Untitled Chapter 55

14 1 0
                                        

What the hell is happening?


Anong nangyayari? I wanna hurry up and see the AVP area bago pa dumating ang client. Baka nga nagkamali ako or naging clumsy that I brought a hard drive or usb with me tapos me ganyan akong folder of pics. Tutal rehearsal pa lang naman ng banda ng Parokya.

Hayaan mo ng kumanta yang si Chito. Uulitin naman niya yan.

Nagmadali ako sa paglalakad pero bigla na naman akong napatigil. Ung kapaligiran ko nagmistulang isang malaking LCD screen. Familiar places were suddenly flashed na siyempre andun ang pagmumukha ko.

This is getting weird ng bongga. Anak ng pating!

Hinugot ko yung phone ko, tatawagan ko si Roxy bago pa siya magalit sa akin. Natapos na rin sa wakas ang rehearsal nina Chito. Nawala na rin ang pictures na fina-flash sa buong kapaligiran ko kanina.

Ang Roxy naman hindi sinasagot ang phone niya. Nalintikan na!

Saan ba kasi dito yung control ng mga kabidyuhan na yan at LCD na yan! Kirara naman o!

Naisip kong maglakad uli sa dilim. As in ang dilim! Yung malamlam na ilaw lang ng LCD Screen ang nagiging ilaw ko. Kelangan ko ng magmadali.

"Chelsea..nako akala talaga namin tatanda ng dalaga yan. Aba'y akalain mong siswertehin pa siya. Nagkaanak pa ha." Sambit ni Lilac. Ang tatlo bruha, nasa video??? Tawa pa more sila.

Muntik na tuloy akong masubsob sa biglang preno ko sa paglalakad at pagkapa sa dilim.

"Anak buti naman sa wakas, mawawalan na ng bungangera sa bahay. Magiging pasensyosa ka at bawasan ang katarayan. Alam naming magiging mabuti kang may bahay at ina. Mami-miss namin si Miss Minchin sa bahay." Ang family picture ko gumagalaw, nagsasalita.

Ano ba ito??? Tribute sa pagiging dalaga ko? Ano'ng may bahay ang pinag-iimbento nina ina?

Nagsalita rin ang iba ko pang barkada, naging officemates at si Valentin.

"I never thought and imagined that you are about to change your surname, get married and settle down. We may have our past love story to tell but let bygones be bygones as well as dissolve any bad blood between us. I will always care and be here for you in a special way. Thank you that I came to know you, Chelsea. Sisters forever!"

Naluha ako sa tinuran ni Valentin. Kaya lang panira ng emo moment yung 'Sisters forever'. Ke macho-macho ng dating e, hitad din pala sa huli.

Me boses na naman. Nag-ehem siya pero wala namang video.
At kilalang-kilala ko ang boses na yun.

"My feisty, sassy, ever temperamental Chelsea. You must be in a cloud of confusion and questions are floating in your mind at this time. You may be wondering what is going on? Why is everything around you seems to be in your favor... Well Babe, this event is all about you...and us." Si Gideon.

Ano at may voice over pang nalalaman itong si Gideon? Anong all about me? Anong katarantaduhan itong nalalaman ni Gideon at sumingit siya talaga ng pakulo sa event ng client namin nina May? Nakakahiya. Super nakakahiya.

Napahawak ako sa noo at nasabunutan ko na rin ang buhok ko. Laglag-balikat, napaluhod ako sa gitna ng aisle papunta sa stage.

"I have been thinking a lot about us. I mean, why am I so afraid of committing myself to someone who loves me more than herself. Everytime you slip away from me, something inside me suffers. So why waste time healing myself alone, when I can heal this fear in commitment with you. We were both hurt before and trauma got in us. But hey, we have each other, and all we've got to do is value each other's worth. What I am trying to say is this...I will never be an A-hole to you. I regret those days that I became such a pain in your head. Give me a chance to be your companion for the rest of our lives, and be a father to Gavini Damien. I love you both so much, and I will never stop fighting for us. Now, get up, and let's get married."

EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH to the nth power!

Tumayo ako at nagtanggal ng sapatos.

Binato ko sa may screen yung sapatos ko. Hindi naman tinamaan pero nag-landing siya on stage.
Binato ko pa yung isa, sabay sabing, "Hayup ka Gideon lumabas ka jan! Ano'ng pakana ito? Pati ba naman negosyo namin sinasabotahe mo! Tigilan mo itong kadramahan mo. Ilagay mo sa lugar. Or better yet, mamaya na lang pagtapos ng birthday party. Huhuhu. Yari ako nito sa kliyente namin eh."

Napaupo ako sa sahig. Wa poise na kung wa poise pero nagngangangawa talaga ako.

Wala kasi sa lugar eh. I mean fine, magpaka-mushy ka pero wag ngayon. Lahat na lang pinilit mong i-sabotahe e.

On the other hand, naisip ko, tangna, na-set up ata ako. Hindi kaya kunwari lang lahat yung tungkol sa event tapos magpro-propose lang pala itong si Gideon sa akin.

WAHHHHHHHHH!!! MONGTANGA AKO NITO!!!! NAISAHAN AKO!!

Sana sinabi na lang niya sa akin!!! E di sana ginandahan ko pa yung idea! I hate surprises pa mandin! Buti na lang talaga halos lahat favorite ko, puwera siya.

Big warm hands held my shoulders from my back. Nagulat ako ng split seconds pero dahil pamilyar ang amoy at hawak, wala, pinagpatuloy ko yung pag-iiyak ko na parang bata. Naka-dress pa mandin ako. Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko.

Tapos tinayo niya ako. "Babe come on, don't act like a kid now."

Tumayo na ako. Nahiya na ako eh. Sana kaming dalawa lang ang nandito.

Pagtayo ko hinarap ko siya. Tinanggal ko ang mga kamay kong nagtatakip sa mukha ko at paliliparin ko sana ang kamay ko sa mukha niya pero nasilaw ako sa isang alahas na nasa purple velvet box. Ung emerald infinity ring na binibigay niya last time na nagpropose siya.

Yung isang kamay niya gumapang sa mukha ko habang yung isa hawak ang kamay ko.

"Na-uh! Before you punch my face, answer me first. Will you let me marry you or we will live in together without the church's blessing?"
Nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang napansin na naka-formal attire si gago. As in white shirt and snug jeans plus brown boots. Hehehe!

Pinunasan niya yung mukha kong natuyuan na ng luha ang mga pisngi ko. Wahhh yung make up ko malamang sabog na ngayon.

Nag-pout ako.

Nang dahil sa ginawa kong iyun, hinatak niya tuloy ung lower lip ko ng labi niya at nginasab niya in instant. Yung kamay niya hinahaplos-haplos ang pisngi ko habang yung isang kamay ay pinipisil ang isang kamay ko. Mejo tumagal ng mga 30 seconds iyung kissing scene namin na iyun. When he broke the kiss, naramdaman kong me sinuot siya sa palasingsingan ko at itinaas ang kamay ko.

"There, we are officially engaged." Nakangisi niyang sabi, at ni-run ng isang daliri niya ang singsing na ngayo'y nakasuot na sa akin.

I glared at him at hinatak ang kamay ko. Nag-cross arms ako at nag-stomp ng feet. Ang sarap sa paa ng carpet ha. Buti na lang may carpet, kung hindi manlilimahid sa dumi ang talampakan ko bilang pinagbabato ko yung sapatos ko sa stage.

Tatangkain niya sana akong hawakan sa balikat ng madistract ako. Me tumawang baby. Saan nanggagaling yun? Anak ko ata yun a!

Nawala ang tingin ko sa mukha ni Gideon. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung saan nangggagaling yun. Pinatabi ko pa nga siya bilang nakaharang siya at lumakad sa gitna ng aisle uli. Iniwan ko siyang nakatayo malapit sa stage.

Sabay nagbukasan ang ilaw sa buong bulwagan.

OH MY GOD.

Yung walkway na dinaanan ko natatabingan lang pala ng itim na kurtina para magmistulang may aisle mula sa main door papunta sa stage. Pero ng magkailaw sa buong paligid, ngayon ko lang napagtanto na ang daming tao sa paligid namin. Hinawi bigla ang itim na kurtina para ilabas ang audience.

Anak ng pating nga naman oo! At ang stage, nagflash uli ng mga litrato namin ni Gideon.

Ibig sabihin kanina pa ako napapanood ng mga ito?

Hayup ka Gideon, hindi mo man lang binigyang-galang yung paglulupasay ko dito sa sahig, habang nakasalampak ako.

Narinig ko uli ang tawa ni Gavin Damien. Paglingon ko uli kay Gideon, hawak-hawak na niya si Gavin.

Dumilim ang paligid, tila sinaniban ako ng dark forces.

Bakit mukha silang pinagbiyak na arinola?

Relationship Status: Ilusyonadang In A RelationshipWhere stories live. Discover now