CHAPTER 9

674 10 8
                                    

"Mama..."

Napatingin ako bigla kay Sabrina nang marinig ko bigla ang mahina niyang boses.

Agad agad kong pinahiran ang luha ko at tumingin sa kan'ya ng nakangiti.

"Ang aga n'yo ata ngayon, baby?" Masigla kong tanong...pero agad na napawi ang ngiti ko ng malakas siyang umiyak.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa kan'ya.

"Sabrina, ano'ng nangyari at bakit ka umiiyak?" Agarang at nag-aalalang tanong ko.

Sumikip ang dibdib ko ng yumakap lang siya ng mahigpit sa'kin. Binuhat ko siya at hinaplos haplos ang likod niya, habang marahan itong hinahalikan sa sintido.

"Anong nangyari? Hmm...Bakit umiiyak ang anak ko?" Malambing kong tanong.

"Ma-ma...amp-on mo la-ng d-aw p-o a-ko..." Agad na napatigil ako sa pag-aalo sa kan'ya. Napatingin ako sa anak ko..gamit ang kunot noong expresyon.

"Sino'ng may sabi?" Tanong ko. Agad na lumambot muli ang expresyon ko ng makita ko ang maliit na takot sa mga inosente at malalim niyang mga mata.

Mas lalong piniga ang puso ko sa sakit nang marinig ang maliliit niyang hikbi.

Hindi iyaking tao ang anak ko. Umiiyak lang siya, 'pag labis na s'yang nasasaktan.

"Sabrina..." Marahan at puno ng pag-aalalang tawag ko.

Humikbi naman siya ulit at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"M-ama...bull-y nila a-ko." Agad na nahulog ang butil ng luha ko sa maliit at nasasaktan niyang boses.

Suminok siya at humikbi muli. "Mama...s-abi ni-la am-pon da-w a-ko ka-si wa-la po a-kong...Papa." Napapikit ako at pinigilang humikbi..

Mas lalo akong nahirapan sa sumunod niyang sinabi.

"M-ama...na'san po ang Papa ko?" Ni hindi siya nautal kahit humihikbing tinanong 'yon.

Tangina....kakatapos ko lang umiyak dahil sa nangyari kanina sa opisina niya at ngayon naman ay nandito ang anak ko at hinahanap siya.

Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata ko at nang dumilat ako ulit...mata ng anak ko na nagmamakaawa at nagtatanong na lumuluha ang bumungad sa'kin.

Hindi ako makahinga sa nagmamakaawang mga matang 'yon..

Para lang itong mga mata niyang nagmamakaawa sa'kin kanina....

Bakit pa kasi sila magkamukha?

"S-abrina, nasa'n ang ate Sylvia mo?" Pag-iiba ko ng usapan. Malakas na hikbi lang ang isinagot niya sa akin at umiling iling.

"N-asan po ang papa ko, mama?" Mahina at humihikbing tanong niya. Huminga ako ng malalim at niyakap nalang siya ng mahigpit.

"H-indi p-o ba ako mahal ng papa ko, mama?" Tanong niyang muli, gamit ang nanginginig at umiiyak na boses.

Umiling iling ako at paulit-ulit na hinalikan ang sintido niya.

Parang hindi ko na kayang magsalita..kahit isang salita. Kahit na gustuhin kong sagutin ang mga tanong ng anak ko, para namang may mabigat na damdamin ang pumipigil sa'kin.

Tahimik na tumutulo ang luha ko, habang ang sa kan'ya ay walang tigil at ang munti niyang mga paghihikbi na siyang nagdudulot ng libong libong karayom na tumutusok sa damdamin ko.

Sobra akong nasasaktan sa nararamdaman ng anak ko. Pero wala akong magawa. Hindi ko kaya. Hinding hindi ko kaya.

"Mama, hindi n'yo po ako ampon...diba?" Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa'kin.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now