P26

1 0 0
                                    

Yev' Pov

pumunta ako sa kwarto para makapag isip isip habang naka upo ako chineck ko yung phone ko dahil may nag message sakin "well?? sino tong well na to" tanong ko sa sarili ko dahil ang pakilala nya sakin ay matalik ko syang kaibigan. *Musta na pre tagal natin di nakapag usap ah btw happy bday nga pala kay tita pasensya na kamo kung di ako makakapunta* yan ang message nya sakin na parang bang close na close kami, nakita ako ni kuya Dave sa kwarto dahil hihiram sya ng charger sakin " oh Yev pahiram muna ng charger ah " sambit kaagad sakin ni kuya nung oras din na yun ay hindi ako nagdalawang isip na itanong kung kilala nya tong si well at ang sabi nya sakin ay bff ko daw simula pa high-school lagi ko daw kasama kahit saan at pagtapos nyang sabihin yon ay lumabas na sya ng kwarto.

Nag reply ako kay well kaya pala feel ko parang kilala ko sya pero hindi ko lang maalala, "ayos naman ako pre actually malapit na yung kasal ko, dapat nandun ka ha" sambit ko sakanya at ito ang reply nya sakin " congrats pre sabi na ba kayo talaga ni Zy hanggang huli eh" nagtaka ako sa sinabi nyang yan dahil hindi naman yung babae na yun ang ikakasal sakin kundi si francine.

Tinanong ko sya kaagad kung bakit nya nasabi na si Zy ang mapapangasawa ko, " ano ka ba tinatanong mo pa yan sakin eh si Zy lang naman naging gf mo and sya lang yung babae na hindi mo magawang hiwalayan" nagtaka ako sa sinabi nyang yan dahil bakit lahat sila ay sinasabi na si Zy yung gf ko.

Nagpaalam na ako sakanya that time dahil hindi ko na kinakaya yung mga sinasabi nya. Paglabas ko ng kwarto ay kakarating lang ni Francine hindi ko alam kung saan sya galing dahil ilang oras sya nawala,"san ka galing?" tanong ko agad sakanya at ang sinabi nya lang sakin ay " wag ngayon Yev pagod ako pagpahingahin mo muna ako" na curious ako sakanya dahil birthday na birthday ni mama ay nagkakaganon sya ni hindi nya nga tinulungan si mama sa pagluluto tas ngayon sya pa pagod.

Hinayaan ko na lang sya sa kwarto dahil baka mag away lang kami at masira ang araw ni mama ayoko naman mangyari yun, habang inaasikaso ko ang mga naluto na pagkain ay nakita ko si mama at si Zy na sobrang saya hindi ko alam pero pati ako ay napangiti nung nakita ko sila magkasama.

Polaroid Where stories live. Discover now