Chapter One

3 0 7
                                    

Alexandra's POV

August 23, 2022 (Evening)

Bukas na ang first day of school namin well para sa'min mga set b, pero mukhang hindi ako makakapasok sa una namin pasokan.

"Ma, dae ako makakalaog saaga..." paalam ko sa aking ina.

"Tano man?" tanong niya sa'kin sabay taas ng kanyang kaliwang kilay.

"May ubo't sipon ako baka pagalitan ako pag pumasok akong may sakit." Sabay singhot sa'kin ilong.

"Sa sobrang ka-excitedan mo sa first day nagkahilang ka lugod." Aliw niyang sinabe.

"Sige tumurog ka na dyan at i-chat ko na lang si maestra mo."

Tumango ako sa kanya at humiga na sa'kin kama habang hinila pataas ang aking kumot sa lamig at natulog.

August 25, 2022 (4am in the Morning)

Naghahanda na ako para sa unang araw ko sa school after 2 years na quarantine, napapaisip ako kung mabait ba o mayabang ang mga magiging bago kong classmates.

"Dali na mal-late ka sa school mo" Paalalahanan ni mama.

"Opooo" Mahabang sagot ko sa kanya matapos kong magmedyas at magsapatos.

Lumabas na kami ni mama ng bahay at sumakay ng jeep, Nagtataka siguro kayo kung bakit grade 9 na ako hinahatid pa ako ng nanay ko sa school, Simple hindi ako marunong magcommute mag-isa (hehe my bad my bad) at hindi ko alam ang patungo sa school dahil hindi naman ako gala (di tulad niyo^_^)

August 25, 2022 (5am in the Morning)

"Sunduon taka na lang ulit mamaya ah?" Paalala ni mama.

Habang naka tayo kami sa labas ng Balibago Intergrated High School or BIHS.

"Okayy" Sagot ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap at umalis na siya.

Pumasok na ako sa gate ng school at naglakad sa hagdan papuntang 3rd floor (my asthma could never smh) dinahanan ko ang lakad ko nung palapit na ako sa room namin.

"Sana naman mabuot sinda" bulong ko sa'kin sarili.

Nasa harap na ako ng aming room at nakita ko na may babaeng mahaba ang buhok na nagsusuklay sa labas.

Di niya ata ako na pansin okay na yun less attention.

Sumilip ako sa pintuan ng room ng na pansin ako ng isang lalake na kulot ang buhok at moreno.

"Section M po ba ito?" Tanong kong nahihiya.

"Opoo pasok ka!" Sagot niyang masaya

Ang energetic naman niya, I could never

Pumasok ako at umupo sa 2nd row and last chair at binuksan ang cellphone ko (pang distract ba you know)

Habang nagbabasa ako biglang may tumapik sa'kin sa balikat. Tumingin ako sa tumapik sa'kin at nakita si Akkisha na naka ngiti sa'kin, nahihiyang kumaway ako sa kanya.

Binigyan niya ako ulit ng ngiti at pumunta sa upuan niya. Gumaan ang pakiramdam ko na may isa akong kakilala sa room.

Habang nag aantay sa adviser namin nagbabasa muna ako sa cellphone ko habang palihim na nakikinig sa pinag uusapan nina Akkisha at isang babae na kulot ang buhok na naka mask.

Huh mahilig din pala sila magbasa ng wattpad

Timeskip (Start of Class)

Dumating na ang adviser namin na nagpakilala bilang Ma'am Anna Licot.

Cutiee teacher naman ni ma'am ang sweet

"Okay mga anak ngayon naman may gagawin kayong activity" saad ni Ma'am Licot.

"Kumuha ng colored paper o bond paper at i-trace ang iyong kamay sa papel at gupitin matapos ilagay ang limang pangalan ng nagbigay inspirasyon o nakatulong sainyo nung quarantine" Bigay niya na instruction.

Huh? Colored paper? Bond paper???

"Sa palad ng paper hand ninyo ilalagay ang mga pangalan mga anak matapos gupitin niyo ang paper hand at i-dikit sa barbeque stick or kahit anong stick"

Now what-?! Walang sinabe sa gc na magdadala ng colored paper, scissor, glue at stick what the hell

Tumingin ako sa mga kaklase ko habang gumagawa na sila.

Lord haha sana naman may mabuting loob mag bigay sa'kin ng papel

May tumapik sa balikat ko at pag lingon ko isang babae na short hair at naka mask ang bumungad sa'kin. Inabot niya sa'kin ang extra niya na colored paper, tinanggap ko ito at yinuko ang ulo ko.

"Thank you" mahiya kong pasalamat sa kanya.

Gumawa na agad ako ng activity namin hindi na inantay ang sagot niya.

Rude much mo naman self ka intimidate si ate fairness libre niya binigay, what if hingiin niya yung bayad mamaya?! Hala dapat di ko na in-accept pero baka hindi na, sana hindi na

Timeskip (brought to you by Papel ni Juan)

"Ngayon naman mga anak matapos niyo magawa ang paper hand isa isa ko kayong tatawagin at i-presenta niyo sa unahan ang iyong gawa"

.........WHAT?! HALA AYOKO MA'AM NAMAN AKALA KO BA MAHUL MUH AKUH..oa naman pero real ma'am why??? Di ko nga alam kung tama ginawa ko eh wala naman akong ginawa nung quarantine kundi kain, tulog at cellphone

Nagsibulungan ang mga babae kong kaklase sa likod sa kaba at gulat.

Isa isa sila nagpresenta habang ako na ang sumunod.

"Odin" Tawag ni Ma'am Licot

Tumingin ako sa kanya at tumayo sa pwesto ko at pumunta sa unahan habang pumapawis ang pareho kong kamay sa kaba.

"Uhmm ang nilagay ko sa papel ko ay sina Mama, Tita Jam, Tita Clang, Akkisha at Princess" Saad ko.

Nagtataka kayo sino si Princess? Si Princess lang naman yung babae na nakita ko kanina bago pumasok na nags-suklay na nakausap ko habang gumagawa ng paper hand.

Tumango si Ma'am Licot at may sinulat sa record book niya.

"Sige nak upo ka na"

Tumango ako at mabilisang naglakad pa upo sa upuan ko habang nginitian ako nina Akkisha at Princess.

7:40 - 7:55 (Recess)

Recess time favorite subject ng lahat.

Pinanood ko lang mga kaklase ko maglabas pasok para magrecess habang naka upo lang ako di nakikipag usap (cause I'm super shy super shy)

Besides nag i-ipon ako kaya okay na yung wag mag recess may pagkain naman sa bahay

Timeskip (End of Class)

Finally nakalabas rin sa room, boy wala man lang ako nakausap maliban kina Akki and Princess. Ang lonely ko talaga kahit kailan

Habang palabas ng school nakita ko si Mama nag aantay sa'kin sa labas ng gate, ngumiti ako sa sarili ko at binilisan ang lakad papunta sa kanya.

"Kamusta school?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta ng sakayan.

"Okay man yaun duman si Akkisha" Sagot ko sa kanya.

Tumango lamang siya at sumakay na kami at umuwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Complicated Life  Where stories live. Discover now