C31

35 2 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

"Let's go?"

Agad kinuha ni Laurent ang bag ko pagkatapos ko itong ayusin.

Uwian na't lahat wala parin siyang sinasabi tungkol sa kanina. Naghihintay ako ng paliwanag niya tungkol sa nangyari kaninang lunch, pero mukhang wala siyang balak mag sabi.

Kanina pa siya iwas sa mga tanong ko nang makabalik siya kanina sa classroom namin. Ni Isa sa mga tanong ko kung anong nangyari ay hindi niya sinagot.

Nang hindi niya sagutin ang mga tanong ko kanina ay hindi ko na rin siya pinansin pa. Hindi man lang siya nagtaka kung bakit ako biglang tumigil sa pagtatanong sa kaniya. Siguro ay dahil tulala rin siya kanina habang nag didiscuss 'yong teacher namin.

Napairap nalang ako sa kawalan nang maisip kung bakit siya natatanga ngayong araw.

Naglakad ako palapit sa kaniya at marahang binawi sa kaniya ang bag ko. Kinuha ko iyon Mula sa kaniyang mga bisig at walang imik ko siyang nilampasan.

Hindi ko gustong mag tampo sa kaniya dahil hindi niya masabi sakin ang nangyari pero iyon ang nararamdaman ko.

Nanliligaw siya pero simpleng paliwanag lang ay hindi niya masabi sa akin kung anong nangyayari sa kaniya, paano pa kaya kapag kami na. Magtataguan nalang ba kami.

"Let me carr-"

"Ako na." Walang emosyong pagputol ko sa kaniya.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng room. Napansin ko ring nakatingin sa amin ang iba naming kaklase na natira pero hindi ko na iyon pinansin.

Nagtataka siguro sila na parang kaninang umaga lang ay nanligaw sa akin itong lalaki pero kinahapunan ay may away na agad.

Hindi ko naman gustong iwasan siya. Sadyang iyon lang ang naisip kong paraan para makapag isip siya dahil tulala nga ito kanina. Pero nakakatampo parin dahil hindi siya mag sabi sakin.

Alam kong sumunod siya sakin dahil ramdam ko ang presensya niya pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.

"What's wrong? You okay?" Tanong niya mula sa likod ko.

Napairap nalang ako dahil sa tanong niya. Hindi ba niya maintindihan. Nagtatampo ako dahil ayaw niyang mag sabi.

"H-hey.."

"Ano tangina!?" Hindi ko napigilang taasan siya ng boses.

"Is there something wrong?" Mahinang aniya.

"Ikaw may something wrong ba sayo?" Balik ko sa kaniya na nagpalaki sa mga mata niya.

Napayuko siya at umiling. "W-wala.." Kita kong napalunok siya ng ilang beses.

Napatawa nalang ako ng sarkastimo dahil sa sagot niya at sa nakita ko.

Pilit niyang tinatanggi na may nangyari talaga.

Mabilisan akong lumapit sa kaniya. Gulat pa siyang umaatras ng paunti unti pero hindi niya ako mapipigilan.

Agad kong hinawakan ang sleeve ng uniform niya at mabilisang kong itinaas iyon.

Agad niyang hinawi ang kamay ko nang lumabas ang mga sugat at pasa niya.

"Iyan. Anong nangyari diyan?"

Umiwas siya ng tingin habang inaayos ang kaniyang uniform. Ilang minuto akong naghintay sa sagot niya pero nakatingin lang siya sa gilid.

"Ano? Nakaisip ka na ng palusot?" Pag aagaw ko ng pansin sa kaniya dahil hindi talaga siya umiimik.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now