P18

1 0 0
                                    

Yev's Pov*

Kinabukasan. Habang naglilinis ako sa sala nagpunta ako sa mga poon para tanggalin yung mga alikabok at para na rin baguhin ang damit ng Poong Nazareno,pagkataas ko ng damit ng poon ay may isang bagay na maliit na nasa ilalim ng Nazareno, " lalagyan ata to ng singsing color red eh tas pa box " sabi ko sa sarili ko na parang nagtataka .

Binuksan ko ang bagay na iyon at singsing nga yung nasa loob, " ganda naman nito tsaka parang totoo ata yung diamond" kaagad kong tinawag si mama para malaman kung kanino yung singsing na hawak ko. Dumating si mama at tinanong kung bakit, wala non sa bahay si Francine kasi may inaasikaso sya sa trabaho nya, " ma, sainyo po ba tong singsing? sana pala ganto na lang yung binili ko para kay Francine" sambit ko kay mama.

" Uhm anak ano kasi eh ah hindi kasi sakin yan, pero akina itatago ko baka kay ate m..." dumating bigla si ate at nakita kami na nag uusap about sa singsing " Ma, sabihin mo na sakanya yung totoo karapatan nyang malaman yon" sagot ni ate Venice na pumasok agad sa kwarto nya. " Ma? ano pong totoo ano po yung sinasabi ni ate? hindi ko po maintindihan " tanong ko kay mama, " ano kasi nak ah... " hindi maideretso ni mama sakin yung sasabihin nya dahil kinakabahan sya, tinanong ko si mama ng maayos at dun ay sinagot nya na din ng maayos.

Polaroid Where stories live. Discover now