CHAPTER 5

578 8 0
                                    

Present

"Good Morning, Mama!" Napangiti ako. Halik ng sa pisngi ng anak ko, ang bumungad sa akin.

Dahan dahan akong umupo at yinakap siya ng mahigpit. Palaging ganito ang bubungad sa akin tuwing umaga. Sobrang sarap tuloy gumising. Iyong kada gising mo...may hahalik sa'yo sa umaga. Tapos iyong tao pa iyon ay ang pinakacute at pinakamamahal mong anak.

Tiningan ko ang magandang mukha ni Sabrina, saka marahan siyang hinalikan sa noo.

"Good Morning din, baby ko..." Mahin at puno ng pagmamahal kong bulong.

Sinusulit ko ang tuwing araw na nasa tabi ko pa siyang natutulog. Dahil alam kong paglaki niya, hindi na siya tatabi pa sa akin. Pero sana malambing pa rin ang aking Sabrina.

Mga ilang minuto muna kami naglalambingan ng anak ko, bago napagdesisyonang bumangon na.

Nasa kusina ako ngayon at nagluluto para sa umagahan namin. Mahilig sa fried rice ang anak ko at friend rice na luto ko lang ang lagi niyang gustong kainin tuwing umaga. Bumabangon talaga ako ng maaga, para ipagluto siya ng fried rice. Minsan naman 'pag nauuna siyang nagigising, ay siya na mismo ang gigising saakin.

"Alam mo ba, teh? Sa'yo lang ganyan ka cute ang anak mo,"  Nagtatampong saad ni Sylvia.

Siya ang matagal na babysitter ng anak ko. Talagang malaki na ang tiwala ko sa kanya at masasabing kong medyo close na rin kami. Tatlong taon na kasi akong nagtratrabaho rito sa maynila. No'ng two years old pa lang si Sabrina ay lumuwas na kami sa rito. Gusto ko kasing magtrabaho nang mas mabuti at may mas angkop na sweldo. Para mabigyan ko ng mas magandang buhay ang anak ko. Sa bukid kasi ay tanging pananahi lang ang hanap buhay ko roon at sayang naman ang diploma ko, kung hindi ko gagamitin, hindi ba?

Hinalo halo ko muna ang niluluto kong fried rice at saka tumingin kay Sylvia.

"Masungit pa rin ba s'ya sa'yo?" Natatawang tanong ko.

Bahagya naman siyang natawa at marahang umiling.

"Hindi naman, teh. Parang nakikipag-usap nga lang ako sa kaedad ko, eh. Ang galing makipagsalita sa lahat, teh. Pero 'pag sa'yo, todo pa cute!" Natatawang kwento niya. Mahina rin akong napatawa at napangiti.

"Gan'yan na talaga siya. No'ng nasa bukid kami ay ganyan na ganyan na 'yan makipagsalita sa'kin. Pero sa mga bata ro'n ay todo ang pagsusungit niya." Nakangiti kong kwento at pinatay na ang kalan. Kumuha ako ng isang malaking plato at do'n nilagay ang niluto ko.

"Sobrang sweet na sweet mo po kasi sa kanya! Kahit ako, magpapacute rin po sa inyo, eh!" Tuluyan na akong natawa sa sinabi niya.

"Mama!"

Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Sabrina.

Napangiti ako ng matamis, habang tinitignan ang kabubuan niya. Naka uniform na ito at naka ponytail ang buhok. Mahilig talaga siyang ayusan ang sariling buhok niya.

"Hi, baby. Let's eat na, hmm?" Malambing kong sambit. Agad na nilagay ko sa lamesa ang bitbit kong plato at napatawa naman ako ng mahina. Dahil nakayakap na s'ya sa mga paa ko at gustong magpabuhat.

Mahilig talaga tong magpababy ang baby ko!

Nang mabuhat ay pinugpog ko na naman ng mga halik ang buong mukha niya.

"Ang bango bango bango naman ng baby ko na 'to!" Nanggigil kong lambing.

Nakikiliti naman s'yang tumawa sa bisig ko at agad na yumakap sa leeg ko.

"Ang cute cute mo talaga!" Dagdag ko at hinalikan ang dalawang pisngi niya.

"Mana po sa'yo, Mama!" Malakas at matinis niyang sambit. Mayabang naman akong napangiti. Syempre! Ako na 'to! Maganda na, cute pa.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now