CHAPTER 7

534 9 1
                                    

"Mama! Three stars po ako! Look!"

Agad kong tinignan si Sabrina nang malakas siyang sumigaw. Mas nauna akong umuwi sa kan'ya ngayon, dahil half day lang ako. Pinauwi na kasi ako ni Sir Crillian dahil sumakit ng todo ang ulo ko.

Mag dadalawang linggo na rin simula ng maging boss namin ang pisteng iyon. What if may lason pala 'yong mango float niya? Sheessh. Kaso tangina pa'no iyon? Antagal naman bago umepekto ang lason kung gano'n, noh?

Tangina, nababaliw na ata ako.

Napailing nalang ako sa sarili at ngumiti ng malaki sa anak ko. Kahit masama ang pakiramdam ko ay ayaw kong ipahalata sa anak ko 'yon. Halata sa boses niya na hinihintay niyang sabihin iyon at ayaw kong biguin iyon.

Tsaka proud ako sa kan'ya, noh. Three star. Ako nga, eh 'di binibigyan ng teacher ko kasi halos lahat ng kaklase ko ay kaaway ko.

"Ang galing mo naman anak ko. Manang mana ka kay Mama... Three star na at maganda pa!" Masiglahing sambit ko at ibinuka ng malaki ang mga kamay ko para sa yakap.

Napangiti naman ako, nang agad siyang tumalon at yumakap saakin ng mahigpit. Masakit, pero carry.

Yinakap ko siyang ng mahigpit at pinugpog ng halik ang buong mukha niya.

"Ang galing galing galing talaga ng Sabrina ko!" Malambing at masuyo kong sabi. Rinig na rinig ko ang mahihina at matitinis niyang hagikgik.

"Mahal na mahal kita, Sabrina, anak ko." Mahina kong sabi habang nakatingin na ngayon sa malaki niyang nakangiting mukha. Expose na expose ang maliliit at mapuputi niyang ngipin.

"Mahal na mahal din po kita, Mama ko! Ako, love mama ko!" Sigaw niya at hinalikan ang dalawa kong pisngi.

May humaplos sa puso ko at ngumiti ng matamis. Siya ang pinakakamahal at number one sa puso ko. Second na 'yon sila Papa, noh. Ako nga baka second din sa kanila, eh.

"Ayos kalang, teh?" Napalingon ako ng marinig ako boses ni Sylvia.

Tumango naman ako ng mahina.

Nasa kusina ako ngayon at naghihiwa ng carots at siya naman ay naghahalo sa niluluto namin.
Kanina pa sobrang nanghihina at masakit ang katawa ko. Pero gusto kong ipaghain si Sabrina ng paborito niyang pagkain, dahil nakukuha siya ng three stars.

Kahit naman one star lang makuha n'on, ipaghahanda ko pa din.

At bibilhan ko siya ng ice cream, kung wala. Alam ko ang ugali ng anak ko. Dati eh, sobra talaga siyang nalungkot nang hindi siya nabigyan dahil nag recess lang siya saglit, tas pagbalik uwian na.

Kaya gulat na gulat talaga ako, 'pag uwi ko ba naman eh ang lakas ng iyak. Akala ko ano ng nangyari sa kan'ya. Pero alam kong valid ang nararamdaman ng anak ko at nalungkot din ako ng todo. Kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng isang malaking selecta na ice cream at star na pantatak, gaya ng sa teacher niya at tinatakan ko siya sa kamay niya nang tatlong beses. Sabay sabay kaming kumain tatlo nang ice cream na iyon, habang masayang masaya siya sa tatlong stars na nasa kamay niya.

Napangiti ako ng maalala ang araw na 'yon. Kaya ngayon alam kong sobra sobra ang saya na nasa puso niya at gusto kong paghandaan namin 'yon. Hindi naman 'to isang beses na nagka three stars siya at palagi namin siyang hinahandaan. Pero wala akong masyadong mga budget n'on, kaya isang simpleng fried rice at cornetto lang ako naiibigay ko sa kan'ya. Ngayon lang talaga ako nagluto sa kan'ya, dahil may stock kami at may extra din akong pera.

"Tapos na ba? Paki tawag nalang si Sabrina." Mahinang ani ko at napahilot sa sintido. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko, pero kakayanin. Mamaya nalang ako magpapahinga.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now