sa kanang bahagi nito saka ako naglakad sa gilid.
Balak kong puntahan ang mga lugar na kinahiligan ko noong tambayan. Baka kasi bukas makalawa ay mawawalan na ako ng pagkakataon kaya susulitin ko na ang sandaling nasa labas ako at malaya.
Una rito ay ang Fernez Grocery. Malapit ito sa istasyon ng bus at nasa tapat lang 'yung kinaroroonan ko kanina. Nag-iisa lang kasi itong grocery na nakatayo rito kaya wala siyang kakompetensiya. Parati rin ako noon rito dahil sa ibinebenta ni Mrs. Fernez na wala sa ibang tindahan.
Hinawakan ko ang doorknob ng pinto saka ito binuksan dahilan para ma-trigger 'yung bell sa itaas ng pinto. Pumasok ako at bumungad sa akin ang malawak na grocery na siyang pinapalibutan ng mga tao. Isa sa gusto ko rin dito ay ang ibinibigay niyang buhay na atmospera. Kasalungat ito ng tinitirahan ko, kaya gustong gusto ko noon magpunta rito.
Alam na alam ko ang pasikot-sikot dito kaya dumiretso ako sa parati kong pinupuntahang aisles... ang mga dried snacks.
Paborito ko ang mga ito pero may kamahalan kaya noon ay parati akong nag-iipon. Sabi ko nga ay nagkikita kami noon ni Ma'am rito tuwing sabado kaya parati akong bumibili nito sa mga panahong iyon. Ito rin ang parati naming kinakain noon pagkatapos ng jogging ni Ma'am. Ang kinakain naman niya ay 'yung dried peach.
Lumapit ako saka tinignan ang mga klaseng binebenta ni Mrs. Fernez ngayon. Sa kasamaang palad ay wala 'yung paborito ni Ma'am. Mayroon kaya sa likod?
"Zel, may hinahanap kang iba? Kung naghahanap ka ng peach--ah--e, wala na. Inubos na ng mga bata nung isang linggo. Ngayon ka lang kasi dumating. Na-busy ka siguro sa pag-aaral, no?" Humarap ako kay Mrs. Fernez nang magsalita siya sa likuran ko. Hindi niya alam na hindi na ako nag-aaral kaya siguro nasabi niya iyon.
"Sayang naman po, Mrs.. Iyon pa naman ang gusto ko sanang bilhin"
"Nako, pagpasensyahan mo na anak. 'Di bali, sa susunod ay magtatabi ako para sa'yo. S'ya nga pala, 'yung kasama mo parati? Isang buwan ko na kayong hindi nakitang dalawa." Tanong nito na siyang ikinalungkot ng puso ko.
Ngumiti na lang ako nang mapait. "Abala na po siya." Pagsisinungaling ko. "Natapos na po 'yung pagiging student-teacher niya."
"Ah, ganoon ba? Sayang naman. Kung magkikita kayo ulit, yayain mo siyang bumalik dito ha? Mabait na bata iyong si Allora e." ngiti niyang sabi pero mas nanlumo naman ang puso ko.
Kinagat ko ang aking labi saka tumango na lang sa kaniya. Tinapik naman nito ang aking balikat at sinabihang nasa counter lang ito kung may kailangan ako. Tumango naman ulit ako saka ko siya pinanood na lumayo.
"Excuse me, ineng" biglang hawak sa akin ng isang babae sa gilid kaya ako nagulat at lumayo. Tumalon ang katawan ko sa paglayo pati na rin ang aking puso. Laking pasasalamat ko na lang at hindi multo ang nagsalita kundi isang matandang babae. "May kukunin lang ako sa likuran mo, ineng. Mukhang magugulatin ka, pagpasensyahan mo na ako" saad niya. Kumalma naman ang puso ko na kanina lang ay malapit nang nagflat-line.
YOU ARE READING
𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]
Short Story𝘚𝘩𝘰𝘳𝘵 𝘚𝘦𝘳𝘪𝘦𝘴 #1 A 𝗴𝗲𝗻𝘂𝗶𝗻𝗲 yet 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲. - 𝑹𝒆𝒂𝒈𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒛𝒆𝒍 𝑨𝒍𝒃𝒂𝒏𝒐 & 𝑨𝒍𝒍𝒐𝒓𝒂 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒓𝒐𝒆 ❣ @_𝚊𝚕𝚟𝚊𝚛𝚖𝚒𝚎𝚡 𝚂𝚒𝚗𝚌𝚎 𝟸𝟶𝟸𝟷
![𝗔𝗹𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘀𝗼𝗿𝗮 [𝘎𝘹𝘎 - 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥]](https://img.wattpad.com/cover/361616290-64-k936597.jpg)