Chapter 14: Kapalit

50 4 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 14: Kapalit

"ANO ba? Bakit ba bigla ka na lang nanghihila?" inis na sabi ni Davina sa lalaling biglang nanghila sa kanya palabas ng coffee shop na pinagtra-trabahuhan niya.

"Bakit mo siya hinalikan?" seryosong tanong ng lalaki pagkaharap niya kay Davina na ikinataas ng kilay ng babae.

"Pakialam mo ba?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Davina habang may mga ngisi sa kanyang labi na ikinatiim-bagang ng lalaki.

Biglang nanlaki ang abong mga mata ni Davina sa hindi inaasahang paghalik ng lalaki sa kanya. Sinubukang itulak ni Davina ang lalaki at hindi na napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha nang maging marahas ang halik nito na parang may tinatanggal sa labi niya.

"May pakialam ako sa'yo, KD. Huwag mo ulit susubukan o ipapakita sa akin na nakipaghalikan ka sa iba kung ayaw mong parusahan kita sa mismong harapan ng kahalikan mo. You're mine, KD. Everything about you is mine." seryosong sabi ng lalaki bago muling hinalikan si Davina pero hindi na katulad kanina dahil masuyo nang humahalik ang lalaki sa labi ng dalaga na ikinapikit ni Davina.

"Makisama ka lang pero huwag kang magtitiwala dahil hindi lahat ng nasa paligid mo, totoo!" makahulugang bulong ng lalaki sa tenga ni Davina na ikinamulat nito at napalunok nang makita ang seryoso at matalim na tingin na ibinibigay sa kanya ng lalaki.

*****

"Ikaw, ha. Kaloka ka. Bakit mo hinalikan si Sir Chriz?" sabi ni April na katrabaho ni Davina na nakatoka sa counter.

"Hindi ko sinasadya na halikan siya." sabi ni Davina habang nakatuon ang atensyon sa paglalagay ng mga order na kape at pastry sa tray kung saan ihahatid niya iyon sa table ng customer.

"Anong hindi mo sinasadyang halikan, Davina? Nakita namin kung paano mo inilapit ang mukha ni Sir Chriz sa'yo at ikaw mismo ang nagpalapat ng labi mo sa labi niya." sabi ni Jana na isa rin sa katrabaho ni Davina na nakatoka sa counter at minsan ay ito ang nagtitimpla o nagdedesenyo ng mga kape.

"Bahala kayo kung ano ang isipin niyo. May trabaho pa ako." sabi ni Davina bago tumalikod sa mga katrabaho habang dala ang tray na may lamang mga order ng customer at hinayid iyon sa lamesa nito.

*****

DAYS LATER...

"DAVINA, sandali!" tawag ng pamilyar na tinig ng lalaki kay Davina pero hindi iyon pinansin ni Davina at naglakad ng mabilis dahil ayaw niyang makausap ang lalaki.

Nasa kalsada si Davina ng mga oras na iyon kung saan katatapos lang ng klase nita at kasalukuyang naglalakad papunta sa trabaho niya sa coffee shop na malapit lang sa Medical School kung saan siya kasalukuyang nag-aaral para maging Ob-Gyn o doktor ng mga babae at buntis.

Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ng lalaking ilang araw na niyang iniiwasan dahil hindi niya kayang harapin ito. Nahihiya siya sa lalaki sa ginawa niyang paghalik rito na walang permiso nito. Kahit sa trabaho ay iniiwasan niya ito dahil palaging nasa coffee shop ang lalaki dahil doon ito nagpapalipas ng oras kaya kapag hinahatid niya ang order nito ay mabilis lang at hindi siya nagtatagal.

Alam ni Davina na mali ang ginawa niyang paghalik sa lalaki kahit na pinagsalitaan siya nito ng masama. Hindi pa rin tama ang ginawa niya. Isa iyong kabastusan dahil kapatid iyon ng amo niya.

"Davina, sandali!" hinigingal na sabi ng lalaki kay Davina nang maabutan niya ito at hinawakan ang kamay nito at pinigilan sa paglalakad.

"I'm sorry for what I did. I'm sorry for kissing you without your permission." sabi ni Davina nang humarap siya sa lalaking pumigil sa kanya sa paglalakad.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now