C32

9 0 0
                                    

PLEASE, SAY YES.


It's been two weeks since I opened up my past to Laurent.

Magaan sa pakiramdam na may napagsabihan o napagkwentohan ka ng hinanakit mo.

I like how he treated me after that so called 'drama' of mine. Two weeks siyang naging alalay ko.

I mean, nanliligaw sakin.

He always makes me feel protected and safe everytime na may mga babaeng pinagchichismisan ako.

Yes. Hindi na tumigil ang mga bulungan tungkol sakin dahil lang sa panliligaw ng kinababaliwan nila.

But all I can say is I'm not affected about them because there's someone made me feel that all the chismis about me is not true.

Thanks to Laurent. Pero hindi ko rin naman kailangan ang protection niya dahil kaya ko ang sarili ko at sanay na ako sa mga naririnig, pero ang sarap lang sa pakiramdam na may pu-mo-protekta sayo.

Lalo akong nahuhulog sa kaniya tuwing ginagawa niya iyon. Gusto ko na siyang sagutin pero parang ang aga pa.

Para sa ibang tao. Ngayon lang ulit ako natakot sa sasabihin ng iba sakin. Kasi, iba ngayon. Kasama na ang gusto ko.

"Pare, birthday ko next week, Tuesday. Punta ka sa bahay ha?" Umakbay sakin si Jace.

Gulat akong tumingin sa kaniya. "Weh? Birthday mo?"

"Kakasabi lang Derna." Nginiwian ako ni Fritzy.

"Naninigurado lang, bugok pa naman ang isang 'to."

"Hindi ako bugok. Baka 'yong manliligaw mo. Bugok 'yong itlog."

Tumawa siya ng pagkalakas lakas pagkatapos niyang sabihin iyon kaya may mga napatingin nanaman sa table namin.

Kahit itong mga katabi ko ay natawa rin hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa tawa niya.

"Ang dugyot mo Jace! Baka mas bulok pa sa'yo!" Balik ko sakaniya na ikinatigil niya sa pag tawa.

"Hoy! Ang bulok sakin! Kahit tignan mo pa!" Mabilis siyang tumayo at agad hinawakan ang kaniyang belt.

Agad kaming napahiyaw nila Lorie at Fritzy dahil sa ginagawa niya.

"Tangina mo ka!" Sigaw ko sa kaniya ng marinig ko muli ang tawa niya.

"Asa ka namang ipapakita ko 'to sayo. Kay ano ko lang ito ipapakita!" Aniya at tumawa ulit siya ng paglalakad lakas.

Inismiran ko nalang siya at agad hinarap si Denver na busy sa tabi ni Glen at Theo na tumatawa.

"You're tawa is not giving Jace! It's so lakas." Tumatawang ani ni Fritzy kay Jace habang nag-e-eyeliner.

"It's okay that my tawa is not giving, my face naman is so giving. Like so pogi." Balik sa kaniya ni Jace na ginaya kung paano ito mag salita.

"Yuck! It's so iw ka naman!"

"Mas you pa ang iw,"

"Tigilan mo nga ang pag copy sa pananalita ko!"

"Tigilan mo nga ang pag copy sa pananalita ko" Pang-ga-gaya ni Jace habang nag me-make face.

"Argh! Follow Rence and Gabriel nga sa pag buy us nang food! You're so ingay!"

Inirapan lang siya ni Jace at may binulong binulong sa sarili bago tumayo at sinundan ang dalawang lalaki.

Sinundan ko siya ng tingin. Aalisin ko na sana ang mata sakaniya, nang  namataan ko siyang biglang tumigil sa isang table at mukhang may ininis siya doon dahil bigla nalang siyang hinampas nang babae.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now