CHAPTER 43:

40 0 0
                                    

                        BLOOM'S POV

Nasa harapan ako ngayon ng bintana. Parang bata na nag hihintay ng ice cream.

Maya-maya pa nga ay dumating na ang sasakyan ni Cloud.

Mabilis akong bumaba ng kwarto at kaagad na lumabas ng biglang hawakan ako ni mama sa kamay.

“Tandaan mo lahat ng sinabi ko saiyo Bloom okay?” kunot noong bilin nito tsaka naman ako tumango at pumunta Kay Cloud.

“We'll be back before 6 in the evening po, Tita.” Nakayukong saad ni Cloud kay mama.

“Sige mag-iingat kayo. I'm counting on you, Cloud.” Anito tsaka naman tumango si Cloud at sabay na kaming pumasok ng Ferrari car niya.

“Saan tayo pupunta, Cloud?” malumanay na tanong ko sa kaniya.

“Arcade games.” Nakangiting sagot niya na itinalon ko.

“Wee talaga!? E diba maraming tao doon? Okay lang ba iyon?”

“It's fine, Bloom. As long as I'm with you you'll be fine.” Ngiting sagot niya.

Ilang minuto lang ang naging biyahe namin ng makarating kami sa harapan ng SM mall.

“Before we get there. Mag w-widraw muna ako ng pera hehe. Dito kalang, pero if gusto mong magpahangin ay pwede ka namang lumabas.” Mabait na saad niya.

“Hindi okay lang ako dito.” Nakangiting sagot ko.

“Are you sure? This might take long. May kunting linyahan kasi doon o.”

Napangiti lang ako sa kaniya. “Maghihintay ako promise.”

Ginulo nito ang buhok ko tsaka na umalis ng kotse.

Habang tahimik na nakaupo ay kaagad akong nakatanggap ng text galing kay Ace.

Ace: Hello Mommy Bloom. Pwede ba tayong magkita sa labas ng SM mall? I'm waiting here sa ilalim ng parking area. Nakasuot ako ng puting jacket tapos pulang sumbrero.

“Luhhh ngayon ba talaga?”

Bloom: Sige anak. Papunta si Mama.

Ace: Pakibilisan Mommy. Barely need your help.

Napaisip tuloy ako sa text ni Ace.

Hindi na Ako nagdalawang isip na lumabas ng kotse tsaka na hinarap si Cloud. Mas mabuti na kasing makahingi muna ako ng permiso pero hindi ko rin naman siya nakita.

Binalewala ko nalamang ang paghanap kay Cloud at nagsimula ng pumunta sa parking area banda sa likurang parte ng mall.

Bloom: Saan ka?

Tanong ko sa kaniya maya-maya pa nga ay nag reply na ito.

Ace: Sa Parking Area #5 sa dulo. Iyong area ng mga van.

Mabilis akong tumakbo papunta doon at makikita ko nga sa dulo ang isang lalaking nakatalikod na mayroong suot na puting jacket.

“Ace! Bakit ka ba kasi pumasok sa pinakaloob kung pwede naman sa labas banda diba?”

Hindi ito sumagot kaya mas lalo ko pa itong nilapitan hanggang sa isang hakbang nalang ang layo naming dalawa.

“Hoy. A-Ace?”

Laking gulat ko ng biglang sumulpot ang dalawang lalaki mula sa likuran ko at dali-daling nilagyan ng lubid ang mga kamay ko.

Ang lalaking nakaputi naman na akala kong si Ace ay kaagad na humarap sa akin sabay na tinakpan ng tela ang bunganga ko.

Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers Where stories live. Discover now