LARAWAN

48 9 8
                                    

35

Halata ni Luke ang pagkabalisa ni Andy sa tuwing tinitigan ito ni Larenz. "Are you ok besh" agad na tanong ni Luke

Pabalat bungang ngiti lang ang isinagot ni Andy kay Luke. Kaya hinawakan ni Luke ang kamay nya. Sign nila yun to comfort each other.

Konti lang ang kinain ni Andy at nagpaalam na itong papasok na ng kwarto at nagdala na lang ito ng tubig.

"Hatid na kita" agad na prisinta ni Luke at inalalayan neto si Andy dahil nanginginig na ito.

"Gusto mo na bang bumalik na lang tayo ng Manila?" Tanong ni Luke sa kaibigan

"Not yet, advice din ng doctor na dapat harapin ko na yung trauma ko eh" sagit naman ni Andy.

"Just make sure na kaya mo na" nag aalalang sambit ni Luke

"Relax nandito ka naman at si Enzo. I'm sure makakaya ko to"

Nang makabalik si Luke sa dinning, agad itong tinanong ni Enzo "kumusta si Andy?"

"Shes ok. Kailangan nya lang magrelax at uminom ng gamot"

"Gamot? May sakit ba si Andy?" Nagtatakang tanong naman ni Izzy

"Wala syang sakit, nagtetherapy lang sya sa isang psychaitrist, dahil doon sa nangyari 2years ago, medyo natrauma si Andy" paliwanag naman ni Enzo

"In short, natuluyan na syang nabaliw?" Nakangiting tanong ni Izzy na halatang kinukutya si Andy

"Watch your language miss.. hinde baliw ang kaibigan ko" inis na sagot naman ni Luke kay izzy

"Relax, ang seryoso nyo naman.. at ikaw Enzo, seryoso ba na kayo na ni Nicky?" Baling naman ni Izzy kay Enzo

"Why do you Care? Bakit malabo bang maging kami?" Pabalagbag na sagot naman ni Enzo

"Sana magkadelikadesa ka rin naman. Ex yun ng kaibigan mo. Wala ka man lang paabiso kay Larenz" sa pananalita ni Izzy ay halatang gusto netong magbanggaan sina larenz at Enzo.

"Alam mo isabelle,.. pasalamat ka kaibigan kita" inis na sagot ni Enzo.

Dahil sa mga sinabi ni Izzy. Nawalan ng ganang kumain ni Enzo at humabol na lang ito kay Andy sa kwarto..

Nakahiga lang si Andy na nakatagilid.. Umupo naman si Enzo sa tabi nya at kinuha agad ang kamay ni Andy at hinalikan. "Are you ok?"

Umurong si Andy at ipinatong neto ang ulo sa lap ni Enzo at yumakap. "I'm ok, don't worry. Hanggang kelan kayo dito?"

"Kung hanggang kelan mo gusto" sagot ni Enzo habang sinasapo neto ng marahan ang buhok ni Andy

"Hinde kami magtatagal ni luke, baka madami na kaming mamiss sa mga lessons namin eh" malambing na sagot ni Andy

"Bakit naman kasi umabsent? Akala ko ba set your priority?"

"Namiss kita eh and after netong bakasyon mo... busy kana naman ulit at hinde na naman tayo magkakasama ng madalas" sagot ni Andy

Sa unang pagkakataon naglambing si Andy kay Enzo at ikinatuwa nya ito.. nakita ni Enzo kung gaano ka lambing so Andy kay Larenz dati..kaya inaasan nyang ganon din si Andy sa kanya..Pero ibang iba si Andy nung naging sila na. Pero ng mga oras na yun naranasan nya na din yung ilang linggo nyang hinihintay.

Tuluyan ng humiga si Enzo at niyakap neto si Andy. "Gusto mo bang lumabas at mamasyal? Yung tayo lang dalawa"

"No..dito lang tayo, gusto ko lang marelax ang utak ko" pagtanggi ni Andy sabay yakap kay Enzo.

Saglit lang at nakatulog na si Andy, dala na marahil ng pagod sa byahe at sa inom na alak.
.
.
.
"Kampay!!" Sigaw ni Izzy habang nakalublob ang paa sa pool at may hawak na baso na may Alak, kasama sina Jenny, Larenz,Marco,luke at Enzo sa pool..

Crazy Little Thing Called Me (behind their shadows)Where stories live. Discover now