Chapter 2: No Strings Attached

13 0 0
                                    

"I'm sorry, Clark". tigmak ang luha ng dalaga sa kaniyang harapan habang kasalukuyan silang naghihintay ng masasakyang jeep sa paradahan na iyon malapit sa kanilang eskwelahan. "Hindi naman ikaw ang problema kun'di ako".

It's not you, it's me. Tinagalog mo lang eh!. gusto na sanang sabihin ng binata na may halong pagbibiro 'pagkat ayaw niyang seryosohin ang sinasabi ng kasamang dalaga. Hindi dahil sa pakiwari niya'y isang malaking joke time lang ito, kun'di dahil sa ayaw niya ng ganito pakiramdam...yung malungkot at may halong kaba na hindi niya maintindihan kung saang nangagaling.

"Lois, seryoso ka ba talaga?". naitanong nalang pabalik ng binata habang pilit iniiwas ang tingin sa dalagang walang tigil sa paghikbi't pag-iyak. Ayaw niya kasi itong nakikitang nasasaktan at nahihirapan ng ganito, pakiramdam niya'y unti-unti ring nadudurog ang kaniyang puso. "Talaga bang aalis ka na?".

"I'm really sorry..." hikbing sagot ng dalaga. "Sila daddy kasi, mas gustong ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa Canada, dahil halos lahat sila andun na. K-kaya pinapasunod na nila ako doon".

"Pero pano'ng pag-aaral mo dito?". balik na tanong naman muli ni Clark. "S-saka pa'no...pa'no na tayo?". alangan man sa sasabihin ang binata'y alam niyang kailangan niyang linawin ang lahat sa kanila ng dalaga dahil baka magsisi pa siya sa huli kung hindi niya malaman ang sagot na pilit umuukilkil sa kaniyang isipan.

"Clark, tama naman din ang parents natin eh". halos pabulong na sagot ng dalaga sa kaniya. "M-masyado pa tayong mga bata para seryosohin ang–..."

"Pero seryoso nga ako sa'yo, sa'tin". pagputol ng binata sa mga nais pa nitong sabihin.

Saglit silang natigilan nang may dumating na jeep at pumarada sa kanilang harapan.

"O, yung mga sasakay d'yan papuntang Pasig..." rinig nilang tawag ng kunduktor ng jeep. "Sampuan lang, punuan na!".

"Halika na, ihahatid kita sa inyo". pag-aaya ni Clark at inabot ang kamay niya sa dalagang bakas ang pag-aalinlangan na kunin at hawakan ang kaniyang kamay. "Lois, please kahit ito nalang sana".

"No, Clark". iling ng dalagang tigmak parin ang luha sa mga mata. "This will be our goodbye. I'm really sorry".

Tumalikod ang dalaga sa kaniya't nagmamadaling lumakad palayo na para bang ayaw na nitong maabutan na niya.

"Lois!". tawag niya sa pangalan ng dalaga. "Lois, wait!. Lo–..."

Napasinghap siya't halos habol ang hinga't tigmak ng pawis ang noo ng magising mula sa kaniyang mahabang panaginip.

"Ugh!". tutop ang palad at napapikit siyang mariin dahil sa alaalang nagsusumiksik sa kaniyang isipan ngunit pilit niyang winawaksi, 'pagkat ayaw na niyang maalala pa ang sakit ng nakaraan. "What a nightmare".

Napatingin ang binata sa bedside table niya't nakita ang oras sa kaniyang digital clock. Mag aala-diyes na ng umaga.

"Shit!". bulalas niya't biglang napabalikwas mula sa pagkakahiga.

Nagmamadali siyang kinapa ang kaniyang cellphone sa kama at nag-dial ng numero na kaagad namang nag-ring ngunit wala pang sumasagot.

Ano ba naman Clark, bakit ngayon ka pa napasarap ang tulog!?. maktol na usal niya sa sarili habang naghihintay ng sasagot sa kanilang linya.

"C'mon–..." tarantang usal niya habang nagri-ring parin ang kanilang linya. "Pick up the phone!".

"Hello?". halos mabunutan ng tinik sa dibdib ang binata ng marinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya.

The Relationship EXperimentWhere stories live. Discover now