CHAPTER 14

26 3 0
                                    

Today, I thought I have finally cleared my schedule but turns out universe won't let me sleep at peace or neither take a break from everything.

"My lady, I have prepared your dress." Naerin said.

Tinatamad akong bumangon sa kama, today the queen requested my presence in her palace, I really liked her audacity to call me in her ward for something and call it a tea party with her daughter in law. not even Satan would believe that kind of shit.

I was contemplating if I should go or make excuses but neither would work, alam kong gagawan n'ya 'yon ng solusyon or kung hindi naman iisipin n'ya na ayaw ko s'yang makita which is totoo naman. Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko tipong ayaw ko pero pumupunta pa rin ako.

Tumayo ako ng matapos akong mag muni muni saglit saka pumasok ng banyo mabilis lang akong naligo dahil naligo na naman na ako kaninang umaga sa may pool, parang half bath na lang ang ginawa ko. Lumabas ako at nag dry ng buhok saka umupo sa vanity mirror ko.

Sinimulan akong lagyan ng make up ni Keva sa mukha light lang ang make up na gusto ko ngayon dahil ayaw kong ma outshine ng kagandahan ko ang mahal na reyna. Mahirap na lalo't wala pa akong isang taon sa Ensiger andami ko na agad naka away.

Nang matapos akong mag make up ay lumabas na ako saka pumasok sa loob ng walk in closet ko nakita ko agad Ang nakalagay na damit para sa akin pinili ito ni Naerin para sa akin, It was a floral white sundress.

"Are you going to wear a glove my lady?" Keva asked beside me.

"Yes, get the sheer one." I replied.

Nagbihis na ako saka namili ng susuotin kong sandal, kumuha ako ng plain heels saka lumabas ng vanity mirror. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinignan ang mga notifications ko bago ito nilapag sa table at kinuha ang gloves na dala ni Keva.

"Thank you," I said before sliding the gloves in my hands.

Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba ng hagdan, nakita ko agad si Selah na naka abang sa'kin. Mayroon na rin karwahe sa labas na nag aantay sa'kin kaya lumabas na ako at pumasok doon inalalayan ako ni Selah papasok.

Umupo ako at saka tumingin sa labas, pinaka gusto ko talagang tignan ang view sa labas ng karwahe lalo na kapag umiikot ito sa palasyo, natatanaw ko ang kagandahan ng Ensiger ang mga bulaklak at ang mga paru-paro na abala sa paglipad. Napapalibutan sila ng kagandahan na kay gandang pag masdan.

Ilang minuto lang ay huminto na rin kami bumukas ang pinto at nakatayo na agad doon si Selah sa labas kasabay ang isang parasol na nasa kamay n'ya.

"My lady," Saad n'ya sabay hawak sa kamay ko at inalalayan ako pababa.

Ngumiti ako. "Thank you." Saad ko sabay kinuha ang parasol sa kanya.

Nauuna akong naglakad sa kanila. Nagmuni muni ako habang pinagmamasdan ang palasyo n'ya malaki ito mas malaki pa sa palasyo na pinag sstayan ko, although hindi naman ako naiingit.

Malaki s'ya at malawak, maganda rin ang design ng bawat pader. Natanaw ko rin ang mga soldiers na paikot ikot abala sa pag ronda sa palasyo nakita ko rin ang mga maids na palabas na. Halos lahat ng tao rito ay busy sa kani kanilang mga ginagawa.

May lumabas at pumunta sa harap ko, she made her curtsy, judging by her look and suit she's definitely the head maid of the palace.

"Good afternoon, your higness." Saad nito sabay tayo ng tuwid. "The queen is waiting for you in the garden." Saad n'ya sabay turo ng daan.

Tumango lang ako sa kanya, nagsimula kaming maglakad papunta sa kung nasaan man s'ya. Nag dire diretso kami saka lumiko. Surprisingly, everything in the corners was a portrait of the queen and her son, Efrain as well as the King. I can't see any portrait of Yro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NOBLE SERIES#4: A DEAL WITH A PRINCEWhere stories live. Discover now