CHAPTER 6

466 5 1
                                    

"Felise, pakihatid muna 'to kay Sir Henderson."

Anak ng!

Napakurap ako sa harap ni Sir Crillian at tinignan ang folder na hinahawakan niya.

Pwede naman sigurong iba nalang diba? Ayoko ng makita iyon eh! Nahihiya pa din ako sa nangyari sa elevator kanina. At saka iniiwasan ko din s'ya, noh!

Pero mas nakakahiya naman, kung ipapasa ko sa iba ang utos ng head namin, diba?

Nakakainis! Nakakairita! Nakakaimberyerna! Tangina!

"Woi!"

"Punyeta!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinakpan ang bibig ko. Nakita kong napakunot naman ang noo niya, pero kalaunan ay mahinang napatawa.
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at saka muling tinignan ang isang folder na hawak niya na naglalaman ng isang documento.

"S-a office ko po ba ihahatid, Sir Crillian?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya ng matamis at tumango.

"Pasensya kana ha? May gagawin pa kasi ako, Felise. Ikaw lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko sa documentong ito." Kitang kita ko sa mga mata niya ang sinserong pagpapasensya.

Napangiti naman ako at agad na kinuha ang blue na folder. Ihahatid ko lang naman 'to at aalis din ako agad, noh!

"Ayos lang 'yon, Sir!" Pasigaw kong sabi. Nakita kong kumislap ang mga mata niyang tumitig sa'kin, kaya umiwas ako.

May naaalaala ako sa mga kislap na 'yon.

Malalim na mga mata na kumikislap kislap.

Napailing ka agad ako. Ano ba! Simula ng dumating siya sa kompanyang 'to kahapon, ay di na maawat ang utak ko kakaisip sa kan'ya.

Piste siya kamo.

Tumikhim ako at akmang magpapaalam na ng magsalita siya ulit.

"Kumain kana ba?" Tanong niya.

Pa fall.

Iyan ang linyahang palaging sinasabi ni Jasmine 'pag tinatanong siya ng mga dati niyang kalandian.

Ngumiti naman ako kay Sir Crillian at tumango.

"Tapos na po." Sagot ko. Nakangiti naman siyang tumango tango, pero napakunot ang noo ko ng ngumiwi at umirap siya.

"Bakit kaba po nang po? Para ka namang others, Felise." Inis niyang singhal.

Napataas ang isa kong kilay at inirapan din siya. Nakalimutan ko na medyo close din pala kami nito eh. Kahit naman obvious na patay na patay siya sa akin, eh matalik din naman kaming kaibigan. Kaming tatlo nila Jasmine ang matalik na magkakaibigan. Nagka close kaming lahat sa pagsama sama niya sa akin sa karenderya at pagpupumilit na manligaw. Tumigil naman na siyang sa pagpupumilit at matalik nalang kaming magkakaibigan ngayon, kahit na patay na patay pa rin siya sa akin.

Patay na patay, ganda ko kasi eh.

May itsura naman si Sir Crillian. Mabait, matalino, responsable, maalaga, soft spoken, matangkad, at mapagmahal din siyang anak.

Na meet ko na kasi 'yong parents niya at kasama ko n'on si Jasmine. Minsanan din kasi siyang nagyaya ng roadtrip at gala. May chismis na nga na sumisipsip kami sa kan'ya eh.

"Totoo pala ang chismis~" Napakunot ang noo ko sa boses niyang kumakanta.

"Ha?" Tanong ko sa kan'ya.

"Hatdog."

Sinamaan ko agad siya ng tingin at akmang ihahampas ang hawak ko sa kanya nang maalala na baka importanteng dokumento 'to at baka makunot pa.

"Ano ba! Nagtatanong ako ng maayos!"
Irita kong singhal.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now