Kabanata 28

28 2 0
                                    

I'm writing this chapter with a heavy heart. My friend. My bestfriend left without saying goodbye. I hope he's happy now. I know you won't feel any pain now.

Last Chapter before Wakas. Thank you sa pagbabasa. Thank you sa mga nagbabasa kung meron man.

***

Halos tumakbo ako patungo sa kubong nakita ko sa gitna ng bukid. Ipinagpasalamat ko rin na walang tao.

Maayos ang loob ngunit walang ibang mga gamit dahil ginagamit lang ata ito ng may-ari sa tuwing bumibisita sa bukid niya.

Hindi ko alam kung kaninong lupain ito pero sana huwag munang bumalik ang may-ari.

Wala akong dalang kumot dahil hindi ko naman inisip na aabutin ako ng gabi. Ang plano ko lang ay tignan ang bahay saka bumalik na agad sa Manila. Hindi ko naman alam na aabutan ako ng dilim sa pagmamasid sa bahay.

Bukas ng hapon na lang siguro ako babiyahe pabalik.

Siguro aalis na lang din ako sa Cafè. Nakakahiya na kakasimula ko pa lang dun pero may absent na agad ako. Ayaw ko rin namang abusuhin ang kabaitan ni Ethan. Masakit mang isipin pero pabigat nga talaga ako.

Nagising ako sa pagtilaok ng manok. Nilalamig man kagabi ay pinilit ko pa ring matulog at siguro dahil sa labis na pagod ay nakatulog nga ako. Ngayong umaga na ay dali dali na akong bumangon saka tumingin sa labas.

Ito yung gusto ko.

Yung payapa lang ang lahat.

Walang nananakit sa'kin.

Walang ibang iniisip. Walang bumabagabag.

Pero...alam kong panandalian lang ang kapayapaang nararamdaman ko.

Nilalabanan ko ang pagpikit ng aking mga mata nang malapit na ako sa apartment. Kanina sa biyahe ay iba na ang pakiramdam ko. Magmula kahapon ay hindi pa ako kumakain kaya siguro ako nahihilo ngayon.

Pilit kong pinapasok ang susi sa doorknob pero hindi ko magawa ng maayos.

"What the---!" hindi ko alam kung guni guni ko lang ang naririnig kong pamilyar na boses.

Si Khairo ba 'yun?

Bago pa ako tuluyang bumagsak ay may dali daling sumapo sa'kin.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata. Napatingin ako sa paligid. Puti ang lahat.

Nasa hospital na naman ba ako?

Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit nandito na naman ako pero ang nasa isip ko lang ngayon ay wala akong pambayad!!! Sa ganda pa lang ng kwartong kinaroroonan ko ay tiyak na hindi biro ang presyo nito. Saan na naman ako kukuha ng pera?

Bumagon ako saka tinanggal ang mga nakakabit sa'kin. Ayokong magtagal dito.

Aalis na sana ako sa higaan ng biglang bumukas ang pinto. Nakakunot noong nakatingin sakin si Khairo. Mula sakin ay ibinaling niya ang tingin sa mga tinanggal ko. Mas lalong galit ang tingin niya sakin.

Hindi ko alam kung paano niya tinawag ang mga doctor pero agad na may lumapit sa'kin.

"Ma'am, bumalik ka muna sa pagkakahiga dahil kailangan mo pang magpahinga"

"Doc. ayos na po ako. Pwede na po bang umuwi?" mahinang sambit ko lalo't palapit na sa gawi ko si Khairo.

"You won't go anywhere. If I say you stay here, then stay!" mariin ang bawat bigkas niya ng mga salita. Hindi ko na rin namalayan na naibalik na pala ang mga tinanggal ko kanina.

Magproprotesta pa sana ako pero sa nag-aalab na galit ni Khairo ay bigla akong nanghina. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama saka naman umalis ang doctor. Tanging kaming dalawa na lang ang naiwan at wala ni isa samin ang gustong magsalita.

Secretly in Pain (Isabela Series #1)Where stories live. Discover now