MDT 5

193 8 1
                                    

Chapter 5

Sa gulat ko ay itinulak ko siya agad at kumawala sa hawak niya, kasabay ng pagwawala ng puso ko. Lumayo ako sa kanya at tumama pa ang braso sa gilid ng kabayo. Malagkit at mariin ang titig niya sa akin na para bang may nagawa pa akong hindi maganda sa kanya.

"H-Hindi mo ako kailangan saluhin! Kaya kong bumaba." wika ko at parang maghehesterikal pa sa gulat.

Bumagsak lang naman ako sa dibdib niya at ang higpit ng hawak niya sa bewang ko kanina! Naramdaman ko ang init ng kamay niya sa balat ko! Sa sobrang laki ng palad niya pakiramdam ko nasakop noon ang buong bewang at tiyan ko.

My insides churned just because of that thought.

"You shouted. Hindi mo alam bumaba mag isa sa malaking kabayo." sagot niya na at parang siya pa ang galit.

His big frame and furrowed thick eyebrows made me uneasy.

"Rohen..." lumakad ang babae sa amin at huminto sa may likod ni Rohen.

I just looked away and silently cleared my throat.

Kasalanan ko bang gusto ko bumaba na mag isa dahil ang tagal nilang magkausap at nabuburo na ako dito? Buti nga at hindi ko siya tinawag, kung ginawa ko iyon e'di nagmukha pa akong bastos dahil mukhang ang saya-saya ng pinag uusapan nila kanina.

Gosh, people really test my patience.

"You can continue talking, maglalakad-lakad lang ako." patay malisya kong sabi bago naglakad at pinaypayan ang sarili. Bigla akong pinagpawisan I can feel it on my neck and back.

Nilampasan ko na ang kabayo at balak na maglakad sa kabilang direksyon para hindi sila maabala.

"Sandali lang Avena. Callista! Come here!" tumaas ang boses niya, huminto ako sa paglalakad at nilingon sila.

Lumipat ang mata ko sa babae at hindi ko ma-explain kung anong reaksyon ang meron siya sa akin. She hasn't even smiled once since I came here.

Tumaas ang kilay ko kay Rohen, pero imbis na ako ang lalakad palapit sa kanya katulad ng sinabi niya ay siya na ang naglakad palapit. Ilang hakbang niya lang ay nasa harap ko na siya, mapaghanap ang mata niya at parang sinusuri ang buong katawan ko.

"Are you hurt?" tanong niya.

My brows twitched with his question, it was the least question I expected him to say. My mouth parted a little.

I saw the Avena girl hesitatingly walking towards us.

"I-I'm fine, bakit?" I tried to sound normal. Tiningala ko siya.

"Baka nasaktan ang paa mo sa biglang pagbaba, o ang kamay mo sa paghawak ng tali, Cali."

I licked my lips and shook my head, I continued fanning myself. I remained in my posture.

"I'm not hurt." I said in a flat tone.

"Mag usap na kayo ulit, sa may ilog lang ako." habol ko at tumalikod na bago pa tuluyang makalapit iyong Avena.

Naglakad na ako ulit, medyo mahirap lang maglakad palapit sa ilog dahil may mga malalaking bato sa gilid. Palakas ng palakas ang ingay ng agos ng tubig, meron pang humahampas sa mga malalaking bato.

The water was clear, but some dried leaves were flowing with the water and others were stuck between the rocks. Big old trees were surrounding the river, kahit mag isa ka dito hindi ka matatakot dahil iba ang ambience.

Parang imbis na masasamang tao ang nalalagi, mga diwata ang nakatira.

I slightly sit on the rocks and bent my knees to reach the water, malamig ang bumalot sa aking kamay.

Midnight Momento (Astalièr Series I)Where stories live. Discover now