CHAPTER 10

925 20 6
                                    

"Una na 'ko, Felise! Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo at umuwi ka na din mamaya!" Malakas na sigaw ni Jasmine, bago umalis.

Nagpatuloy lang ako sa pagtratrabaho. Mag-isa nalang ako dito at kaunti nalang ang tatapusin. Palagi naman akong nag oot, kaya 'di na bago sa'kin na ako nalang mag-isa ang natitira.

Nang tumagal ay naramdaman kong inaantok na talaga ako, agad akong tumayo at naglakad papaunta sa office kitchen.

"Isa nalang, Felise. Kaya mo na 'to! Sana wala nang dadagdag pa!" Kausap ko sa sarili.

Parang lantang gulay akong naglalakad at kada minuto ay pumipikit ang mga mata ko.

Inaantok na talaga ako.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ng parang naghahalo sa baso.

Nasa kusina na ata ako.

Nakapikit kasi akong naglalakad.

Binuksan ko ang mga mata ko. Parang bigla agad nawala ang antok sa katawan ko nang makita

S'ya.

Nakasuot siya ngayon ng blue na suit at blue necktie. Napalunok ako at tinignan din ang mata niyang malamig na nakasuot ng salamin.

Malamig siyang nakatitig sa'kin, habang hinahalo ang kape niya sa baso.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako at napaiwas.

Hindi ko na ata kailangan ng kape. Gising na gisng na diwa ko eh.

"Why are you still here, Ms.Gonzales? Your out is 5pm. It is already 11pm, right now."

Hindi ko alam, pero parang mas lumamig ang boses niya at sobrang strikto na din.

Umiling ako ng palihim at tinignan siya. Para akong naninibago, para bang isa lang akong taong hindi niya kilala sa paningin niya.

Walang emosyon, expresyon, at parang nagtatanong lang talaga sa ibang tao ang mukha niya.

Parang terror teacher, amputa.

Bumuntong hininga ako at sinagot siya.

"Nag ot po ako, Sir." Umiwas agad ako ng tingin.

Parang ang awkward hanep. Eh, buong araw ko na kasi siya hindi nakita at no'ng kahapon ay...

Erase, erase!

Tumango lang siya ng tipid at hinawakan na ang baso ng kape niya.

Bakit kaya siya mahilig pumunta rito?

Pake ko?

Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang malamig at walang emosyon niyang pagtingin sa'kin. Dati naman siyang malamig tumingin sa'kin, pero mas lumamig lang ngayon.

Edi wow.

"Just make sure you won't blame the company or me when you get sick again, Ms.Gonzales." sumimsim siya ng kape niya nang matapos sabihin 'yon.

Napakagat ako ng labi ko sa naramdamang kirot sa puso. Hindi ko naman talaga sila sisihin!  At lalong hindi ko siya sisihin! Ano bang pake ko sa kan'ya? Utot niya.

Malalim akong napabuntong hininga at napailing. Pagod na talaga siguro ako. Kung ano ano nang iniisip ko.

Napakagat ako ng labi ko at tumingin sa kan'ya.

"Y-es po, Sir..." sagot ko. Lihim na napakunot ang noo ko nang habang sumisimsim siya ng kape ay ang malamig niyang mga mata kanina ay napalitan tila ng nagtitimpi at sobrang lalim na titig.

"Stop biting your lips."

Napakurap ako at nagtatakang tumitig sa kan'ya. Ano bang mali?

Kinagat ko uli ang labi ko, para tignan ang mali. Kitang kita ko kung paanong mas lumalim at dumilim ang mga mata niya.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now