12

2 2 0
                                    

Naomi


" By the way, na-inlove kanaba? " napatingin ako kay Ling ng tanungin nya ako.

" Ahm.. " umiwas siya ng tingin " I am just curious. "

Umiwas din ako ng tingin at umiling. " I once fall in love but he's a gay, " napatingin naman siya saakin. " Not that gay, he is an academic achiever at malambot yung galaw niya basta hindi siya gay pero parang gay! Basta! " depensa ko.

I heard she chuckled. " Palaging sinasabi ni ash na mas mabuting magpatino siya ng bakla kaysa magmahal ng cheater. "

" Hindi talaga siya na-inlove? " takang tanong ko.

" She didn't, crush crush lang ang sakanya at yung mga beke pa ang nagugustuhan nya, magkagusto man siya sa tunay na lalake mga two or four days mawawala. " sagot nya saakin " may longest crush naman siya, noong grade 5 kami pero nabadtrip siya sa lalake nayun nung grade 7 kami dahil nalaman nyang playboy. "

" 5,6,7 " binilang kopa yun gamit ang daliri ko. " 3 years? " tanong ko sakanya. Tumango naman siya. " That's not crush it's a love. "

" Ayaw nyang aminin na napamahal siya sa lalaking iyon. " Sabi nya at napabuntong hininga.

Namayani ang katahimikan saamin, ang ihip ng hangin lang ang naririnig ko.

" By the way, " I broke the silence and then look at her, " bakit mo natanong? "

Tumingin naman siya saakin at napakunot-noo. " Ang? "

" Inlove? " tanong ko, napangisi ako ng umiwas siya ng tingin. " You're inlove? " I teased

Iniwas nya ang tingin nya, " I can't understand my feelings. " Sagot nya saakin.

" Why? " Tanong ko at iniwas din ang tingin sakanya.

" Age gap? " patanong na sabi nya, napangiti ako ng marinig ang sabi nya.

" In love, age is just a number. " sabi ko at tiningnan siya, napatingin naman siya saakin at kumunot ang noo. " If you really love that person no one can stop you, religion, age, family, or what. Diba pag mahal natin yung isang tao gagawa tayo ng paraan para mapasatin ang taong yun? "

" I have an ex lover. " Napatingin ako sakanya. " May connection parin kami sa isa't isa pero hindi kami nagbalikan ha, basta talk talk lang. "

" Do you still love him? " Tumingin naman siya saakin. " I mean your ex, you love him? "

She sighs. " I don't know. " sagot nya saakin " I can't understand my feelings, he still makes my heart flutter but 'he' makes me happy all day. "

Napatango ako sa sinabi nya. " I don't know what to say, I didn't experienced that. " sabi ko.

" But choose the last one, " napatingin siya saakin. " Hindi ka mahuhulog sakanya kung mahal mopa ang ex mo. "

" Maybe you're right, " sabi nya.

***


" Are you free tomorrow? " tanong ko kay dad, hinatid nya ako ngayon sa Unit ko.

Dad shook his head. " I'm busy, may project kami ni Waibs. Sa next friday ang flight natin papuntang Japan. " Dad said, he kissed my forehead bago niya ako pinalabas sa kotse.

" Take care otousama! " sabi ko at ni-wave ang kamay. Inantay ko muna na umalis ang kotse ni dad bago ako pumasok sa Casino Condominium.

Nagulat ako ng pagbukas ng elevator ay nakita ko si Vhong at si Amy. Nagtama ang tingin namin ni Amy sa kaya agad ako nag-iwas ng tingin at pumasok sa elevator.

" Halika--- "

" May nalimutan ako sa condo mo. " rinig kong sabi ni Amy kay Vhong.

" Ahh oo yung condom? " natatawang sabi ni Vhong at napatingin saakin. Ngumiti lang ako sakanya at nag-iwas tingin.

Ting!

Nakaginhawa ako ng maluwag ng bumukas ang pinto agad ako lumabas.

Binuksan ko ang pinto ng condo ko at agad na pumasok. I left a heavy sigh at napasandal sa pinto.

" Anong nangyari sainyo? " rinig kong tanong ni Vhong.

" I don't know why she's avoiding me. " rinig kong cold na sagot ni Amy.

" Tsansing ka kasi! " i closed my ears para hindi na marinig ang pag-uusapan nila pero hindi naririnig ko parin sila. This is one of the reason why I hate this fucking ability.

" That's my love language. " napabitaw ako ng marinig ko ang sinabi ni Amy. " Hindi ba nya alam na nililigawan kona siya? "

" Puta pare nililigawan mo? "

" Oo! "

" Tangina dapat sinabi mo! Kaya nawi-weirduhan yung tao sayo eh! Tsk! Kalalaking tao duwag! Mahina! "

" Eh paano kung hindi siya pumayag? Napahiya lang ako. "

" Eh di dapat sinabi mo "liligawan kita sa ayaw o sa hindi mo gusto" doon alam nya na nanliligaw ka, hindi yung may pahawak-hawak ka ng kamay, Para kang ano! "

" Parang ano? Ha? Anong ano! "

" Pervert pare! Pervert! "

" Tangina ano ba dapat gawin ko? "

" Pumunta ka sakanya, sabihin mong liligawan mo siya kahit ayaw niya! Wag mong sabihin saakin na dimo kaya? Ren naman walang mahina sa angkan natin! "

" Oo nanga! Ito na! Ito na, daming satsat, parang babae! " napahawak ako sa pinto ng marinig ko ang paglabas ni Amy.

Tok! Tok!

Napaigtad ako ng may kumatok ng pinto ko. Agad kong binuksan ang pinto at napatingin sakanya.

" A-anong k-kailangan mo? " nauutal na tanong ko sakanya.

" Liligawan kita, " I'm expecting him to say that pero nagulat parin ako. " Wala akong pake kung ayaw mo, basta liligawan kita kahit ayaw mo o ayaw ng daddy natin. "

Tinalikuran na nya ako matapos sabihin yun, nagulat naman ako sa ginawa nya.

" Nanliligaw nayun? Bat parang galit? " napailing nalang ako at sinarado ang pinto.

" Oh? " napatakip ako ng taenga ng marinig ang sinabi nya.

" Putangina ka! Walang karoma-romantic! Sino ka pare? Si lord? "

Agad ako tumakbo sa kwarto para hanapin ang headphone ko.

" Putangina Vhong! Ayaw kong ligawan siya! " napatigil ako sa paghahanap ng marinig yun.

" Ha?! "

" Gusto ko kami na! "

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Don't forget to vote, comment and share!!! Mwuah

Didn't have time to revise or check for errors, typos, misspelled words etc. do understand

Villain'spen ':>

Gifted Series #1: Love Before And After A Fight (Amyren Cassano) Where stories live. Discover now