Is this your favorite?

25 0 0
                                    

Uwian na, pinaka masarap na pangyayare ngayong hapon.

Sobrang init at sobra na akong nagugutom dahil hindi na ako naka kain kanina. Kailangan ko pa kasi kaninang mag review para sa susunod na subject namin sa p.e. Ang hirap pa naman kapag bumagsak sa Pr1.

Oo, Pr1 dahil grade 11 pa lang ako. Ang nakakainis lang ay grade 12 na ako sa susunod na taon pero hindi man lang ako tumatangkad. Kaya siguro madali lang ako mabully noong stem stud na 'yon dahil matangkad siya? Tsk.

Nag lakad-lakad lamang ako hanggang sa mapadapad ako sa mga nag titinda ng fishball at kwek-kwek. Ito ang mga paborito kong pagkain, kung sa iba hindi nila ito gusto, sa akin ay kahit ito ang kainin ko sa mag hapon ay ayos lang.

"Kuya, bente pesos nga pong fishball saka kwek-kwek." Inabot ko sa nag titinda ang bayad saka kumuha ng lalagyan at nilagyan ng sawsawan. Pina init ko muna ulit ang binili ko kay kuya para mas masarap!

Habang hinihintay ko itong maluto ay bigla kong nakita 'yong stem stud, may hinahanap ata siya kasi palingon-lingon siya e. Kaka lingon niya pag siya nabangga, sa bandang kalsada kami e.

Saktong pag alis ko ng tingin sakan'ya ay tinawag na ako ni kuya dahil luto na ang pagkain ko. "Isa pang juice kuya, 'yang pineapple."

Tinapat ko sa aking bibig ang juice saka humigop dito. Pag lingon ko ulit sa ibang direksyon ay nakita kong nakatingin na sa akin si stem stud. Bigla kong nabuga ang juice dahil sa pag kagulat.

"Oh, anyare sayo miss?" Tanong ni kuyang tindero.

"A-ah, ano kuya, wala atang lasa 'yang juice mo." Nahihiya sabi ko rito habang pinupunusan ang aking labi. Nagulat pa ako noong bigla itong kumuha ng supot at nilagyan nito niyon ng juice saka ininom.

"Matamis naman, miss." Kumunot pa ang noo nito saka umiling-iling sa akin. Pinilit na lang akong ngumiti sakaniya saka tinusok ang fishball.

Isusubo ko pa lang sana ito ngunit may tumawag na agad sa akin sa likod. "Hoy, madaya ka talaga Catalina!" Sigaw nito sa akin habang hinihingal na tumatakbo.

Lumingon ako rito at tinaas ang kilay. Nakita ko rin sa gilid 'yong stem stud na naka taas ang kilay kaya bigla akong nailang. Tumingin ako kay Leona. "Anong madaya? Inaano kita?" Taas kilay kong tanong dito saka humigop sa juice ko.

Ramdam ko na kasi 'yung malalim na titig sa akin. "Sabi ko hintayin mo ako kasi sasama ako sayo, buti nakita kita dito." Nag tatampo ang boses nito.

"Bakit kita hihintayin, hindi naman tayo clo—" Hindi ko na nasabi ang dapat ko sanang sabihin dahil bigla na lamang itong dumikit sa akin na parang linta.

"Ayan, close na tayo." Tumataas taas ang kilay nito sa akin habang naka ngiti. Mag sasalita pa lang sana ako at ilalayo ang sarili sakaniya ngunit may bumangga na agad kay Leona kaya napa layo ito sa akin.

"Ano ba—" Naputol ang pag sigaw nito dahil ang masungit na mukha ni stem stud ang bumangad sa amin. "Itong na darama, wag nang paligoy ligo-ligoy paligoy-ligoy pa.." Pag papatuloy nito sa dapat niyang sasabihin.

Tinaasan lamang siya nito ng kilay saka ito lumingon sa hawak kong fishball at kwek-kwek. Akala ko ay aalis na ito ngunit nagulat na lang ako noong humarap siya kay kuya. "How much is this one?" Tanong nito kay kuya habang turo-turo ang kwek-kwek saka bumalik ang tingin sa hawak ko.

"Sampo 'yan ma'am. Kwek-kwek ang tawag diyan." Tumango lamang ito at lumingon ulit sa akin, ngunit sa mata ko na ito naka titig.

"Is this your favorite?" She asked me, parang normal lamang ito kung makipag usap sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang dapat gawin o sabihin. "Hey, I'm asking you, Catalina." Medyo kumunot na ang noo nito.

Lumingon muna ako kay Leona na parang anghel na nasa gilid dahil sa sobrang tahimik. Lumunok muna ako ako saka tumango. "A-ah, paborito ko nga. Masarap 'yan—" Hindi pa ako tapos mag salita ay umalis na lamang ito bigla saka dali-daling nag lakad pabalik sa school.

"Ha! Grabe si ate mo." Natatawang nag salita si Leona saka kuha ng baso at tumusok sa fishball.

"Parang kanina lang hindi ka makapag salita ah." Nang aasar na tanong ko dito habang naka tingin pa rin sa pinag lakarin niya. Anong meron dun?

Sumubo muna ito bago nag salita. "Sinong hindi tatahimik kung may angel na dumaan?"

"Angel na may sungay kamo, nag tatanong tapos biglang aalis. Parang timang." Sabi ko rito saka inubos ang pagkain ko.

"Baka gusto ka pag tripan kaso tinamad bigla." Saka ito tumawa na akala mo meron talagang nakakatawa. Nakakatuwa ba 'yon?

"Dapat kayong dalawa ang mag sama." Tinapon ko ang pinag kainan ko sa basurahan bago ito tignan ulit.

"Bakit?" Kumunot ang noo nito saka tumaas ang isnag kilay.

Ngumiti muna ako rito saka tumalikod.

"Hoy bakit nga!" Sigaw pa nito dahil may ilang dangkal na ang layo namin.

Huminto ako sa pag lalakad ang humarap ulit sa kaniya. "Parehas kayong nang gugulo sa buhay ko." Saka tumalikod.

"Ang sakit mo naman!" Sigaw nito ulit, hindi na ako lumingon at dire-diretso ang lakad. Hindi ko dala ngayon ang aking bike kaya kinuha ko na lamang ang aking cellphone at headset sa bag.

Patapos na ang unang kanta na aking pinapakinggan nang bigla kong maalala ang nangyare kanina.

Is this your favorite?

Why are you asking me if that's my favorite, stem stud?

You Are My FavoriteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora