Reality

38 0 0
                                    


Simple at tahimik na lugar lamang ang gusto at kailangan ko. Pahinga siguro na matatawag kapag mas pinili ko ang gumuhit sa aking papel habang nakikinig sa musika.

Ang hangin na nalalanghap ang siyang nagbibigay lakas sa akin. Gusto kong mapag isa, simulan ang bawat pahina na ako lamang at walang ibang kasama.

"Arf!" It was my dog, Dorothea.

"Come here, Doro!" Pag tawag ko sa aking pandak na aso, hindi ko alam kung ano ang lahi niya dahil binigay lamang sya sa akin. She's a girl at puti ang kulay nito.

"Gutom ka na ba?" Tanong ko rito habang hinihimas ang makapal nitong balahibo.
Five months palang ito sakin at masasabi mo talagang pandak ang lahi niya dahil hindi man lang ito lumaki simula noong ibigay siya sa akin.

Tumahol ito pabalik sa akin na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko. Binuhat ko sya at hinayaan na dilaan ako nito sa aking pisngi.

"There you go, Doro. Eat well baby!" Binigyan ko ito ng tinapay na dala ko. Nakalimutan ko kasing dalhin ang dog food nito. I also gave her water dahil alam kong mauuhaw agad ito.

Nilibot ko ang aking tingin, nandito kami ngayon ni Doro sa paborito kong lugar. Tahimik, madaming puno at malayo sa mga tao. Listening to rnb songs habang nag d-drawing o gumagawa ng tula ang ginagawa ko kapag nandito ako.

Makalipas ang ilang oras, napag pasyahan ko nang umuwi at harapin ulit ang reyalidad.

Inayos ko na ang mga gamit na dala ko at binuhat si Doro para ilagay sa harapan ng aking bike. Oo, naka bike lamang ako na pumunta rito at nakakatuwang kahit saan ko gustong pumunta ay maisasama ko ang aking aso gamit lamang ang aking bike dahil sa sobrang pandak nito.

Nag simula akong mag bike at nilasap ang hangin na tumatama sa aking mukha, tinignan ko si Doro at hindi ko maiwasang mapa ngiti dahil naka buka ang bunganga at nakalabas ang dila nito na para bang sobra itong natutuwa sa nakikita.

And this is the reason, Doro is the reason why I love dogs and pets, more than people.

— Pahinga

Ito ang nag sisilbi kong pahinga,
wala mang kasama ay alam kong magiging masaya. Ang musika na aking taga tahan. Tula na siyang aking paboritong pulutan, dahil nag silbing alak ang reyalidad na aking kinatatakotan.

You Are My FavoriteWhere stories live. Discover now