Kabanata 23

19 2 0
                                    

Napahinto ako sa paglalakad ng bumungad sa'kin ang magulong conference room.

"Sigurado po bang hanggang ngayong araw lang ito?" tumango si Ms. Joan kaya wala akong ibang nagawa kundi ang magbuntong hininga.

Parusa ba ito ng pagiging late ko?

Matapos sabihin ni Ms. Joan ang mga bilin niya sa'kin ay umalis na rin siya. 

Agad kong itinayo ang mga upuang nakatumba na. Halatang matagal na mula nang nagamit ang conference room na 'to dahil sa sobrang alikabok ng paligid.

Una ko munang tinanggal ang mga agiw saka ko sinimulang punasan ang mga lamesa't upuan. Puro linis lang ang ginawa ko. Magtatanghali na kung kaya't kumakalam na rin ang sikmura ko dahil hindi pa ako kumakain ng agahan.

Kahit yata mas bilisan ko ang kilos ko ay malabong matapos ito ngayong araw.

Napahinto ako sa pagwawalis sahil sa biglang pagsakit ng puso ko. Nahihirapan rin akong huminga. Maalikabok kasi ang paligid at isa pa ay nahihilo na ako dahil sa gutom. Kung bakit ba naman kasi hindi ako kumain kanina.

Nang sumapit ang tanghalian ay nagdesisyon na akong kumain na muna. Mabilis akong bumaba. Sa labas ako ng company kakain dahil maraming mga empleyado ang nasa Cafeteria ngayon. Mas matatagalan ako kung makikisingit pa ako sa kanila.

Tatawid na sana ako ngunit bigla na lang nandilim ang paningin ko.

"Let her rest for now" nagising ako dahil sa mahihinang boses na naririnig ko. Agad na bumungad sa'kin ang puting paligid.

Teka, nasa'n ako?

Nagtataka kong ibinaling ang tingin kay Ms. Joan na kausap ang Doctor. Bakit siya narito?

"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanging tango lang ang naging sagot ko. "Buti na lang nakita kita at nakahingi agad ako ng tulong. May gusto ka bang kainin?"

"Ok na po sa'kin ang kahit na ano" tumayo siya saka tuluyang lumabas.

Kinuha ko ang phone ko kung kaya't nanlaki ang mga mata ko dahil sa ilang missed calls ni Mr. Buenaventura. Tumayo ako at agad na tinanggal ang swerong nakakabit sa'kin.

From: Mr. Buenaventura
Where are you?

Marami pa ang mga mensahe niya ngunit hindi ko na binasa lahat dahil isa lang naman ang gusto niyang mangyari. Ang pumunta ako agad sa opisina niya.

Buti na lang may dala akong pera kaya nakapagbayad ako ng hospital bills. Mukhang mababawasan na naman ang ipon ko.

Lakad at takbo ang ginawa ko para mabilis na maka-abot sa opisina.

Labis na hingal ang natamo ko pagtapak pa lang ng mga paa ko sa tapat ng opisina ni Mr. Buenaventura.

Pikit mata akong kumatok. Wala pa man siyang permiso ay pumasok na ako.

Salubong ang kaniyang kilay. Kahit sa malayo ay masasabi mo nang galit siya.

"Where have you been? Ms. Lopez, my company is not a playground. You're very incompetent!" grabeng pagpipigil ko sa sarili kong huwag umiyak sa harap niya ngayon. Tanging pagyuko na lang ang kaya kong  gawin.

"Ms. Lope---" napatigil si Ms. Joan sa pagtatangka niyang pagtawag sa'kin ng makita ang nanliliksik na mga mata ni Mr. Buenaventura. "Sir, I just want to clarify somethi---"

"Sorry, Sir. Di ko na po uulitin. Kung maaari ay tutuloy na po ako sa paglilinis. Excuse me, Sir" yumuko akong muli saka naglakad palabas. Si Ms. Joan naman ay nalilito pa ngunit sa huli ay sumunod na rin sa'kin.

"Ayos ka lang ba, Ms. Lopez? Bakit hindi mo na lang sinabi sa kaniya ang totoo? At isa pa, bakit ka agad umalis sa hospital? Sabi ng Doctor na kailangan mong magpahinga" tuloy tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung anuman ang isipin ni Ms. Joan ngayon. "Umuwi ka na lang muna, ako na ang bahalang magpaliwanag. Kumain ka na rin dahil anong oras na"

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now